MHB - Chapter 12.2. Daysary

135 3 0
                                    

**sa school

CARLO'S POV

grabe pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon. Kung makadikit naman kasi tong si Carmela, daig pa ang tuko. Hayst. Nakakahiya naman. Pinagbubulungan na nila kami oh.

"Babe. Wag mo na kong hintayin mamayang uwian ha."

"Talagang hindi kita ihintayin."

"Sssh. Wag ka nga maingay. Makiride ka na lang. Remember, yung deal natin."

"Ikaw lang naman ang nakikinabang dun eh"

"Huh? Ikaw din naman ah. Ako magiging tagapaglinis ng bahay saka taga luto mo."

"Tss. Eh hindi ka naman marunong maglinis eh at hindi naman pagkain ng tao yung luto mo."

"Okay." Bigla syang kumalas sa pagkakahawak sakin.

Parang iiyak na naman sya. Busangot na busangot yung mukha nya. Napatitig ako sa kanya at napansin ko ang sugat nya sa mukha. Ayt. Nakonsensya na naman ako sa nangyari sa kanya kagabi.

"Oh sige, ganito na lang. Iisip nalang ako ng iba pang ipapagawa ko ha. Iisip muna ko ng pabor. Tapos sasabihin ko nalang sayo pag nakaisip na ako."

"Huh? Eh kelan pa yun? Ang labo mo naman eh."

"Basta, pag nakaisip na ako."

"Pero tayo na?"

"Huh?"

"Kung tayo na?"

"Oo nga. Kagabi pa diba?"

"Yehey!" ^_^

Isip bata talaga to -___-

"Tol! Kanina pa kita hinihintay ah"

O_O Potek. Si Joem yun ah.

"Wow. Girlfriend mo?"

"Ha? Hin-"

"Oo. Girlfriend nga nya ko^_^"

At itinaas pa nya yung kamay namin na magkaholding hands

"Hi.^_^ Ako nga pala si Carmela. Ikaw?"

"Joem. Nice meeting you Carmela^_^"

"Thanks. Oh pano Babe. Mauna na ko ah. Late na ko sa klase ko eh. Wag mo na ko hihintayin mamaya ah."

"Okay." Matabang kong sagot.

"Kiss mo ko" At iniaaro nya sakin ang pisngi nya.

"Wag ka mag-alala tol. Di naman ako nakatingin."nakangising sabi ni Joem

"Ang tagal naman Babe oh."

"Tol ang tagal daw" :D ang lapad ng ngiti ng loko

Parang di ko ata to kaya ah. Ang dami kayang estudyanteng nakatingin samin. Tsk!

"Kainis ka naman Babe!" sabi nya at hinalikan nya ko sa pisngi. O_o Ang daming nakakita. Sana nakapikit sila nung ginawa ni Car yun. Si Joem naman, ngiting ngiti

"Bye Babe. I love you.^_^"

"I love you daw oh." - Joem

"Bye."

"Yun lang Babe?"

"I love you too." Sabi ko habang pinandidilatan ko sya ng mata

"Ayieeee^_^" Kinurot pa yung pisngi ko ng bruha -_-

"Babye Babe. Babye Joem"

"Bye Carmela"

At umalis na si Car.

"Wow tol. Astig ah. Hahaha"

"Astig ka dyan!"

"Ang bilis mo napalitan si Kate ah."

Hindi ako nakasagot sa sinabi nya.

"Oh natameme ka? Ang sweet nyo ng babe mo ah. Hahahaha"

"Tumigil ka nga. Tara na may practice na tayo."

"Lupit mo talaga sa chicks captain. Hahaha"

Sinamaan ko sya ng tingin. Masyadong makadada, kala mo babae.

"Joke lang captain. Chill lang. Hehe. Tara na practice na."

Nakakaasar naman ang ganito. Hindi ko naman masabi yung deal namin ni Carmela. Baka lalo ako pagtawanan ng gagong to. Hayst. Wala na ata akong kawala. Ano ba naman tong napasukan kong gulo. Argh!

Nagbihis na lang ako at nagpractice na kami. Captain nga pala ko ng basketball team ng school. Kaya alam nyo na, ehem. kinakikiligan ako ng mga kababaihan.

At tradition na ng team na maghang out after ng practice. Kung san san ang punta. Basta magpapakasaya lang.

------------------------------

CARMELA'S POV

9PM na oh. Wala pa din si Carlo. Hay. Grabe naman yun. Ano bang pinaggagawa nun? Inaantok na ko eh.

Mga isang oras pa ang lumipas at narinig ko na may nagbubukas ng gate. Si Carlo na siguro yun.

Sinalubong ko sya sa may pinto.

"Bat ngayon ka lang?"

"Wow. Asawa lang ah. Bat gising ka pa?"

"Kasi hinihintay kita dumating. Antok na nga ko eh"

"Eh di sana natulog ka na."

"Oh anong meron?"

Naghanda kasi ako ng mga pagkain. Surprise ko sana to sa kanya.

"Nagluto ako para sayo."

"Kumain na ko. Busog na ko."

"Hindi mo man lang ba titikman yung luto ko?"

"Hindi na. Inaantok na ako eh."

"Ganun."

"Oo. Sige goodnight Car."

"Teka lang Carlo."

"Oh?"

"Happy daysary.^_^"

-__- sya

"Gabi na Car."

"Huh? Edi happy nightsary^_^"

"Ha ha. Ewan ko sayo"

"Sige pahinga ka na. Mukhang pagod ka na eh. Sweetdreams."

Umakyat na sya. Nalungkot naman ako. Sayang naman yung mga niluto ko. Seafoods yung niluto ko. Nagresearch pa naman ako para dito tapos di pala nya mapapansin. Hay. Parang sumusuko na tuloy ako. Pinapahirapan ko lang naman yung sarili ko. At isa pa, hindi ko pa naman ulit nakikita si Wesly eh.

*kring kring

(Momsy.. Calling...)

Wow, si Momsy. Ngayon lang sya tumawag mula nung umalis sya.

"Hi Momsy^_^"

(Hello baby. Buti gising ka pa. Kamusta ka na? Sorry ngayon lang ako nakatawag ah.Missyou baby)

"Hehe.Okay lang po ako Momsy. Miss ko na din po kayo"

(Kamusta naman si Wes?Mabait ba sya sayo?)

"Uhmm. Opo.Okay naman po kami.Maayos po ang pakikitungo nya sakin"

(Nandyan ba sya ngayon?)

"Ah eh tulog na po sya Momsy eh"

(ah ganun ba. Dibale tatawag ulit ako bukas ha.tapos gusto ko sya makausap)

"Okay po Momsy"

(Nga pala anak, nakausap ko na ang ate mo,sa maynila pala sya nakatira.Sana magkita kayo. Ifoforward ko sayo yung cellphone number nya ha)

"Opo"

(Anak. Umiiyak ka ba?)

"Huk huk huk"

My Hard To Get BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon