Chapter 5- Assuming Queen

179 8 4
                                    

 WE'RE ALL GUILTY presents " Assuming Queen "

Chapter 5

Roan's POV

OMG hindi ako makapaniwala sa pinagagawa ng pinsan ko at ang tanga naman ni Czarina hindi nakikilala. Halos magkapalit na nga sila ng mukha nung mga bata kami at hindi sila mapaghiwalay tapos hindi niya nakilala si Austin. At anong drama ng pinsan ko huwag daw sabihin na siya ang kasama magdamag nitong drama queen na ito. Si Czarina nirape daw siya kapal ng face gawin pang rapist yung pinsan ko, sa gwapo ng pinsan ko babae pa ang nangrarape sa kanya. Feeling talaga itong babae na ito, Assuming queen. Bahala na nga sila sa buhay nila pasasakitin ko lang ang ulo sa mga yan.

At bakit ko na naman naisip yung nangyari nung isang gabi kasi ang magaling kong pinsan tinawagan ako kanina at tinatanong kung sinunod ko daw yung inutos niya kapal din ng mukha utusan niya ako, sa ganda ko na ito. tsk. At isa pang nakapagpagulat sa akin ay uuwi na daw siya  at dito na siya mag-aaral, sa madaling salita magkakasama na ulit kami at magkikita na ulit sila ni Czarina hahaha tignan lang natin kung anu mangyayare.

Speaking of Czarina padating ng ang luka makangiti naman wagas. Nadaig niya pa si Mcdonalds  sa ngiti.^_^

" Czarina birthday mo, makangiti ka para kang nanalo sa lotto" pang-aasar ko sa kanya

" Well, para talaga akong nanalo sa lotto. Yes sa wakas nagtext na si Jake" sabi niya ng may sobrang ngiti, nagtext lang adik ba ito?

" anu naman sabi niya sa text?" tanong ko na walang kagana gana

" sabi niya magkita daw kami bukas 3pm papakilala niya daw ako sa team mates niya para daw sa pagmumuse ko" sagot niya

" Yun lang masaya ka na ang babaw mo." sabi ko sa kanya

Paano kaya kapag nalaman niyang uuwi na si Austin? ano kaya magiging reaksyon nito baka magpakain pa ito. Naalala ko pa kung paano ito nalungkot nung umalis yung pinsan ko.

# Flashbacks#

Ilang linggo na simula nung umalis si Austin at ang buong pamilya niya papuntang states pero si Czarina hindi pa rin lumalabas ng kwarto, sobrang lungkot niya noon. Tumatawag si Austin pero hindi naman sumasagot si Czarina sa mga tawag ng pinsan ko. Nagtampo kasi si Czarina kasi hindi nagpaalam sa kanya si Austine, tanging sulat lang yung binigay niya kay Czarina.

" Roan pwedeng pakibigay ito kay Rina" pakiusap ni Austine sabay abot ng isang sulat

" wala ka ba talagang balak sa kanya magpaalam ng personal, magtatampo sayo yun" sagot ko sa kanya

" Inexplain ko naman sa kanya lahat diyan kaya kailangan maibigay mo sa kanya yan" sabi niya at kita ang lungkot sa mga mata niya

" oo, sige ibibigay ko mag-ingat ka dun" sabi ko sa kanya sabay yakap

" Ingatan mo si Czarina wala ako sa tabi niya para alagaan siya" sabi niya sabay patak ng luha sa mga mata niya

Unang beses kong nakitang umiyak yung pinsan ko dahil nalulungkot siya at magkakahiwalay na sila ni Czarina at simula ng umalis si Austin ilang linggo din bago bumalik sa dati si Czarina pero never na niyang nabanggit ang pangalan ng pinsan ko.

#Endof Flashback#

 " Hoy bakla spaced out ka, ano ba yang iniisip mo?" tanong sa akin Czarina na parang nagtataka

" Wala,  wala wag mo kong intindihin anu nga pala sabi sa iyo ni Jake?" sabi ko sabay aksyon pa ng kamay ko

" Ah, sabi niya magkita daw kami bukas ipapakilala daw niya ako sa mga team mates niya. Alam mo na about dun sa pagmumuse ko na dapat talaga ikaw, paulit-ulit" sabi niya na parang nalungkot

We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon