Chapter 18- Assuming Queen

134 7 3
                                    

We're all GUILTY presents" Assuming Queen"

Chapter 18

Czarina's POV

Ilang oras din ang byahe at salamat kay Lord dahil nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Nakatulog din ako buong byahe, nakasandal pa ang ulo ko sa balikat ni Jake. Napangiti ako ng makita kong badtrip si Austin. Masisisi niyo ba ako kung sadyain kong pagselosin siya? Alam ko namang hindi dapat akong mag-assume na mahal niya ako ng higit  sa isang kaibigan pero hindi ko talaga mapigilan. Lumabas na kami at kita kong nakabusangot ang mukha ni Austin, natutuwa talaga akong isipin na baka mahal niya rin ako pero may parte ng utak ko na nagsasabi na huwag akong umasa kasi ako rin ang masasaktan. Na kay Jake na lang ako pero wala rin namang kasiguraduhan yun. Ni hindi nga siya nanliligaw, ako lang ata nag-aassume na gusto nila akong dalawa.

" Hay Thank you Lord buhay pa ako" sigaw ni Ro sabay taas pa ng dalawa niyang kamay. Kung nakikita lang ng mga nagkakarandapa sa kanya ang side niyang ganito sigurado ako matuturn off sila kay Ro.

" Grabe Austin kinabahan ako dun" sabi ni Angeline sabay tapik sa balikat ni Austin. Kasi naman kanina parang may galit si Austin sa pagpepreno.

" Masama talagang nagseselos ang mga Suarez nakamamatay, buti buhay pa tayo. Thank you Lord" sabi ni Ro sabay tingin sa akin. Umiwas na lang ako ng tingin. Nagseselos kaya talaga si Austin? Sana naman ang hirap kaya ng acting ko sobrang pagflirt ko kay Jake.

Badtrip lang si Austin buong maghapon, ni hindi nga siya lumabas sa kwarto niya. Anong gagawin ko pupuntahan ko na ba? Kasi naman nag-aalala na ako sa kanya baka masama loob niya sa akin dahil kay Jake ako tumabi. Bigla naman akong napahinto sa pag-iisip ng biglang may kumatok sa pinto.

" Wait lang" sigaw ko at kaagad akong pumunta sa pintuan para pagbukasan ang kumakatok.

Nakita kong ngumiti agad sa akin si Jake pagkabukas ko ng pinto, automatiko rin naman akong napangiti sa kanya. Nalulusaw na ako Lord, ang gwapo. OMG ilubog niyo na po ako sa lupa.

" Gusto ko kasing maglakad lakad, gusto sana kitang kasama" sabi niya sa akin kasabay ang kanyang colgate commercial smile. Makakatanggi pa ba ako sa grasya ng Diyos? Crush ko kaya si Jake kaya tatanggi pa ba?

" Ah. sure, wait lang" sabi ko sabay pasok ulit sa kwarto kinuha ko ang keycard tapos sumama na ako kay Jake.

Palubog na rin ang araw ng maglakad kami ng nakayapak, ang sarap sa paa ng puting buhangin parang nakakarelax na rin. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinatak ako patakbo. Hindi ko alam kung mabilis ba ang tibok ng puso ko dahil sa bilis ng takbo namin o sa kilig na nararamdaman ko ngayon.

" Alam mo Czarina hindi ko alam kung anong meron ka pero napapangiti ako sa tuwing nakikita kita" sabi niya sabay hawi ng buhok ko na tumatabing sa mukha ko. Nakaupo lang kami ngayon sa tabing dagat.

Hindi ko alam pero bigla na lang ulit bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba ito kaba? Binigayan ko lagn siya ng isang ngiti dahil hindi ko rin naman alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.

" Hindi ko alam kung ano ako sayo, pero gusto kong malaman mo na mahalaga ka sa buhay ko" dagdag niya pa. Tumingin siya sa mga mata ko.

Para akong nahihigop ng mga mata niya, hindi ko alam kung anong meron dun kung bakit hindi ko maalis ang mga mata ko sa kanya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin at kasabay din ang lalong pagbilis ng tibok ng puso. OMG parang nagwawala na ang puso ko. Pinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin, makalipas ilang segundo ay tumugon na rin ako sa mga halik niya.

Our sweet kiss during the sunset...

Angeline's POV

Pagkatapos naming magdinner ay napag-usapan na magkakaroon ng bonfire sa may dalampasigan. Kung hindi lang talaga libre to hindi ako sasama. Tsk kasi naman parang out of place ako dito.

1 message received

Please Let's talk.

Dumeretso na lang ako sa dalampasigan at tumabi na lang ako kay Austin mukhang badtrip siya, nagseselos siguro kay Jake. Nasa may malayo kami kumpara sa iba naming kasama kitang kita namin sila pero kami hindi nila masyadong makikita.

" Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina ka pa nakapatay" sabi ko sa kanya. Nakakatokot ang side niya na ganito, yung seryoso pero mas gusto ko kapag ganyan siya kasi may sense siyang kausap.

" Ikaw paano mo nakakayanan na makita ang mahal mo na kasama ng iba" tanong niya sa akin. Paano nga ba?

" May mga bagay kasi na hindi natin kayang baguhin at ang pinakamagandang bagay na lang nating pwedeng gawin ay tanggapin para hindi masyadong masakit sa dibdib." sabi ko sa kanya habang tumitingin pa rin sa bonfire.

 Patuloy lang siya sa pag-inom ng alak kung titignan mo siya makikitang apektado talaga siya sa nakikita niya.

" Mahal mo ba siya?" tanong ko sa kanya.

" Hindi ko alam, sa tingin mo mahal ko na ba siya?" sabi niya sa akin. Kung ako tatanungin o kahit sino pa man masasabi sa kinikilos niya na mahal niya si Czarina pero diba mas maganda na siya ang makarealize noon sa sarili niya.

Tumingin ako sa kanya at kinuha ang alak ng iniinom niya, ako ang uminom noon.

" Hindi  mo dapat yan itanong sa ibang tao mas mabuti kung ikaw ang makakaalam niyan sa sarili mo, kasi ikaw naman talaga ang nakakaramdam. Kami lang naman itong nagmamasid sa mga kinikilos mo kaya kung gusto mong malaman ang kasagutan sa tanong mo pakiramdaman mo ang sarili mo, ang nararamdaman mo" sagot ko sa kanya. Kahit na sobrang halata na ang nararamdaman niya para kay Czarina mas maganda pa rin kung siya ang makakaalam sa sarili niya.

**********************

Austin's POV

Paano mo bang masasabi na mahal mo na ang isang tao? Sapat na ba na sabihin na mahal mo siya dahil natatakot kang makuha siyq ng iba? Puta ang bakla ng mga ganitong bagay. Kung ako lang ang tatanungin kung ano ang feeling ko para kay Rina hindi ko alam ang kasagutan. Basta ang alam ko mahalaga siya sa akin. Papunta ako ngayon sa kwarto ni Rina, gusto ko siyang makausap. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ko si Jake sa hinalikan si Rina sa pisngi.

" Czarina salamat sa maghapon basta sa birthday ni Mommy pumunta ka. Gusto ka na niyang makita" sabi ni Jake sabay alis na rin. Nagtago ako para hindi nila makitang nandoon lang ako sa tabi nagmamasid sa kanila.

Seryoso na ba si Jake kay Rina, paano na ako? Dapat ba akong humadlang at maging makasarili kahit hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya?

Pumunta ako sa pintuan ng kwarto niya at kinatok ito hanggang sa pagbuksan niya ako. Nagulat ata siya ng makita ako sa harapan ng kanyang pintuan dahil parang napako siya sa kinatatayuan niya.

" Aaaauustin anong ginawa mo dito?" tanong niya sa akin pero wala akong ginawa kundi pumasok at niyakap siya ng mahigpit. Ang bilis ng tibok ng puso ko, ngayon ko lang ito naramdaman. iIo na ba ang sinasabi nilang pagmamahal?

" Rina please dito ka lang sa tabi ko" bulong ko sa kanya. Naamoy ko ang bango ng kanyang buhok at bumabalot ang katahimikan sa aming dalawa. Tanging tibok lang ng puso ko ang naririnig ko.

" Hintayin mo muna akong masigurado ang nararamdaman ko" bulong ko sa kanya.

Pagkatapos ng ilang segundo ay humiwalay na ako sa yakap ko sa kanya at hinalikan ko ang kanyang noo...

______________________

Hello Readers!

Hindi naman pala denial si Austin sadyang hindi pa lang talaga siya sigurado sa nararamdaman niya. Kelan kaya siya makakasigurado? Sana kapag dating ng araw na yun hindi pa huli ang lahat. WHAHAHAHAHAH evil laugh

 Nasa gilid yung picture ni Austin Suarez

Vote.Comment.Recommend and be a FAN


We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon