We're all Guilty presents " Assuming Queen"
Chapter 25
Czarina's POV
Simula ng matapos ang klase namin kay Jerick, hindi na tumigil sa akin ang mga kaklase ko kung ano ko daw ba si Jerick. Ako naman ngiti lang ang sagot ko. Naiinis rin ako kay Austin siya pa tong may ganang magalit, parinig na parinig na manhid daw ako. Tss nakakainis sa kanya nga dapat ako magalit dahil pinipilan niya akong maging masaya. Paano naman ako diba? Gusto niya tumanda akong dalaga na hinding hindi ako papayag na mangyari sa akin. Kagaya ng sabi ko sa mga nakaraang chapter sukdulang maghubad ako sa harapan ng lalaki huwag lang akong tumandang dalaga. Seryoso ako dun, gagawin ko talaga yun kesa tumanda akong mag-isa. Palibhasa lalaki siya, sana naman kasi papakasalan niya ako de okay lang sana kahit na walang umaligid sa akin pero hindi eh. Hindi na talaga ako dapat umasa sa amin ni Austin, tama dahil paulit- ulit lang akong masasaktan.
Naglakad na ako pauwi pagkatapos kong ilagay ang iba kong gamit sa locker. Hindi ko talaga papansin yang si Austin, nagtext na ako sa driver namin para sunduin ako pauwi. Akala niya naiinis talaga ako sa kanya.
" Pssst"
Bwusit talaga yang Austin na yan
" Pssst"
" Czarina"
Napalingon ako ng marinig ko ang tumatawag sa akin. Nakita ko si Jerick na nakasandal sa may Pader, grabe bakit ang gwapo niya? Lumapit siya sa akin habang nakangiti.
" Uuwi ka na?" taning niya sa akin.
" Oo" maikli kong sagot kasi naman kinikilig ako paano ba naman nakaakbay na naman siya sa akin.
" Tara labas na muna tayo" aya niya. Date ba kamo? Liligawan mo na ba ako?
" Wala ka ng klase, saan tayo pupunta? Magdadate tayo?" tanong ko sa kanya.
" Hahahaha baliw ka talaga. May klase pa ako pero nakakatamad. Hindi nga kita type kulit nito. Date kang nalalaman wala lang akong kasamang uminom kaya aayain kita sa condo ko." sagot niya. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko. Hindi ko na gusto si Jerick ang yabang niya. Hindi siya si " the one" sigurado ako.
" Tss de hindi mo ako gusto pero makaakbay ka, hiyang hiya naman ako sayo" sagot ko sa kanya at naglakad na ako ng mabilis kainis siya.
" hahaha sungit mo.Sinasabi ko lang ang totoo kasi kilala kita alam kung mahilig kang mag-assume. Ano mo nga pala yung Austin Suarez?" tanong niya. Hay nag-sisisi na ako bakit ako nag-isip kanina na magiging boyfriend ko tong mayabang na lalaki na to. Isang napakalaking pagkakamali.
" Wala kang pakialam" walang gana kong sagot. Aba binatukan na naman niya ako, walang hiya talaga tong lalaki na to.
" Hahaha highblood ka naman Czarina." asar niya sa akin.
"Kasi naman ang yabang mo. OO alam ko na, alam na alam ko na wala kang gusto sa akin. Huwag mo na lang ipamukha, nakakasakit na ng damdamin" sigaw ko sa mukha niya,
" Hahaha hoy nagagalit ka? Cool ka lang" sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim.
" Okay tama na bati na tayo" sabi ko. Hindi ako mananalo sa kanya sigurado ako.
" Ano mo nga yung Austin Suarez?" tanong niya
" Bakit mo ba tinatanong kala ko ba wala kang gusto sa akin,kaya wala kang karapatan magselos" sabi ko sa kanya. Isang bagay na gusto ko ay kumportable akong sabihin sa kanya ang nilalaman ng isip ko hinfi kagaya kay austin. Hirap na hirap akong magtago.
" Cool ka lang hindi nga kita type pero yung Suarez sure akong in love sayo yun." sabi niya sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot,
" Nagkakamali ka diyan Jerick, impossible bestfriend ko lang yun. Mula pagkabata kasama ko na siya kaya alam kong hindi niya ako gusto at hinding hindi niya ako magugustuhan." sagot ko sa kanya. Totoo naman kasi napagod na akong umasa na magugustuhan din ako ni Austin. Nasa acceptance stage na ako, hinding hindi na ako aasa sa kanya.
" Gusto mo siya ano? Pero may gusto yun sayo. Sigurado ako kailangan lang niyang malaman na pwede kang mawala sa buhay niya para gumawa siya ng aksyon" sabi ni Jerick. Hay naku bahala nga siya kung ano gusto niyang isipin basta ako suko na.
" Czarina gusto mong makipagpustahan, itataya ko ang buo kong sweldo." tanong niya. Ano na naman ba ang iniisip niya?
" Ano na naman yun?" tanong ko.
" Magpustahan tayo, pupusta ako na mahal ka noong Austin Suarez na yun," sabi niya.
" Sige pagbibigyan na kita pero paano kapag ikaw nanalo anong kapalit?" tanong ko sa kanya.
" Ibibigay mo ang kahit anong kakailanganin kong tulong" sabi niya.
" Anong tulong ba yun?" tanong ko
" Basta malalaman mo rin yun, ano game na?" tanong niya
" Okay game. Sigurado akong matatalo ka"
" Hahaha pagkatapos ng pustahan natin baka mailibre mo ako sa tuwa Czarina" sabi ni Jerick.
Vote.Comment.Recommend and be a FAN
BINABASA MO ANG
We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"
Teen Fiction" If his not calling you, texting you, pursuing you, asking you out or spending time with you. Stop making some excuses and just accept the simple answer that " He's not just that into you".