Chapter 27- Assuming Queen

113 5 5
                                    

We're All Guilty presents " Assuming Queen"

Chapter 27

Austin's POV

Pinarada ko ang sasakyan ko sa harap ng bahay ni Rina. Kanina ko pa siya tinatawagan para malaman kung saan siya dinala ng h*yop na Jerick na yun pero nakapatay ang phone niya. Bumaba agad ako ng makita kong binaba siya ni Jerick, pagewang gewang si Rina. Nag- init ang ulo ko sa nakita ko. Naglasing siya kasama yung g*ago na yun? Paano kung mapahamak siya? Ganun na niya ba pinagkakatiwalaan ang lalaki na yun? Pagkalapit ko ay kinuha ko sa braso niya si Rina.

" Hindi pa ako lasing Jerick kaya ko pa. Hahaha" rinig kong sabi niya kay Jerick. Hindi pa daw lasing eh halos hindi na nga siya makapaglakad ng matino.

" Rina" tawag ko sa pangalan niya. Tinitigan niya ako sandali at tumawa ng malakas.

" HAHHA Austin bestfriend ikaw pala yan HAHAHA Kamusta buhay natin?" sabi niya. Napailaing na lang ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko siya kay Jerick, wag siyang magkakamali na hindi ibigay sa akin si Rina dahil sisiguraduhin kong babangasin ko ang mukha niya.

" Bitawan mo ko. Hahaha" sabi ni Rina. Lasing na talaga, tss.

" Rina, kaya mo pa ba? Ako na maghahatid sayo sa loob." sabi ko sa kanya. Tumawa lang siya ng malakas.

" Jerick ako ng bahala dito pwede ka ng umalis" sabi ko at tinitigan ko siya ng masama mabuti na lang at hindi na siya pumalag at umalis na lang siya. Binalik ko ang atensyon ko kay Rina.

" Tara na Rina" aya ko sa kanya. nagulat ako ng nagpapadyak siya at umupo sa may kalsada.

" Bitawan mo ko *sob* kaya ko pa hahaha *sob*" sabi niya. Pinilit ko siyang itayo. Grabe nakakahiya na.

" Rina wag ng matigas ang ulo" sabi ko sa kanya. Lumapit pa rin ako pero nag-iiyak na lang siya doon.

" Ano bang problema?" tanong ko. Hindi ako sanay na ganyan siya, ayoko siyang nasasaktan.

" *sob* IKAW *sob*"sabi niya. Napatigil ako sa sinabi niya, ano bang ginawa ko?

" Lasing ka lang, tara na Rina" sabi ko. Iba lang talaga ang tama sa kanya ng alak.

Nagulat ako ng humagulgol siya, tumayo siya at tinitigan ako sa mga mata.

" Lasing nga siguro ako *sob * *sob* pero alam *sob* ko pa rin ang sinasabi ko." sabi niya. Napahinto ako sa mga narinig ko, ano nga bang gumugulo sa isip ni Rina? Ano nga bang problema?

" Hahaha alam kong dapat hindi ko sinasabi lahat ng mga to, ang tagal ko itong tinago pero leche *sob* bakit ang daldal ng bibig ko *sob* hindi ko mapigilan"sabi niya.

Unti-unting sumeryoso ang mukha niya, ano ba kasi ang gusto niyang sabihin? Naguguluhan na ako.

" *sob* Bakit ba kasi ganyan ka? *sob* Bakit ba ang bait mo sa akin? *sob* Punyeta pwede bang lumayo ka na alng please *sob*" sabi niya.

" Rina alam mong hindi ko kayang lumayo sayo" sabi ko. Nagulat ako ng tumawa siya ng malakas.

" Bakit kasi Bestfriend mo ko?" sigaw niya.

" Naiintidihan ko naman, na mabait ka kasi bestfriend mo ko. Na inaalagaan mo ako kasi bestfriend mo ako. Na ginagawa mo lahat ng pesteng na to kasi bestfriend mo. Oo alam na alam ko na magbestfriend tayo pero minsan pwede ba pakisampal naman ako para maalala ko na hanggang bestfrieng lang talaga tayo" sabi niya. Nagulat ako sa mga sinasabi niya, hindi ko alam ang sasabihin ko pati rin naman ako naguguluhan. Pati rin naman ako hindi alam ang tunay kong nararamdaman.

" Rina I'm so sor-" putol niya sa akin.

" Please Austin huwag kang magsorry mas masakit eh. Makinig ka na lang please hirap na din kasing kimkimin." sabi niya.

" Araw- araw sinasampal ko ang sarili ko para magising ako sa katotohanan pero kapag ginagawa mo na ulit yung mga ito, yung mga bagay na nagpapaasa sa akin bumabalik na naman ako sa pagiging tanga. Minsan nga hindi ko na alam kung ano ang mas mahirap yung hindi ko mapigilan ang sarili kong umasa o yung katotohanan na wala tayong pag-asang dalawa." sabi niya sabay punas sa mga mata niya.

" Mga bata pa lang tayo inaalagaan mo na ko, pinangarap ko na sana magustuhan mo rin ako. Nakakatawa nga kasi akala ko mawawala din tong nararamdaman ko para sayo pero hindi, nandito pa rin siya. Kinikimkim ko sa puso ko kasi ayaw ko na lumayo ka. Natatakot ako na kapag nalaman mo mabago na ang lahat" sabi niya.

" Austin sorry kung hindi ko na natago. Dahil nasabi ko na rin naman sayo lulubusin ko na rin. May itatanong ako sayo pwede bang sagutin mo ng buong puso?" tanong niya.

" Hindi ba pwedeng magustuhan mo rin ako, kasi ako bata pa lang tayo mahal na kita?"

Czarina's POV

Nilakasan ko na rin ang loob ko, hinintay ko ang sagot niya. Napatulala lang siya sa akin, napaluha ako sa mga nakita ko. Maaaring hindi nga niya sinabi ng harapan na hindi niya ako gusto pero parang ganoon na rin yun. Ayaw niya lang akong masaktan, alam ko naman.

Tumalikod ako sa kanya, at nagsimulang lumakad palayo. Gising na gising na ako ngayon, tama na ang pantasya. Kasi naman bakit ba kasi umaasa pa akong magkaroon ng happy ending kasama siya? Pero kahit papaano masaya rin ako kasi nasabi ko sa kanya ang totoo. Mas magaan pala sa pakiramdam, pinunasan ko ang luha kong patuloy pa rin sa pag-agos. Alam ko magiging maayos din ako, siguro nga hindi pa bukas o sa susunod na linggo baka nga abutin pa ako ng taon pero okay lang. Alam kong sasaya ulit ako, alam kong makikita ko ang prince charming ko.

" Rina" sigaw niya sa pangalan ko. Lilingon pa ba ako kahit nasaktan na niya ako ng husto? Di na siguro, tama a sa akin na nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Nagulat ako ng maramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit, bumilis ang tibok ng puso ko. Napailing ako sa ginawa niya, kung hindi niya ako kayang magustuhan sana hinayaan niya na alng akong lumakad palayo sa kanya.

" Mahihintay mo ba ako?" tanong niya.

" Naguguluhan ako, hindi ko alam ang tunay kong nararamdaman para sayo" sabi niya. Kumalas ako sa kanya at tinitigan siya.

" Gusto mo tulungan kita?" tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot.

" Hayaan mong lumayo na ako sayo para hindi ka na rin maguluhan sa nararamdaman mo" sabi ko sabay lakad palayo sa kanya.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon