We're all Guilty presents " Assuming Queen"
Chapter 23
Jerick's POV
" Opo ako ng bahala, mahahanap ko po siya. Mapapasunod ko siya sa gusto ko sa ayaw at gusto niya. Bye" sabi ko sa kausap ko sa telephono bago ko ito binaba. Lumabas ako sa sasakyan ko, tinignan ko ang paligid at nagbuntong hininga.
" Mahahanap din kita" sabi ko. Nagsimula na akong maglakad sa loob ng university, pumunta ako sa dean's office.
#TokTokTok#
" Good morning Miss beautiful" bati ko sa secretary ng dean. Ngumiti siya sa akin, lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Namula ang psingi niya at napatulala sa ginawa ko.
" Nandiyan ba si Dean Balmonte?" tanong ko sa kanya. Tumango lang siya na parang natataranta.
" Pasok na ako" paalam ko sa kanya. Hindi ko na siya pinatapos at pumasok na agad ako. Bumungad sa akin ang isang matandang babae. Binigyan ko siya ng isang malaking ngiti.
Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngiti. Napailing na lang ako.
" Hahaha Auntie naman" sabi ko sa kanya. Alam kong malaki pinagbago ko pero gwapo na naman ako nung bata pa lang ako.
" Hijo ang laki kasi ng pinagbago mo hahaha bakit ka nga pala pumunta dito" tanong niya.
" Auntie hindi na ako magpapaligoy- ligoy pa ako ang bagong matuturo sa university na to" sabi ko sa kanya. Huminto siya sa pagtawa at tinitigan lang ako. Parang ayaw niyang maniwala sa mga narinig niya. Napakaimpossible ba talaga ng sinabi ko?
" Magtuturo ka dito?" tanong niya sa akin. Sabi ko na nga ba yan ang magiging reaksyon niya. Kahit ako naman hindi ko gusong magturo dito pero kailangan para mahanap ko siya.
" Opo Auntie bakit hindi ba kapani-paniwala na ang gwapong kagaya ko magtuturo dito?" tanong ko sa kanya.
" Jerick, tsk hindi to laro. Ang pagtuturo ay napa---" sabi niya
" Seryoso ako Auntie" sabi ko sa kanya.
" Okay okay pero umamin ka. Ano ang pumasok sa isip mo para magturo dito?" tanong niya. Kilala niya talaga ako ni Auntie kahit na matagal kaming hindi nagkita ay kilalang kilala niya pa rin ako.
" May hinahanap lang tita.. isang mahalagang babae sa buhay ko" sagot ko sa kanya. Napailing na lang siya sa nakuha niyang sagot sa akin.
" Auntie seryoso ako, hindi naman ako mag-aasaya ng oras at pagod kung hindi talaga siya mahalaga" sagot ko sa kanya.
" Nagulat lang naman ako Jerick kasi nakausap ko ang mommy mo sa phone dati at nasabi niya sa akin na hindi ka nagseseryoso sa babae pero ngayon ano to? Pero masaya ako kung sino man ang babae na yan sana makita mo na siya at maipakilala mo sa akin"sagot niya. Totoo naman ang sinabi ni Auntie, hindi talaga ako nagseseryoso sa mga babae pero minsan pala sa buhay ng tao may makikilala ka na lang na hindi mo kayang pakawalan. Na kapag nagmahal ka ng totoo, itataya mo ang lahat maangkin lang ang puso niya.
Madami nga siguro akong sinaktan, alam ko kasalanan ko yun.
Pero ngayon iba na ang sitwasyon, tumibok ang puso ko. Tss
Ganoon naman ata talaga kapag nagmahal ka itataya mo ang lahat.
Kapag nagmahal ka, mapipilitan kang magseryoso.
Kapag nagmahal ka, sukdulang sungkitin mo ang bituin mapasagot mo lang siya.
Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko, ganito pala kapag tinamaan ka nagiging cheesy. Nagpaalam na ako kay Auntie para tumuloy na sa unang klase ko.Puno ako ng pag-asa na mahahanap ko siya. Makikita ko siya kahit saan pa siya magtago. Nagmamadali na akong maglakad ng may nakabunggo sa akin. Pambihira naman, tinignan ko ang babae. Maganda siya at nakilala ko, kung sinuswerte ka nga naman oh.
Akalain mong makikita ko pa pala ang babae na ito.
" Ano ba naman yan kung kelan nagmamadali tsaka pa hay naku"sabi niya habang pinupulot ang mga gamit niya.
" Aba nakakahiya naman sayo baka gusto mo kong tu---" Naputol ang sasabihin niya ng makita niya ako.
" Jerick, anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang malaking ngiti. Napahinto naman siya sa ginagawa niya at naiba ang pagtingin niya sa akin. Ano kayang iniisip ng babae na ito. Binatukan ko nga para naman matauhan, aba natulala na lang.
" Aba masakit" reklamo niya. Napalakas ata paano naman kasi nakakatakot na siyang tumingin.
" Tulala ka kasi, may hinahanap lang ako pero syempre hindi ikaw yun. Hahaha Hindi kita type" sagot ko sa kanya. Hahaha napikon ata sa sagot ko baka bugbugin ako nito.
" Tara na nga ihahatid na lang kita sa klase mo" aya ko sa kanya at umakbay na ako. Hahaha Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ano naman?
" Saan ba classroom mo dito?" tanong ko sa kanya
" Sa MR203" sagot niya na parang namumula ang mukha. Hahaha kakatuwa talaga tong babae na to lalo na kapag naalala ko ang una naming pagkikita.
" Tamang tama dun din ako" sabi ko sa kanya. Tinitigan niya ako ng mapanghinala. Tumawa na lang ako ng malakas.
" Kaklase kita?" tanong niya. Ngumiti na lang ako, kaklase ka diyan. Ako prof mo. hahaha magiging masaya to. Siguradong hindi ako maiinip dito.
Vote.Comment.Recommend and be a FAN
BINABASA MO ANG
We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"
Novela Juvenil" If his not calling you, texting you, pursuing you, asking you out or spending time with you. Stop making some excuses and just accept the simple answer that " He's not just that into you".