Chapter 22- Assuming Queen

92 6 5
                                    

We're All Guilty presents " ASSUMING QUEEN "

Chapter 22

Czarina's POV

Ilang linggo na rin ang nakakalipas noong binugbog ni Austin si Jake, grabe talaga ilang araw din akong pinag-usapan sa buong campus. Tss, si Austin kasi gumawa pa ng eksena. Naglalakad ako ngayon papasok sa first class ko at kagaya ng mga nakaraang linggo pinagtitinginan pa rin nila ako. Yung totoo hindi pa rin sila makamove on, namiss ko naman bigla si Ro. Hindi pa rin siya bumabalik. Namiss ko na ang katarayan ng babaeng yun. Nasaang lupalop kaya un?

" Pssst "

Bakit kaya hindi man lang tumatawag?

" Pssst "

Ano kaya pinagkakaabalahan ng babae na yun?

" Pssst"

Nabigla ako ng may umakbay na lang sa akin, sasapalin ko na dapat ng mapagtanto ko ang magaling ko palang bestfriend ang lapastangan na nakaakbay sa akin. Si Mr. Austin Suarez, lalo tuloy akong nahihirapan sa mga kinikilos niya. Tsk.Tsk.

" What's with the face Rina?" tanong niya.Inirapan ko na lang siya, mukha siyang tanga makangiti parang nanalo sa lotto.

" Naalala ko lang si Ro, saang lupalop nagpunta yun. Wala ka bang balita sa kanya?"tanong ko sa kanya. Namiss ko na talaga si Ro kahit na mahilig mambara yun tsaka lagi kaming hindi magkasundo. Parang hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi niya ako natarayan.

" Hay naku hindi nga rin tumatawag pero sigurado naman ako na okay siya. Si Ro yun eh, kaya wag ka ng mag-alala" sabi niya. Alam ko naman na hindi na dapat ako mag-alala kay Roan kasi ganyan naman talaga siya simula ng mawala si Gio nawawala na lang ng parang bula pero hindi pa rin ako masanay sa ugali niyang ganun. Tinanggal ko na lang pagkakaakbay niya sa akin at tumuloy na sa paglalakad naiwan siyang mag-isang nakatayo dun.

" Oh problema mo?" tanong niya. Nakasunod na pala siya sa akin. Problema ko daw? sabihin ko kaya na siay ang problema ko. Na sa bawat kinikilos niya, umaasa ako. Tss nakakainis naman kasi, paakbay akbay pa alam kong sa kanya wala lang yun pero sorry malisyosa ako. Assumming Queen nga ako diba?

" Pinatitinginan na tayo"sagot ko sa kanya sabay irap. Pinagtitinginan rin naman talaga kami ng mga tao.

" And So?"tanong niya. Tss. Wala talaga siyang pakialam. Seriously? Sabagay hindi naman kasi siya yung iniiwasan ng mag tao. Ako kaya. Tss.

" Akala nila boyfrieng kita dumarami tuloy nagagalit sa akin at kumokonti naman ang gustong manligaw sa akin dahil sa ginawa mo kay Jake"sagot ko sa kanya. Totoo naman minsan nga wala na talagang lumalapit sa akin sa sobrang takot nila na manghiram ng mukha sa aso. Minsan nga pagdadaan ako sasabihin na lang nila " Wag yan pare yari tayo kay Suarez" o kaya " Sayang maganda sana kaso mahirap ng mabugbog". Sabihin niyo nga sa akin paano ako magkakalovelife kung ganyang ilag silang lumapit sa akin. Paano ko makikita si "the one" kung halos lahat takot na mapalapit sa akin.

" Maganda nga yun, walang mananakit at aaligid sayo" sagot niya habang nakangiti ng pakalaki laki.  Hay naku Austin hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, pinipigilan ko naman talaga na mahulog sa kanya dahil alam kong ako rin mahihirapan at masasaktan sa huli pero sa mga pinag-gagawa niya mukhang mahihirapan talaga akong lumayo.

" Anong gusto mong mangyari sa akin tumandang dalaga?" tanong ko sa kanya habang nakapamewang. Naiimagine ko palang ang sarili ko tumandang mag-isa OMG mababaliw talaga ko. Yun ang pinakayaw kong mangyari sa akin. Sukdulang mag hubad na ako sa harapan ng lalaki makapag-asawa lang ako. Ayokong mag-isa. hay naku, malungkot yun. Ayoko, hindi pwede.

" Okay lang un kung tatanda kang dalaga, sasamahan kita hindi na rin ako mag-aasawa para walang iwanan" sabi niya. Kita ang pagkaseryoso sa mukha niya. Mas magnda sana kung sinabi niya na lang " Hindi ka tatandang dalaga kasi papakasalan kita". Asa ka pa kasi Czraina, kaibigan nga lang diba pero aminin niyo nakakakilig din un. hahaha. Inirapan ko na lang para kunwari hindi ako kinilig kasi naman lalo akong nahihirapan kapag ganyan ang mga pinagsasabi ni Austin. Hirap na hirap na ang loob ko na wag umasa sa mga ginagawa at sinasabi niya.

" Hoy seryoso ako" sabi niya. Hay sige ipagpatuloy mo lang yan, seryoso din akong malapit na akong mainlove sayo.

" tss" sabi ko na lang.

"Kapag nahulog ako sayo kasalanan mo" bulong ko pa sabay lakad ng mabilis. Kasalanan niya talaga yun.

" Anu yun?" sigaw niya. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Minsan naiisip ko kung ano kayang magiging reaksyon ni Austin kapag sinabi ko sa kanya na konti na lang bibigay na yung puso ko sa mga pinagagawa niya.

o mas mabuting sabihin na matagal ng bumigay yung puso ko para sa kanya.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, pupunta na nga muna ako ng comfort room para magretouch. Pagkatapos ng ilang minuto nagmamadali akong lumabas ng comfort room dahil baka malate na ako. Kung minamalas ka nga naman, nagkahulog lang naman ang mga gamit ko. Sino ba kasi ang bumangga sa akin.

" Ano ba naman yan kung kelan nagmamadali tsaka pa hay naku" sabi ko. Patuloy lang ako sa pagpulot ng mga gamit ko. Aba hindi man lang talaga ako tinulungan.

" Aba nakakahiya naman sayo baka gusto mo kong tu---" naputol na sabi ko. Kilala ko tong lalaki na to.

" Jerick, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Siya naman todo ngiti lang.Anong ginagawa niya dito? Hindi kaya nalove at firtst siya sa akin kaya pinuntahan niya ako para mahulog ang loob ko sa kanya? Parang ganito yung napapanuod ko sa mga movies, grabe ganun ba talaga ang naging tama niya sa akin? Hindi ko mapigilang mapangiti na maisip na baka siya na si " The ONE" OMG baka siya na un. HAHAH kinikilig ako.

Natauhan ako ng binatukan niya ako, napasigaw tuloy ako " Ano ba masakit kaya" kayo kaya batukan hindi kayo masaktan. Grabe tong lalaki na tong ang prangka na, ang brutal pa.

" Tulala ka kasi, may hinahanap lang ako pero syempre hindi ikaw yun. Hahaha Hindi kita type" sabi niya sabay tawa ng malakas. kapal ng mukha. De hindi niya ako gusto, ano naman mamamatay ba ako? Hindi naman eh. Yabang hindi naman kgwapuhan.

________________

Hello Reades!

Sorry kung ngayon lang ako nakapag Ud sana po mabasa niyo. Please vote and comment for this chapter. Sino kaya hinahanap ni Jerick. Isip isip.

Hahaha assuming talaga ang ating bida. hahaha

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon