We're all GUILTY presents " Assuming Queen"
Chapter 19
Czarina's POV
Nakauwi na kami galing sa aming bakasyon. Simula ng gabi na yun hindi na niya pinatahimik ang isip ko. Hindi ko maiwasang isipin na baka nahulog na rin siya sa akin. Ano nga ba talaga? Pagkatapos ng gabi na yun umalis na si Austin at Ro sa resort, ni walang text o tawag man lang para magpaalam. Nasabunutan ko ang sarili kong buhok at nagpapadyak ako wala na akong pakialam kung may makakita sa akin sumasakit na ang ulo ko.
" Hintayin mo muna akong masigurado ang nararamdaman ko"
" Hintayin mo muna akong masigurado ang nararamdaman ko"
" Hintayin mo muna akong masigurado ang nararamdaman ko"
" Punyeta Austin bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito" sabi ko sa sarili ko sabay dukdok sa armchair.
" Czarina problema mo?" tanong sa akin ni Jas paglapit niya sa akin. Andito na pala siya tinitigan ko lang siya at balik sa pagdukdok.
" Angeline wala pa ring balita kay Ro at Austin? " Tanong ni Jas kay Angeline. Tama hanggang ngayon wala pa rin kaming alam kung anong nangyari sa kanila bigla na lang silang nawala na parang bula.
" Parang hindi mo naman kilala si Ro lagi na lang yun nawawala. Ang pinagkaiba lang tinangay niya ang pinsan niya ngayon." sagot naman ni Angeline.
Austin bakit mo ba ako pinag-aalala ng ganito, wala man lang talagang text o tawag mula sayo.?
" Czarina" tawag ni Jas. Tinignan ko siya at binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti sabay nguso sa may pinto. Napakunot na lang ulo ko, nababaliw na ba siya?
Tumingin ako sa pinto at hindi ko maaasahang may isang lalaking nandun na at binigayan niya ako ng napakalaking ngiti. Lumapit ako sa kanya para malaman kung ano ang kailangan niya.
" May sakit ka ba, namumutla ka?" tanong niya sabay lagay ng kamay sa noo ko. Nabigla naman ako sa ginawa niya na naging sanhi ng pagbilis ulit ng tibok ng puso ko.
^dugdugdug^
" Wwwala akong sakit, bakit ka nga pala nandito" sabi ko sa kanya. Ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko.
" Papaalala ko lang na mamaya na yung birthday ng mommy ko. Sunduin kita sa inyo" sabi niya sabay halik sa noo ko at tuluyan ng umalis.
Nawala sa isip ko ang birthday ng mommy ni Jake. Paano yan wala pa akong susuotin. Binubulabog kasi masyado ni Austin ang utak ko. Punyeta hindi ko na tuloy naalala na magkikita kami ng future mother-in-law ko. Makaclaim naman ako? Hahaha
********************
Tumawag sa akin si Jake kanina at nagsosorry dahil hindi niya daw ako masusundo pero pinasundo naman niya ako sa driver niya. Bumaba ako sa sasakyan niya, napansin kong pinag-gastusan talaga nla ang party ng mommy niya. Pagpasok pa lang ay makikita na ang mga bisita na halatang masayang nagkukwentuhan, hindi rin magkamayaw ang mga waiter sa pagseserved ng drinks. Mapapansin ang mga nag-gagandahang kasuotan ng mga bisita.
Napangiti ako ng makita si Jake, he looks handsome wearing his dark suit.
" You're so beautiful darling" bulong niya sa akin. Pakiramdam ko ang pag-init ng pisngi ko namumula na siguro ako ngayon.
"Thank you. You are also handsome with that suit." sabi ko sa kanya. Sa totoo lang noong nakita ko pala siya feeling ko napanganga ako sa kgwapuhan niya.
BINABASA MO ANG
We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"
Dla nastolatków" If his not calling you, texting you, pursuing you, asking you out or spending time with you. Stop making some excuses and just accept the simple answer that " He's not just that into you".