We're all Guilty presents " Assuming Queen"
Chapter 24
Czarina's POV
Nakaakbay pa rin si Jerick sa akin ng pumasok kami sa classroom, napahinto lahat ng tao sa classroom ng makita kami. Tinignan ko kung nasaan si Austin, nakita ko ang sama ng tingin niya sa akin. Hay naku, nagagalit siya kasi gusto niya akong maging matandang dalaga. Ang selfish niya, ayaw niya akong maging masaya. Tinanggal ko na ang pagkakaakbay sa akin ni Jerick kasi naman mukhang tanga tao dito dahil nakatingin pa rin sa amin. HAHAHA siguro naisip nila na boyfriend ko si Jerick, ang haba naman ng buhok ko. Parang ng umalis si Roan gumanda lalo ako may magandang naidulot rin pala ang pag-alis niya, naging mas sikat ako. Napapangiti naman ako sa mga iniisip ko, grabe pinangarap ko to, yung tipong hahabulin ako ng mga lalaki at pag-aagawan nila ako. Yung kagaya ng nasa movies mag-aaway sila ng dahil sa akin. Pakiramdam ko matutupad na ang pangarap ko na sambahin ng mga kalakihan. Hindi na ako iiyak dahil sila na ang mag-hahabol sa akin.
" Tara na upo na tayo bago pa dumating yung terror nating prof" aya ko kay Jerick. Umiling lang siya at pumunta sa harapan. Anong gagawin niya dun, ayaw niya ba akong katabi sa upuan?
" Good Morining Class I'm Mr. Jerick Fontanilla and I will be your new professor in Mk3"pakilala niya. Napanganga naman ako sa narinig ko, ano siya yung bagong prof? Mababaliw na ata ako.
" Mukha kang tanga diyan, maupo ka na" bulong sa akin ni Angeline. Hinatak na niya ako para maupo sa upuan ko.
"Grabe Czarina paano mo nakilala ang bago nating prof?" tanong sa akin ni Jas. Nginitian ko na lang siya, wala ako sa mood para ikwento sa kanya ang una naming pagkkita at tsaka baka pagtawanan lang nila ako.
" Tss, yabang" sabi ni Austin. Tinignan ko lang siya ng masama. Aba hayaan na naman nag-iinarte na naman si Austin. Kung sakaling manliligaw sa akin si Jerick siguradong walang magagawa si Austin aba professor na kakalabanin niya. Hahaha Hindi na ako magiging matandang dalaga.
" Selos much" sabi ni Angeline ng hindi tumitingin sa amin. Hay naku binibigyan na naman nila ng malisya, ganyan lang talaga si Austin. Nagagalit siya hindi dahil nagseselos siya kundi dahil selfish siya. Ang sama niya dahil gusto niya akong tumandang dalaga.
First day ni Jerick ngayon pero nagturo na agad siya, tinitigan ko lang siya. Grabe ang gwapo pala talaga niya. OMG jackpot ako nito kung magkataon hahaha. Kung siya ba naman lagi ang magiging first subject ko hay naku papasok na ako ng maaga, sa gwapo ba naman niya kahit hindi na ako magbreakfast mabubusog na ako sa kanya. May abs kaya siya? Ano kayang itsura niya kapag topless OMG drools ako. Nilulumot na ang utak ko. hahaha ayain ko kaya tong magbeach para maicheck ko kung may abs, requirements ko kasi ang abs eh. Sino kaya ang mas magandang abs kay Jerick o kay Austin? Wow ang lapad pa ng balikat, siya na kaya? OMG masyado naman ata akong pinagpapala ng Diyos kung siya si " the ONE". Busog sarap ako nito. Ano ba yan? Lumot na ang utak. Erase. Erase. No. Wholesome itong story ko. Hindi ako dapat mag-isip ng kung ano-ano, pero tao lang din ako.Marupok may pangangailangan din. Ano ba to?
" Ayoko na" sigaw ko. Napahinto naman silang lahat ng marinig ang napakalakas kong sigaw. Nakakahiya talaga ako, tumingin ako kay Jerick. Hayun nagpipigil ng tawa, bwusit naman Czarina ang tanga mo nasa classroom ka tapos agaw eksena ka.
" Sorry Sir" sabi ko sabay yuko.Nakakahiya naman talaga.
" Okay lang Czarina, hahahaha natutuwa talaga ako sayo. Hindi mo kailangang magsorry sa akin dahil napapasaya mo pa nga ako. " sabi niya. Nginitian ko na lang siya ng napakalaki. Paano kaya kapag naging kami okay lang kaya kahit ibagsaki ko na mga exam ko? Ipapasa niya kaya ako?
" Sabi ko na nga ba magiging masaya ang pagtuturo ko dito ng dahil sayo" dagdag niya pa.
" Excuse sir pero gusto ko lang pong ipaalala na hindi po pwedeng ligawan ng professor ang studyante nila"sabi ni Austin. Aba grabe na siya, panira siya ng lovestory ko.
" Alam ko Mr. ano nga pala ang pangalan mo?"tanong sa kanya ni Jerick.
" Austin Suarez Sir, mabuti naman po pinaalala ko lang" sagot ni Austin sabay upo. Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jerick ng marinig niya ang sagot ni Austin.
" Alam na alam ko Mr. SUAREZ na kapag nahuli akong may karelasyon na studyante ay matatanggal ako sa trabaho pero gusto ko lang malaman mo na hindi ako natatakot mawalan ng trabaho." sagot ni Jerick at nagpatuloy ulit sa pagtuturo.
" Good bye class" paalam ni jerick. Bakit ang bilis ng oras kapag siya ang prof.
" Goodbye Czarina" paalam niya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko. Nginitian ko na lang siya.
" Grabe bakla anong meron kayo ni Sir?" tanong sa akin ni Jas, hahahaha ano nga ba? magkakaroon pa lang ata kapag hindi naudlot.
" May nagseselos hindi ko sasabihin pero kapag pinilit niyo ako sasabihin kong si Austin" pakantang sabi ni Angeline.
" Tss ang manhid" sabi ni Austin. Problema nun,
Bahala siya basta ko masaya ako masayang masaya...
Vote.Comment.Recommend and be a FAN
BINABASA MO ANG
We're all GUILTY presents "ASSUMING QUEEN"
Teen Fiction" If his not calling you, texting you, pursuing you, asking you out or spending time with you. Stop making some excuses and just accept the simple answer that " He's not just that into you".