1 : The Past

69 19 14
                                    

Kathreen's POV

"Uy? Diba magkaibigan tayo? Bakit di mo'ko pinapansin ha?" Sigaw ko kay Josh na tinuturing ko na ring isa sa mga close friends ko. Ni hindi man lang siya lumingon sa'kin at patuloy na naglalakad, He's ignoring me. Hindi ko alam bakit o ano nga ba ang dahilan?

I noticed these past few days, hindi niya ako kina-kausap. Sa tingin ko, magka-away na kami kasi hindi niya na ako pinapansin di gaya ng dati. "Josh? May problema ba?" Sinundan ko siya ng lakad at hinawakan yung braso niya.

Finally, he looked at me in the eyes. He's so serious, I'm shocked with his expression. Hindi siya ganito kaseryoso noon.

"You really wanna know? Yes. There's a big problem." Sabi niya ng nakatingin pa'rin sa mga mata ko. Kinilabutan ako sa awra niya but I want to know his big problem. Kahit na.

"A-ano iyon? Tungkol ba sa akin?"

Hindi ko kasi gusto na may kaaway. Friendly naman akong tao, bakit ba may mga kaaway ako? In the first place, kaibigan ko ata lahat ng kaklase ko maliban sa kanya. He is really acting weird.

"Ayokong maging kaibigan ka. Ayus na?" Sigaw niya tas humakbang na para lumakad. Hindi ko alam pero may kumirot sa puso ko. Ganito talaga ako eh, madaling masaktan kahit simpleng bagay lang. Kung sa iba siguro, ayus lang na mawalan ng kaibigan pero pasensya, hindi ako katulad sa kanila. Ayokong hayaan lang siyang sabi-sabihan ako ng ganito tas walang dahilan kung bakit hindi niya ako gustong maging kaibigan. Tsk.

Pinanood ko nalang siyang lumakad palayo hanggang sa huminto siya. Medyo bumilis ang tibok ng puso ko nung ginawa niya iyon. May parte kasi sakin na sumaya dahil huminto siya at hindi nagpatuloy. Parang naging slow motion ang lahat nung lumingon siya sakin. What the? Imagination ko lang ata to? O sadyang nag-assume ako kasi nasa likod ko lang pala yung tinitingnan niya. Aish.

Lumingon ako sa likod pero wala namang tao so ako nga? Hindi ko alam pero bumalik si Josh papunta sakin. Seryoso na naman yung mukha niya. Huminto siya sa harap ko at niyakap ako ng pinakamahigpit. Oy ano raw? I stunned.

"Hindi ko gustong maging kaibigan ka, kase mahal pa rin kita. Kath." Bulong niya sakin ng may hikbi. Umiiyak ba siya? Patay. Niluwagan niya yung yakap at nagsabing...

"I don't know what to say but please, bigyan mo'ko ng second chance to be with you. Itatama ko yung lahat ng maling nagawa ko. Kung pwede lang mabalik yung nakaraan, I will change it. Gusto kong malaman mo na mahal na mahal pa rin kita Kathreen."

Hindi ako sigurado sa pinagsasabi niya. Nanigas ako sa kinatatayu-an ko. Hindi ko rin alam ano ang sasabihin. Pero nakamove-on na ako sa kanya kaya nga kaibigan lang ang turing ko sa kanya diba? Binuksan ko ang bibig ako at handa nang sumagot.

===

Author's POV

Omg! Ano kayang magiging sagot ni Kathreen? Bibigyan niya ba ng second chance si Josh na magmahal ulit at buksan ulit yung puso niya? Yiee.

Shall I continue or not? I really want your opinions :)

Lovelots~ Thank you.

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon