11: Hindi na Kita Mahal

34 11 2
                                    


"Hindi na kita mahal"
Labing-anim na letra, apat na salita
Sambit mo habang hawak ang kamay ko.
Habang nakatitig sa aking mata na may luha.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko

Nang marinig ko ito mula sa iyo
Biglang gumuho ang aking mundo.
At dahil sa sakit, bigla akong napayuko
Humagulhol at nawala sa wisyo

Nang ika'y tumalikod at umalis sa tabi ko.
Nalugmok nang todo
Nang iyong binitawan ang mga kamay ko.
Sa pag lipas ng araw, walang gabing hindi umiyak ng dahil sayo

Iniisip kung ano ang meron tayo
Kung ano ang nagawa ko.
At kung saan ako nagkulang para sayo
Kung bakit iniwan mo ako.
Ilang buwan na rin ang nakalipas, ng ika'y umalis dito sa tabi ko. Masaya kana habang kasama mo ay iba. Habang ako, nakititig sa inyong dalawa

Umaasang, kung hindi ka bumitaw, ganyan ba tayo kasaya?
Nagtataka
Kung naibigay ko ang lahat ng gusto mo,ganyan ba ang ngiti
Na lalabas mula saiyong labi?

Simula nung ika'y nawala dito sa piling ko.
May malaking parte ng puso kong nawasak at naguho.
Tila ba'y isang bula na bigla nalang naglaho.
Dito sa piling ko, dito sa puso ko.
Pilit nililimot ang masayang nakaraan.
Ang sakit ng kahapon.
Ang nararamdaman sayo noon.
At ang pait ng ngayon.

===

Credits: Rushzel

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon