7: The Unwanted Curse

27 12 0
                                    

Seffany's POV

"Look at me, Seffany. Bakit ba hindi mo ako tinitingnan?" Tanung ni Zethro. Isa sa mga campus heart throbs dito. Hindi pwede, hindi talaga. Mga nagdaang araw, palagi niya akong kinakausap at pakiramdam ko'y hinahabol niya ako. Na-alala ko tuloy iyong mga sinasabi ni Mama noong bata pa ako.

"Sef, kung pwede. Wag mong titigan yung mata ng mga tao."

"Bakit po Mama?"

"May sumpa ka. Kung sinong matitigan mo ng matagal ay pwedeng ma-aksidente o baka mamatay."

"Hala? Bakit po ba pwede kitang matitigan ma?"

"Kasi kadugo kita. Basta, delikado ang tumitig."

"Bakit po may sumpa ako?"

"Eto kasi iyun, hindi kita ipinanganak sa hospital, kundi sa tulong ng isang babae lamang. Wala kasi akong perang ipambayad sayo, at tsaka sinabihan ako nung babae na libre lang pag sa kanya."

"Sino siya Mama?"

"Si Hilya, yung kapitbahay ko noon. Isa pala siyang mangkukulam."

Kinilabutan naman ako nun. Lumaki yung dalawang mata ko at hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ano yung sulosyon.

"Seffany?" Sabi ni Zethro pero nakayuko lamang ako palagi. Hindi ko alam kung nakita niya ba yung mukha ko, tinatakpan ko naman sa buhok kong mahaba. "Sorry Zeth, pero hindi pwede."

"Bakit naman? Mahal kita Sef, pwede ba kitang ligawan?" Sinabi niya ng diretso kaya naman nagulat ako at hindi namalayang napatitig na pala ako sa kanya ng ilang minuto. Bumilis iyong tibok ng puso ko at wala akong ginawa, kundi tumakbo at lumayo sa kanya. Ayoko na! May kapogi-an rin naman si Zethro pero isitabi muna natin yan sa ngayon. Nasa peligro na ang buhay niya nang dahil sa akin.

Tinawag niya pa ako pero hindi ko siya nilingon at patuloy sa pagtakbo habang nakayuko.

===

Ilang araw ang lumipas pero palagi pa rin akong kinakausap ni Zeth. Nabigla ako, bakit nasa paningin ko pa siya? Eh ang alam ko'y maaring nasa hospital siya ngayon, nakahiga. Don't tell me kadugo ko siya? Shh impossible naman iyon. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kawalan. This can't be, baka nawala na yung sumpa? Sasabihan ko si Mama tungkol dito mamaya.

Naging masaya ako, kasi hindi na ako mamumuhay na parang halimaw kundi isang normal na tao na. May tumawag sakin nang isang babae kaya tumingin ako sa kanya nang nakangiti. Nakaramdam ako huli ng kalayaan. Sa wakas!

"Bakit Danella?" Tanung ko, hindi ko pa rin mapigilan ang pagiging masaya ko.

"Yung notebook mo pala, isasauli ko na. Maraming salamat ah?" Sabi niya kaya tumango ako.

===

"Mama, nawala na iyong sumpa." Masigla kong saad ni Mama habang nanonood ng balita. Nagulat naman siya at nagsabing. "Pano nangyari?"

"Nung nakwento ko sa'yo ma, naalala mo ba pa? Nung may natitigan akong isang lalaki."

"Tapos?"

"Parang walang nangyari sa kanya Ma."

Agad akong niyakap ni Mama. "Sa wakas naman. Salamat sa Diyos!"

"Isang dalaga, patay matapos masagaan ng isang pampasaherong sasakyan. Nakilala ito bilang si Danella Solisten. Nag-aaral sa U.S.T. na ngayon ay nasa piling na ng kanyang pamilya."

Tumigas ako sa kinatatayuan ko. Danella? Yung kaklase kong kinakausap pa kanina. Bakit parang nabalik na yung sumpa ko? Agad akong kumalas sa yakap at tiningnan si Mama habang nakahawak sa puso ko. Hindi ito maari. "Bakit?"

"Ma, natitigan ko siya kahapon. Marami akong natitigan kahapon ma!" Sabi ko nang biglang bumuhos ang mga luha ko. I killed those innocent people. Maraming nawalan ng buhay ng dahil sakin. Mga limang tao siguro, natingnan ko kahapon. Pero bakit? Bakit bumalik yung sumpa? Hinawakan ni Mama ang kamay ko.

"Ssshh tahan na! Mawawala rin itong sumpa mo okay?"

"Kailan naman? Mas mabuti pa sigurong magpakamatay nalang ako ma." Sabi ko habang umiiyak.

"Wag! Lahat ng problema ay may solusyon, alalahanin mo iyan. Wag kang mag-isip ng masama."

===

Kahit na wala akong ganang pumasok ay ginawa ko parin. Gusto kong malaman kung si Danella lang ba ang pumanaw na. Kahit na halata pa rin sa mga mata kong umiiyak ako buong magdamag ay pumasok pa rin ako.

"Morning Sef." Malumanay na sabi ni Zeth. "Morning." Sabi ko nalang. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon lalo na't parang gulo yung klase. May nagbulong-bulongan, tumitingin sa'kin at nakipagtsismis. Wag mong sabihin ako yung pinaghihinalaan nila? Oo, ako nga.

"Okay class, hindi muna tayo magkakaroon ng pasok ngayon kasi ang nabalitaan ko'y apat na estudyante ang namatay rito sabay-sabay." Sabi ni sir na halatang lumaki rin iyong mga eyebags nito. Napuyat siguro siya kagabi. "Yung isa, nasa hospital. Hindi pa nakagising kaya you'll take this day na makikiramay at puntahin sila. That's all, goodbye."

Nagsimulang umiyak yung ilan, yung iba, nagmumura, sumusuntok sa pader. Pasensya na. Ang ginawa ko lamang ay yumuko at napa-iyak na rin. Nakita ko si Zethro sa isang sulok, nakatakip yung panyo sa mukha niya. Umiiyak rin ba siya? Patawad!

===

Habang naglalakad papunta sa bahay ay may nabangga ako. "Sorry." Sabi ko pero hinawakan ako nung nabangga ko at biglang tumigil ang lahat. Yung mga tao, sasakyan, tumigil ang oras. Nabigla ako, ako lang yung gumagalaw tas napunta ang tingin ko sa katabi ko.

Napa-atras ako, ang ganda niya. Napatitig ako sa mata niya nang biglang nagbago yung anyo nito. Magic ba iyon? Pinanood ko yung mga itim na paru-paru papunta sa kanya. Pero teka? Bakit naman itim? Bakit parang kaming dalawa lang ang gumagalaw dito? Ang gulo!

Ngumiti ito sakin tas biglang lumiwanag ang lahat kaya napapikit ako. Binuksan ko iyong mata ko at nakita ko ang isang mangkukulam? Yung kulot niyang buhok tas parang matanda na yung mukha. Medyo itim iyong labi niya at suot iyong itim na bestida. Baka siya yung kumulam sakin? Nakakatakot.

"Wag kang matakot iha, I'm here to help." Sabi niya ng nakangising lokong-loko. Tumaas yung balahibo ko, creepy. "Ikaw yung babaeng sumumpa sakin diba?" Kinakabahan kong tanung pero I need to be strong. Gusto kong malaman ang sagot nitong sumpa ko. Ilang taon na akong namumuhay ng ganito at nakakasawa na.

"Oo, at tutulungan kitang mawala yung sumpa."

"Pano?"

Tumawa siya. "Madali lang naman. Patayin mo si Zethro."

Huh? Bakit naman? "A-ano? Bakit nasali siya dito?"

"You have two choices, kung ayaw mo siyang patayin then ask him to kill you."

Naguguluhan ako. "Patayin mo nalang ako ngayon din. Wag mong damayin si Zethro dito."

"Hmm. Hindi pwede iha, kailangang si Zethro mismo ang papatay sa'yo kundi ikaw mismo ang papatay sa kanya."

===

Author's POV

Yey! May PART 2 etong "The Unwanted Curse." At mababasa natin sa susunod na tagpo. Charrr! Hihihi! Anyways, thank you so much. Ilysm!

_lilmisscupcake_

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon