3: BFF

43 19 6
                                    

Abby Gail's POV

"Best Friend Forever." Masaya ko itong sinigaw pagkatapos ay nagshot na nung camera. Kaming dalawa ang magsama pero masaya pa rin ako kahit kailan. Kahit kaming dalawa lang. Sapat na iyon para mayroon akong best friend at siya si Racquel Monterolla.

"Bili muna tayo ng pagkain sa canteen Abby, nagugutom ako eh." Sabi niya sakin kaya in-off ko na yung phone at itinago sa bulsa ng skirt ko. "Okay wait. Kukuha muna ako ng pera."

===

"Ano ba gusto mong bilhin?"

"Hmm." Tumingin naman siya sa pancake. "Eto nalang." Tumango ako.

"Ate pabili dito, isa." Sabi ni Racquel. Kinuha naman iyon ng tindera at tumingin saming dalawa. "Yan lang ba iha?"

"Opo." Sagot ni Racquel.

"Para sakin, magkamukha kayong dalawa, mag best friend." Nakangiting sabi nung tindera. Napangiti ako at si Racquel naman, gulat.

Baka ginamit lang yun ng tindera para mapasaya niya yung mga mamimili. Yan naman ang uso ngayon, hindi ba? Pero marami-rami na ring nagsasabi na magkamukha kaming dalawa eh, magaganda daw. Ahh. Ewan ko.

"Wala ka bang bilhin?" Tanung niya kaya umiling ako. "Busog pa ako."

===

1 week later~

"Abbyyyyy!!!!!! Congrats, may boyfriend kana pala. Ayyiieeee, ikaw ha?" Todo-ngiti pa siya nung sinabi niya iyon. Nasa entrance gate pa ako, pero nandito rin pala siya. Di ko alam. Malayo pa naman yung room namin.

"Sshh, secret lang yun. Wag mong isabi sa mga kaklase natin. Nahihiya ako. Please?" Sabi ko habang naglalakad kami.

Kami na kasi ni Dexter, isa sa mga kaklase ko. Ewan pero ang cute niya at mabait rin. Sinabi ko rin sa kanya na secret lang tong relationship namin, ayokong maraming nakaka-alam. First time ko pa naman magmahal. At okay lang naman sa kanya pag secret lang. Nagchat kasi kami kagabi.

"Sigurado ka bang hindi rin to sasabihin ni Dexter ha?"

"Oo. He told me na hindi. So ikaw lang ang nakaka-alam tungkol dito."

Tumawa naman siya. "Your secret is safe with me bestfriend."

Nung umabot na kami sa room ay halos lahat sila'y nakatingin sakin. Wait what? Bakit? Anong nangyayari? "Aayyiiiieeee." Tili nilang lahat.

What the fak? "Ikaw Abby ha, kayo na pala ni Dexter." Sigaw nung isa sa mga lalaki. Napamura ako sa isipan. Bakit niya sila sinabihan? Akala ko ba secret lang.

Simula nun, ay nawalan na ako ng tiwala. Hindi ako komportable kapag maraming taong kumakausap sakin tungkol samin. Pano nagsimula? Pano naging kayo? Ano ang nangyari? Magsyota kayo o MU lang? Kung ano-ano nalang ang tanung nila at nakakabagot sagutan.

"Friends nalang tayo Dex." Sabi ko pagkatapos ko mag lunch kasama si Racquel, pero nasa room siya ngayon at kaming dalawa naman ni Dex, nasa garden.

"Why? Sorry but I told them, mga close friends ko lang naman."

"Close friends? Eh sinigaw nung isa kaya lahat nakaka-alam na."

Ilang sandali'y tumahimik ang paligid.

"Sige, kung yan ang gusto mo. Hindi kita pipilitin kasi mahal kita Abby."

"Nice. One day relationshit." I said at tumalikod na sa kanya. Ready to go far away from him. Hindi ako iiyak kasi ako rin naman yung nakipagbreak.

===

Hinanap ko si Racquel pero hindi ko mahanap. Saan naman kaya nawala yung isang yun? Hinanap ko siya pagkatapos ng klase, pero absent siya kaya ako na ang mag-isa umuwi. Wala siyang sinabi sakin ha? Hindi siya nagpa-alam.

Nung sa gabi ay nag-online ako.

1 unread message from Deks Terr. Ewan ko bakit yan ang name niya sa fb. In-open ko iyon

Sorry talaga Abby :(

Okay lang iyon. Kalimutan na natin.

Okay so. Forgotten HAHA Friends parin tayo diba?

Oo naman. Why not?

So pano kung sabihin ko sayong may bago akong mahal na kamukha mo? Okay lang sayo?

Huh? Di ko gets.

Ahh wala wala. Brb. Kain muna ako, kumain kana rin.

K

===

Kinabukasan~

"Racqueeeell!" Tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon kaya sinundan ko siya papuntang canteen ata?
Nakita ko siyang kasama si Dexter at nagtatawanan silang dalawa. As in silang dalawa lang. Parang may kung ano akong naramdaman sa puso ko.

Sila na pala, kaya nga hindi niya ako pinansin kanina kasi nakatuon yung pansin niya sa ex ko which is yung boyfriend niya na ngayon.

Ahh! Something hit me. Nung chinat ni Dex kahapon, bagong mahal niya tas kamukha ko? That means si Racquel diba? OMG! Sinubukan ko muling tinawag si Racquel pero hindi niya ako pinansin at inirapan pa ako.

Biglang gumuho yung mundo ko. Bakit ba siya papatul sa ex ko ng ganun ka-agad? Akala ko ba hindi siya ganyan klaseng kaibigan. Ang saya nilang dalawa tingnan, parang walang problema.

Selos.

Bakit ba ako makaramdam ng ganyan kung ako naman yung unang nakipagbreak? Pati ba naman puso ko, ayaw makisama? Putchapink naman teh.

"Best Fake Friend." Isama ko na rin si Dex, magsama silang dalawa. Mga ulol! Di ko napansing bumuhos na pala yung mga luha ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

===

Author's POV

Well, real life story to guys. Galing sa isang friend ko, kinuwento niya kasi sakin tas na-inspired akong gumawa ng ganoong story. Yiee~ Maraming salamat ulit.

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon