4: Without you

38 15 6
                                    

Jade's POV

"Ano ba Jade? Tumigil kana sa kakaselpon mo ha, magtrabaho ka." Sigaw ni Mama sa kusina at ako naman napa-irap sa hangin.

"Masakit yung ulo ko Ma."

"Ibigay mo nga sakin yan. Mga palusot mo." Biglang sumulpot si Mama sa sala tas kinuha agad yung phone ko. Agad akong tumayo at pinandilatan siya ng mata. "Ewan ko sayo." Bulong ko pero narinig niya.

"Anong sabi mo? Hindi kita pinalaki ng ganyan. Respeto naman kahit kaunti, hindi mo alam ilang pawis ang tumulo sakin para lang makapera tayo--"

"Tama na! Ayan ka na naman. Puro ka nalang daldal ma. Ikaw kaya mag-aral, kung hindi ka ba mapagod."

Agad akong dumiretso sa kusina at hinugasan yung mga plato, naglabada at nagsa-ing. Sinama ko na rin yung pagwawalis at mop sa buong bahay. After a while, nagpahinga ako at binalikan si Mama sa kusina, kung saan nagluluto ng ulam.

"Ano pa ma? Baka may i-uutos ka pa, sabihin mo na habang nasa mood pa ako." Medyo inis kong sabi.

"Wala na. Salamat ah?" She said sarcastically. Wow ah? Hindi ko nalang iyon pinansin.

"Asan yung phone ko?" Galit kong sigaw.

"Nandun sa cabinet ko, dun sa gitna. Breakfast kana. Basta sa susunod, ituring mo akong ina, hindi yung parang kaibigan mo lang."

"Whatever." Bulong ko. Nakakainis. Ayoko talaga sa lahat yung kinukuha yung phone ko lalo na't naglalaro ako ng online games. Oh pota!

===

"Nilalagnat ako Ma." Sabi ko sa kanya habang nakahiga pa rin sa kama. Nagulat siya at lumapit sakin habang hinawakan yung noo ko.

"Uminom ka nang gamot. Teka! Bibili muna ako." Natataranta niyang sabi at kinuha yung wallet.

Napangiti ako. Kahit kailan, mahal pa rin ako ni Mama at hindi niya ako pinabayaan. Sa ngayon, okay naman kami ni Mama.

===

"Ayoko na Jade. Makipaghiwalay na ako sayo." Sabi ng girlfriend kong si Janice. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Bakit?"

"Wala tayong oras sa isa't isa eh tsaka pagod na ako. Pagod na ako Jade. Puro ka nalang online games, wala ka nang oras para sakin. Kaya mas mabuting maghiwalay na tayo. Goodbye." Tumalikod siya at nagsimula nang maglakad.

Wala akong ginawa kundi titigan lang siya. Hindi ko alam ano ang gagawin, pipigilan ko ba at lumuhod sa harap niya? O sigawan ko ba siya ngayon? Nasaktan ako. Minsan lang naman ako maglaro eh, siya nga yung palaging busy tas ipagmukha niya saking ako yung walang oras sa amin. That was the biggest lie. Ever.

Umuwi ako sa bahay ng wala sa mood. Ewan ko pero natapon ko yung phone ko dahil sa inis at galit. Nabasag ito at nasira. Potang~ pano na ito?

===

"Ang careless mo. Hindi mo ba alam na mahal tong phone mo? Bakit mo nabasag?" Galit na sigaw ni Mama sakin. Wala akong pake sa reaksyon niya, lalo na't maraming tumatakbo sa isip ko.

"Sinasabi ko na sayo hindi ko yan sinasadya. Bobo!"

Napatigil siya ng ilang sandali bago nagsalita ulit.
"Wag mokong pagsalitaan ng ganyan. Anak pa ba kita ha?"

"Syempre hindi. Eh never nga kitang tinuring na ina eh." Dahil sa galit, siguroy nasabi ko sa kanya yun. Hindi siya kumibo, kundi ay pumunta siya sa kusina para uminom ng tubig. I felt guilty for what I just said. Can I take those words back?

Sorry.

Gusto ko mang sabihin yan pero ayaw lumabas sa bibig ko. Parang nakatape na ayaw bumuka. What the hell?

"Jade, kung mawala na ako sa mundong to. Sino na ang mag-aalaga sayo? Wala nang iba. Kaya ngayon habang lumalaki ka, try to learn new things. Hindi yung puro online games tas kung uutusan kita, nakasimangot ka. Ano bang naging dahilan sa laro na yan, eh maraming na-aadik?

My mood just lighten up. "What do you mean ma? Are you interested? Try mo. Tuturuan kita." I said jokingly.

Inirapan niya ako. "Baliw. Seryoso tayo dito tas ikaw, nagjojoke dyan? Bahala ka na nga."

"Sorry Ma." Sa wakas, nasabi ko na. Niyakap ko si Mama patalikod. "Sorry talaga kung nagsisinungaling ako minsan sayo."

"Sorry din kung nagsisinungaling ako sayo."  Sabi ni Mama kaya hinarap ko siya.

"Anong ibig mong sabihin Ma?"

"May cancer ako sa kidney. Kahapon pa kasi sinabi nung nagpacheck-up ako. Hindi na talaga ako magtatagal sa mundong ito anak, stage 3 yung cancer. Wala nang posibilidad na mabuhay pa ang isang tulad ko."

"Wag kang magsalita nang ganyan ma. Mawalan man ako ng girlfriend, wag lang ikaw. Please ma! Mahal na mahal kita."

===

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

===

Author's POV

Pasensya na guys! Medyo panis to HAHA. Sana nagustuhan niyo pa din. Lovelots~

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon