12: My Revenge

38 12 0
                                    

*Ynnie's POV*

"Papa? Hindi po ba ako pwedeng lumabas?"

"Hindi." Hingal na hingal na sabi niya. Saan ba kasi siya nanggaling? Bakit pinagpawisan siya ng todo?
"Bakit pa?"

"Sshh, tumahimik ka." Sabi niya tas sumilip sa bintana. Kinabahan ako bigla. Bakit? Sinunod ko nalang iyong sinabi niya pero bigla niya akong hinila at ipinasok sa isang kabinet. "Dito ka lang ha? Wag kang gumawa ng ingay, babalik si papa. Mahal kita. Tandaan mo iyan." Bulong niya at hinalikan yung noo ko.

Nagtaka naman ako sa pinagsasabi niya. Kahit walong taong gulang pa ako ay naintindihan ko iyon. Saan ba kasi siya pupunta o baka may bisita siya? Hindi nagtagal ay may tunog ng baril akong narinig. Kinabahan ako kaya dali-dali akong lumabas sa cabinet. Nanginginig iyong kamay ko habang binubuksan ko iyong pintuan sa kwarto. Mukhang nasa sala si Papa, pero bakit maraming tao yung nandito? Naka-itim. Anong ginawa nila kay Papa?

Tumingin ako sa baba at nakita ko si Papa, duguan at walang kamalay malay na nakahiga sa sahig. Lumaki iyong mata ko. Hindi pwede to. Hindi pwede. Nagsimula nang tumulo yung mga luha ko. Mga walang hiya sila. Lumabas ako at lumapit kay papa na duguan. Hindi ko na pinansin iyong mga tao at patuloy na umiiyak sa harap ni papa.

"Papa!" Sigaw ko at pilit siyang binabangon mula sa sahig. "Papatayin ko rin ba ito boss?" Tanung nung isa. Tiningnan ko sila isa-isa, magbabayad kayong lahat.

"Huwag muna, dalhin niyo siya sa bahay." Sagot nung isa kaya naman mas lalo akong kinabahan. Ang kapal ng mukha nila. Sino ba sila at anong nagawa ng papa ko para patayin nila? Napakahayop.

===

8 years ago~

Alam niyo anong ginawa nila sa loob ng walong taon na yan? They tortured me. Nung fourteen years old ako, ginahasa ako. Iyak ako ng iyak nung araw na yun, hindi ko alam ano ang gagawin. Nandito ako ngayon sa isang kwarto, nakakulong, at pinapakain ng para bang hayup. Wala akong gana. Gusto ko nang mamatay pero wag na lang kase babawi pa ako sa lahat ng ginawa nila samin. Kay Papa!

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakangisi habang may dalang tray. Kadiri! Mga manyak.

"Kain kana." Sabi niya tas inilagay yung tray sa lamesa. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Nakita ko iyong baril sa gilid niya, kukunin ko kaya? Peste. Kinakabahan ako, first time ko'to. Pero kailangan kong gawin para makalayas sa impyernong ito.

Lumapit ako sa kanya at nginiti-an siya ng peke. Ngayon, siya naman yung nagtaka. "Uhm masakit yung tiyan ko." Pagdradrama ko tsaka nagpapanggap na nawalan ng malay. Sana magtagumpay. Lord!

"Uy, gumising ka!" Sabi niya tas inalog-alog ako. Yun yung beses na may tsansa pa akong kunin yung baril ay itinutok sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay ipinutok ko iyon sa ulo niya. Andaming dugo, pero wala ng bago dun. Ini-isip ko na ginagawa ko'to para kay papa.

Lumabas ako sa kwarto pero may umaabang sakin ng tatlong lalaki. Isa-isa ko silang binabaril at sa oras na yun, wala ako sa aking sarili na para bang ang tanging ini-isip ko lamang ay makatakas. Kahit sa anong paraan.

===

"Ibaba mo yang baril, pasalamat ka wala si boss." Kinakabahan na sabi nung isang lalaki. Hindi ko naman siya pinansin at binaril rin siya. Yung araw na yun at nakatakas ako sa impyerno, hindi ko alam pero gusto kong pumatay ng tao. Ginusto ko yung ginawa ko kanina. Ewan ko pero gusto kong gawin ulit. Itinapon ko ang baril at pilit na tumatakbo sa kung saan may makakatulong sakin.

Nung nasa kalsada ko ay napangiti ako. Sa wakas, malaya na ako. Hindi pa yun yung paghihiganti ko, babalikan ko kayo, mga potchangina. Hindi ko alam pero biglang huminto yung sasakyan sa gilid ko. Bumaba yung driver at galit na napamura.

"What the f-ck? Magpapakamatay kaba?!" Sigaw niya tapos lumapit sakin pero napalitan nang pag-alala iyong mga mata niya. Nakita niya siguro yung mga sugat ko sa mukha at mga pasa. Biglang gumuho ang mundo ko at dumilim yung pananaw ko. Sinubukan kong bumangon pero hindi ko kaya.

===

"How's the patient?" Tanung ng isang baritonong boses.

"She's fine sir, mukhang sariwa pa yung ibang sugat pero okay naman siya. Sa tingin ko, inaabuso po siya nung bata pa."

"Inaabuso? Bakit?"

"Hindi ko alam sir pero we better ask her sa sitwasyon niya as soon as she'll wake up. Sige po, mauna na ako."

"Okay."

Rinig ko yung pinag-uusapan nila kaya binuksan ko iyong mata ko. Unang nahagip ko iyong matangkad na lalaking nakatayo sa harap ko. Pinilit kong gumalaw pero sinasabihan niya akong 'huwag' kaya wala akong ibang magawa.

===

"Bakit mo ginagawa to sa akin?" Tanung ko. Ang bait niyang tao.

"Look, I'm here to help. Wala akong balak na masama sayo."

Mukhang tama nga naman iyong sabi niya, tumingin ako sa mukha niyang napaka-inosente. Hala! Bakit mukhang pang-artista yung mukha niya? Artista ba ito? Hindi kaya?...

Tumikhim siya at nagtanong. "Sinong gumawa sa'yo niyan?"

Bago ko masagut yung tanung niya ay biglang tumulo yung mga luha ko. Na-alala ko kasi yung mga nangyayari ko habang nakakulong. Walang kabuhay-buhay yung mundo ko. "Marami sila pero alam kong hahanapin rin nila ako." Sabi ko habang umiiyak.

"Sinong sila? Gusto mong turuan kita sa martial arts, kung pa'no gumamit ng baril at iba pa?" Tanung niya.

Nagulat naman ako at tsaka lumaki yung dalawang mata ko. Bakit ba ako aayaw e malaking karangalan na to sakin? Oo na. Makapaghihiganti lang ako sa mga taong ginagawa akong hayop sa loob ng walong taon.

===

Author's POV

Gusto niyo po ba ng continuation? Comment lang po. Btw, maraming maraming salamat sa pagbasa nung mga stories ko. Sorry nga po pala sa mga maling grammar(s) haha, first time ko po kase. Wuv u po talaga.

#Just Love










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon