9: The Truth Untold

41 10 0
                                    

*Raine's POV*

Hindi ko maiwasang mapaluha, iniiwasan ako ng jowa kong si Jerome. Kahit ilang tawag ko sa pangalan niya, ayaw niya makinig. Sinundan ko siya kanina tas nakita kong kasama niya yung isang babae na hindi ko naman kilala. Bigla-bigla nalang napunit iyong puso ko. Ang sakit. Parang hinati ng ganun-ganun nalang.

"Ayus ka lang Raine? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanung ni Adrian, bestfriend ko. Bigla siyang pumunta sa harap ko pero ewan ko bakit niyakap ko siya bigla. All I want to do is to cry and to be comforted with someone. Kahit siya man lang ang taong iyon.

Gusto ko lang ibuhos tong sakit na nararamdaman ko. Pwede naman niyang isabi sakin na may gusto na siyang iba, hindi yun mang-iiwas nalang. Ano bang nagawa kong mali? Baka nga may pagkukulang ako.

"Tahan na, hindi bagay sayo yung umiiyak. Hindi naman kawalan yung gago na iyon." Sabi ni Adrian pero mukhang hindi naman tumigil yung luha ko, bigla siyang lumala at patuloy na bumuhos. "A-drian, ayo-yoko na. Nasa-saktan n-na ako so-sobra." Sabi ko nang patuloy pa rin sa paghagulhol. Hinagod niya iyong likod ko hanggang sa pagtapos ko nang nilabas yung naramdaman ko. "Salamat nga pala, kung hindi dahil sayo, baka mapapatay ko na tong sarili ko."

"He's not even worth your tears. Susuntukin ko nalang yong tang'nang na iyon pag nakita ko."

"Huwag na, madadamay ka pa."

"Sus, bestfriend mo naman ako. Hindi ko kayang may makakasakit sa bestfriend ko no?" He smiled then pat my head kaya nakita ko naman yung dimple niya. Ang cute niya talaga. Hindi ko maiwasang mapangiti kasi nandito siya sa tabi ko.

===

5 months later~

I don't know but I think I fell in love with my bestfriend. Sa mga nagdaang araw, ang sweet niya. Parang tinuring niya ako jowa--pero baka tinuring niya akong kapatid lang. Ewan ko. Masaya talaga ako pag kasama siya, hindi ko na naiisip si Jerome. He's the only reason, why I open my heart again. Siguro hindi ako sasaktan ni Adrian, ngayon sana ako magcoconfess but I'm not yet ready. Nakakahiya!

Iniisip ko na pano kung siya naman yung iiwas sakin? Pano kung magbestfriend lang talaga yung turing niya sakin? Pano kung sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko ay mawawala nalang ang lahat-lahat na pinagdada-anan namin? Takot ako na baka sa ganitong paraan lang, mawawala ang lahat. I sighed in disapproval, hindi dapat.

Always think positive. Okay Raine?

===

"Raine, may ipapakilala ako sayo." He said. He's with someone but I felt jealousy all of a sudden na para bang alam ko na anong kasunod na mangyari.

I smiled. "Sino?" Hindi dapat ako magpahalata. Damn! I'm just his f-cking bestfriend for Pete's sake. No more, no less.

"Babe, meet my bestfriend Raine. Raine, meet my girlfriend Claire. Hope you two get along with each other."

Girlfriend =(

"Hello, nice to meet you Raine, you're so pretty." The girl said then offered her hand, ready to receive mine. Tinanggap naman iyon at ngumiti na rin sa kanya ng peke. "Hello, nice to meet you too. Stay strong sa relationship ninyo ni Adrian, I'm your number one fan nga pala." Masigla kong sabi pero sa loob, sinasaksak na iyong puso ko. Tumawa naman ang dalawa at sinabayan na akong kumain.

What's the use of being beautiful if there's someone you love who can't even love you back. I think that's the worst.

===

Parang naging third party ako rito. Pano ba naman kase, naghaharutan sila sa harap ko. Wala silang ka-alam alam sa kung ano ang naramdaman ko. Hindi nga ako makafocus sa pagkain kasi nadidistract na ako sa kanila. Damn it! Palagi silang nagtatawanan at naglalambingan. I tried my best to avoid watching them, but I can't. Dali-dali akong lumabas dun at nagpalusot nalang. Mukhang may sarili  naman itong dalawang bwisit na to.

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon