8: The Unwanted Curse (Part 2:Ending)

28 14 0
                                    

Seffany's POV

"Zethro, patayin mo'ko."

Nagulat si Zethro sa sinabi ko na para bang hindi siya naniniwala sakin. "Please." Pagmamaka-awa ko.

"No way. I can't do that!" Sabi niya na halatang galit sa sinabi ko. "If you're joking around Sef, hindi nakakatawa. Mahal kita at alam kong alam mo iyon."

"No Zeth! May sumpa ako, marami na akong napatay na mga inosenteng tao. Pinatay ko silang lahat at ayoko nang madagdagan pa." Sabi ko nang biglang nagsimulang magtubig iyong mata ko.

"Anong sumpa yan? Totoo ba yang mga sinasabi mo?"

At iyon, kinuwento ko sa kaniya ang lahat. Kung kailan at pano nagsimula itong sumpa na to at parang hindi parin siya makapaniwala sa mga sinasabi ko. Sinali ko na rin yung mangkukulam na nabangga ko kahapon at iyong mga sinasabi niya.

"Then kill me if totoo iyong mga sinasabi mo."

"Hindi ko rin magawa iyan. Ako nalang patayin mo Zeth."

Napa-iling siya tsaka umalis sa harap ko. Pano na ito? Kailangan ko ba siyang patayin? Nah! Ayoko. Ang inosente ni Zeth. What if patayin ko nalang itong sarili ko?

"Wag! Lahat ng problema ay may solusyon, alalahanin mo iyan. Wag kang mag-isip ng masama."

Biglang narinig ko iyong boses ni Mama sa kung saan. Napalingon naman ako sa paligid, pero wala siya. Baka guni-guni ko lang iyon. Magsimula na sana akong maglakad nang may biglang bumulong sa tenga ko.

"This week, kailangang may isa nang mamatay sa inyong dalawa ni Zeth. Then kung wala pa? Habang buhay na yang sumpa mo. BWAHAHA!" biglang nanlambot yung tuhod ko. Boses iyon nung mangkukulam at kailangan ko talagang patayin si Zeth. Hindi ko iyon magagawa sa kanya. Pero kailangan kong gawin para mawala itong sumpa ko. Sorry Zeth but I have to kill you. Nakakapagod ang mamuhay ng ganito.

===

"Sef, are you okay? Pinagpawisan ka, eto oh!" Alalang tanung ni Zeth habang ina-bot sakin yung panyo niya. Dumating siya dito sa plaza kung saan walang katao-tao at tanging kaming dalawa lang. Ewan ko bakit ba wala? Eh ang tahimik. Na-iiyak ako pero ginawa ko ang lahat para hindi ito bumuhos.

"I'm okay Zeth. Sorry pero kailangan kong gawin ito." Agad kong tinutok sa kanya yung baril na hawak ko kaya napa-atras siya. Pero bago ko pa maputok ay nawalan na ako ng gana at napa-upo ako sa lupa. Umiiyak na naman ako. Naisip ko kasi tong walang kamalay-malay na buhay ni Zethro, duguan. Ahh! Lumapit ako kay Zethro at hinalikan siya sa labi. Hinalikan niya ako pabalik at palalim na palalim iyong mga halik niya. Patuloy pa ring bumuhos iyong luha ko habang ginagawa namin iyon at ang huling alam ko'y pinutok ko iyong baril sa likod ni Zethro. Kahit na hindi ko gusto iyon Zeth, papatayin parin kita. Binaril ko iyon sa lugar kung saan yung puso niya.

May dugong lumabas sa bibig niya at napaluhod siya. Tiningnan niya ako sa mata and then ngumiti siya. Mas lalo akong naguilty sa ginawa ko at lalo ring bumuhos ang luha ko. Bakit ka ba ngumiti Zeth? Nagsisisi ako lalo.

"Sa wakas, nagawa mo na. I love you Sef, tandaan mo iyan." Sabi niya tas nakahiga na siya sa lupa habang naliligo ng sariling dugo. Natapon ko ang baril at napatingin sa dalawang kamay ko na sobrang nanginginig. Hindi ko na alam ano ang gagawin.

Naghintay ako ng ilang segundo pero walang mangkukulam ang nagpabuhay ulit sa sarili ko. Baka sinadya niyang ibigay yung rason na mawawala tong sumpa ko para lang mapatay si Zeth. I KILLED SOMEONE WHO'S VERY IMPORTANT TO ME, at siya si Zethro. Siya ang nangungulit at mismo ginawang makulay yung mundo ko. Yung mga bagay na ginawa niya, sinabi niya, marami akong natutunan na galing sa kanya. Siya ang kauna-unahang taong pumapansin sakin at kumakausap araw-araw.

Okay! So this is it. Tumayo ako at pilit na kinuha yung baril. Tinutok ko iyon sa puso ko, para fair naman. Gagawin ko ito! "I love you too Zeth. Pinagsisihan ko ang lahat, patawarin moko."

Rinig ko iyong putok ng baril at bumagsak ang sarili ko sa lupa. Eto na siguro ang huling buhay ko dito sa mundo.

THE END...

===

Author's POV

Lovelots~ please continue to support my first book "SHORT STORIES COMPILATION." And It will be a great honor kung ishahsare rin n'yo to sa mga friends niyo.

MARAMING SALAMAT!

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon