10: Please Save Me

35 13 0
                                    

*Kristeen's POV*

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at ang unang nadatnan ko ay yung puting ilaw. Kumunot ang noo ko.

Nasaan ba ako?

Lumingon-lingon ako sa paligid at laking gulat ko nung nakita ko si Mommy na umiiyak. I think I'm in a hospital. Ayoko ng ganitong lugar, gusto ko ng umuwi. Tatayo na sana ako nung may humawak sa kamay ko. Mas lalong lumaki ang mata ko sa nakita. I'm not expecting him to be here.

Ex ko, si Raven Ressto. Ah!! Isa nga pala siyang doctor no? I almost forgot it. Muntik na nga.

===
-Flashback-

"May itatanung lang sana ako sayo Raven."

"Ano yun?"

"Pumili ka, ako o yang career mo kasi nawalan na tayo ng oras sa isa't isa, busy ka na palagi. Tas kung magtetext man ako sayo, wala kahit isang reply man lang. Let's fix these things out."

Natahimik siya sandali bago magsalita.

"Sorry but I have to choose my career. Let's break up. I don't want to hurt you more so hanggang maaga pa, maghiwalay na tayo. Alam ko namang hindi rin magtatagal tong relasyon natin."

My hands are trembling. I want to speak pero mukhang hindi kayang bumuka ng bibig ko. Should I let him go or not? Hmph. Fine. Although, I respect his decision. Mukhang tama rin naman siya, hindi kami magtatagal.

-End of flashback-

===

"Mom, gusto ko nang umuwi." Sabi ko.

Inilayo ko ang kamay ko'ng hinahawakan ni Raven at umiwas ng tingin. Kapal! "No dear, kailangan kapa dito para sa operation." Sabi niya habang pinapahid yung luha niya.

"Ano po? What do you mean operation?"

"May cancer ka, heart cancer. Unti-unting daw iyang bumubutas at dahilan ng iyong pagkamatay. Huwag naman sana Diyos ko." She said then did the sign of the cross.

I stayed silent for a moment. Heart Cancer? No way. I can't accept the fact na may cancer ako. I'm a healthy  person so there's no way I'm one of those cancer survivors. There's no freaking way. Sumasakit lang naman itong puso ko ng walang dahilan, baka normal lang to. Hindi cancer. Hindi talaga. Ayok--

"Doctor mo pala, si Dr. Ressto."

Tumango ako. Wala nga palang alam si Mommy sa relationship namin noon. "Aalis muna ako dear, bibili ako ng pagkain. Pupunta rito mamaya si Manang Lorie. Sige. Babalik rin ako." Sabi ni Mommy at hinalikan yung noo ko. I smiled at pinanood siyang lumabas. So? Kami nalang dalawa rito ni Doctor Raven. Or let me say, ex ko?

"Congrats, Doctor kana pala. Good for you." Tumingin ako sa kanya.

"Yeah thanks."

"Kailan ba yung operation?"

"Maybe bukas." Sabi niya nang nagkibit-balikat. Nagbago na siya. Walang bahid ng expresyon yung mukha niya, hindi katulad noon, na mukhang palagi siyang nakangiti. Na para bang walang halong lungkot. All were genuine.

"Mauuna na ako." He said then took a bow, ready to leave pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya.

"No please. Wag mo'kong iwan. I'm dying, kahit ngayon araw lang, makasama kita. Please! Just make me feel that I deserve to be loved... by you. I know it's impossible kasi sinaktan mo na ako pero please, just for me. Kahit ngayon lang." Ewan ko bakit ko nga nasabi iyong mga salita na yun? Aish. Naiiyak na naman ako. Nagsimula na namang sumakit yung dibdib ko. Mahal ko pa kase siya, hanggang ngayon. Hindi ko nga matanggap iyon eh after what happened. "Kung posible man, please save me. Do your best, gusto ko pang mabuhay kasi marami pa akong dapat matutunan sa mundong ito." Sabi ko pero biglang sumakit nga yung puso ko.

Napahawak ako run at mukhang hindi maayos iyong paghinga ko. I think napansin niya iyon kaya umupo siya.

"Take a deep breath." He commanded.

Agad ko naman iyon sinunod. Unti-unting nawala iyong sakit pero may butil parin ng mga luha ang patuloy na dumadaloy sa pisngi ko. I wiped it away at ngumiti sa kanya. "Uminom ka ng maraming tubig. Bawal sa'yo ang sobrang emosyon kaya hanggang maari, stay neutral."

"May gusto lang akong malaman Raven, mahal mo pa ba ako?"

Tumahimik na naman siya. "Why?"

"I just want to know the truth from you kasi mahal parin kita hanggang ngayon."

"Let's not talk about that now. Babantayan lang kita. Isipin mona natin yang sitwasyon mo ngayon. Don't bring up the past that was already in the past."

Ah. Hindi niya ako sinagot so it means, hindi na niya ako mahal. I laughed. Okay lang, he chose his career naman. Why bother asking him? Nababaliw na ata ako.

May kumatok sa pinto at biglang pumasok ni Manang Lorie, ang nagsisilbing personal yaya ko. "Oh hija, patawad, hindi ako nakapunta rito agad." Sobrang alala na sabi niya.

"Ayus lang naman ho ako. Lumabas po pala si Mommy para bumili ng pagkain." I said pero nagpa-alam na si Raven para lumabas kaya kaming dalawa nalang ni Manang Lorie rito.

Hindi rin naman nagtagal ay pumasok si Mommy na may dalang pagkain. As in maraming pagkain. Napanganga nga ako eh.

===

"Thankfully, it was a success." Sabi ko. Hindi ko mapigilang mapaluha, well, tears of joy tawag nito ah? Tagumpay kasi yung operation. Salamat kay ex. Salamat kay Raven. He just saved my life. Without him, baka patay na ako ngayon. Nakahiga sa coffin, lifeless and breathless.

"Mom? I want to ask you a favor."

"Ano 'yun dear?"

"Pakasalan ko po si Raven."

Nagulat si Mommy sa sinabi ko. Kilala naman niya siguro ang nag-iisang Raven dito huh? Na-ikwento ko na naman sa kanya yung past namin.

"Are you serious?" Paninigurado niya.

"Very serious."

"Uhmm okay dear. As you wish. I'll talk to him."

===

"Let's prepare everything for the wedding day next month." Masiglang sabi ni Mommy kaya hindi ko mapigilang ngumiti, so he agreed. Nice one.

===

Short Stories CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon