Nasa sala ang dad ni Vincent nang dumating kami sa bahay. Sa isang sulok lang siya nakaupo kasi naman parang dinaanan ng bagyo ang bahay namin dahil sa sobrang kalat.
Weird. Dati naman, ayaw na ayaw ni Dad ang makalat. OC siya. Pati nga mga libro niya, nakaayos alphabetically.
Napahinto si Vincent sa may pintuan. "Uhm..."
"Hindi ka ba papasok?" tanong ko.
Ibinulsa niya ang mga kamay niya, halatang naiinis. "Depende. Niyayaya mo ba 'kong pumasok?"
"Arte mo," sabi ko bago ko siya iniwan.
Nasa kwarto na si Dad. Natutulog.
"Sabi ng doctor, na-shock lang ang Dad mo," paliwanag ni Mr. Sinclair. "Basta kailangan lang niyang magpahinga."
Nginitian ko siya. Ba't kaya hindi man lang nagmana ng kabaitan si Vincent sa kaniya kahit kaunti. "Salamat po. Gusto n'yo ba, dito na kayo mag-dinner? Magluluto lang ako."
Bumaling si Mr. Sinclair kay Vincent, tila nagtatanong.
Umiling lang si Vincent sabay tingin sa Cruiser. "'Wag ka nang mag-abala. Baka hinihintay na kami ni Vlad sa bahay. Baka umiyak 'yon 'pag ginabi kami. 'Di ba, Ar-I mean, Dad?"
"Okay lang kung ayaw mo," sagot ko. "Nag-iimbento ka pa ng kwento d'yan."
Napailing na lang si Mr. Sinclair.
Pag-alis nila, sinimulan kong linisin ang sala.
Naiwan ni Dad na naka-on ang laptop niya. Nakabukas ang word processor pero blank naman ang page. 'Kala ko, kaya siya nagpupuyat gabi-gabi, kasi gumagawa siya ng bagong nobela, pero ba't yata wala pa rin siyang naisusulat kahit ano?
Bago ko mai-shut down ang laptop, bigla na lang tumahimik. 'Yong tipong para 'kong nasa ilalim ng tubig.
Tapos bigla na lang may ingay galing sa kusina.
May narinig akong humihingal sa likuran ko. Kinilabutan ako, pumikit sa takot na baka may ibang tao akong kasama.
Namatay ang ilaw at nag-fog ang hininga ko sa sobrang lamig.
Amoy lantang bulaklak.
May humaplos sa balikat ko. Parang mga daliring nagyeyelo.
Huminga ako ng malalim at tumingin sa likod ko, pero walang tao ro'n. Nag-iisa lang ako. Wala akong kasama kundi ang mga anino na naglalaro sa liwanag na galing sa poste sa labas.
Laking gulat ko nang biglang nakita ko sa screen ng laptop ang mga salitang "BUKSAN MO."
Kanina naman walang naka-type do'n.
Pinagpawisan ako nang malamig. Nanginginig ang mga daliri ko habang pinipindot ang backspace button. Pero sa halip na ma-delete ang mga letra lalo pang dumami.
BUKSAN MO. BUKSAN MO. BUKSAN MO. BUKSAN MO. BUKSAN MO.
Sa takot ko, naibagsak ko ang laptop. Gusto kong sumigaw pero parang nawala ang boses ko. Hindi ako makahinga.
Habang hinahanap ko ang inhaler ko, bigla na lang bumukas ang ilaw sa kusina. Kumaripas ako ng takbo papunta ro'n.
Bago pa man ako makahinga ng maluwag, bumukas ang pinto ng cabinet. 'Yon din ang cabinet na biglang bumukas noong kakarating pa lang namin sa bahay na 'to.
"B-baka naman... sira---"
Bumukas-sara ang pinto ng cabinet. Paulit-ulit.
Gusto kong tumakbo pero parang naging bato ang buo kong katawan. Ang nagawa ko na lang, pumikit at takpan ang tenga ko.
BINABASA MO ANG
Reapers Trilogy (Tagalized)
FantasyI'm Aramis Rayne. Seventeen. Forever. Isa akong personal assistant. Pero mas complicated ang job description kaysa sa iniisip mo. Gano'n siguro talaga kapag ang anak ng Grim Reaper ang boss mo. Lahat magiging status: "It's Complicated". And it start...