Prologue

19.1K 233 5
                                    


The officiating minister repeated the question while looking at Tyler, my soon-to-be-husband. Nawala ang ngiti sa labi ko nang manatili siyang tahimik. I can hear whispers from the crowd.

"Tyler..." nanginginig ang boses na tawag ko sa kanya

He slowly let go of my hands and turned around to look at me.

"Penny, I'm sorry. I can't do this." basag ang boses na sabi nito at parang nagmamakaawang wag nanaming ituloy ang kasal

Lumakas ang bulungan ng mga bisita namin dahil sa sinabi niya.

Am I hearing things? Am I dreaming? If yes, wake me up, please.

Ilang taon ang ginugol namin para pag-ipunan ang kasal namin ngayon. Ilang pagsubok ang dinaanan namin para lamang dumating kami sa araw na ito.

"T-Ty, please. Wag mo namang gawin sa akin 'to." umiiyak na sabi ko at pilit pinipigilan ang hikbi ko

"Penelope, I'm sorry but I fell out of love. I fell in love with your bestfriend, Erin. A-Akala ko kaya ko pang ibalik ang pagmamahal ko sa'yo but I was wrong. Hindi ko kaya lalo na ngayong magkakaanak kami." he confessed

The guests gasped, kanya-kanya silang bulungan pero mas narinig ko ang boses ng magulang ni Tyler.

"What's the meaning of this?!" galit na sigaw ng ina niya

I collapsed on the floor while crying. Hindi ko na pinigilan ang hikbi ko at malakas na humagulgol. Why now? Bakit ngayon pang kasal namin at higit sa lahat, bakit ngayon pang kaarawan ko?!

Sunod kong nakita si Tyler na nasa sahig dahil sa sapak na nanggaling sa Tito ko. Nagkakagulo na at ang ilang mga bisita ay umalis na para hindi madamay sa gulo. Hindi ko matapunan ng tingin ang matalik kong kaibigan dahil baka kung anong magawa ko sa kanya.

I was betrayed by someone I trusted the most!

Tinulungan ako ni Tito na tumayo at tumayo nga ako. Tinuyo ko ang basang pisngi ko at hinarap ang manlolokong nasa harapan ko. Madapa man ako, tatayo pa rin ako at haharapin silang lahat. Hindi ako magiging si Penelope kung hindi ako magiging matapang.

"Bakit, Tyler?! Bakit?! Hayop ka! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad! Masarap ba ang malanding 'yan, ha?! Pagsisisihan mo ang araw na 'to! At 'yong puri ko na matagal mo ng inaasam, guess what? I will give it to someone tonight! How about I fuck your best friend so you will feel an ounce of the pain you gave me?!" malakas na mag-asawang sampal ang dumapo sa pisngi niya

Umigting ang panga ni Tyler at matalim akong tinignan. Bago pa man nila ako mapigilan ay nakalapit na ako kay Erin. Hindi ako nagpapigil kahit na kanino at binigyan ko rin siya ng malakas na mag-asawa—mali, dapat magkabit na sampal dahil kabit nga naman siya.

Mabilis na dinaluhan siya ng knight in shining manlolokong gago. Namula ang pisngi niyang sinampal ko at umiyak siya sa dibdib ni Tyler.

Paawa ang mang-aagaw na ahas. Mga ahas nga naman, sa pagpulupot magaling!

"Ano ba, Penelope?! Buntis siya!" sigaw sa akin ni Tyler

"Do you think I give a damn about it?!" sigaw ko sa kanya

It was a lie. Galit man ako sa kanilang dalawa, hindi ko idadamay ang isang inosenteng buhay kahit na gusto ko ng kaladkarin si Erin sa buhok at ipasagasa sa gitna ng kalsada.

"Wag mong sisigawan ang pamangkin ko! Ang kapal ng mukha niyong lokohin si Penelope! Bakit? Sino ka ba sa inaakala mo? Ha?" galit na singhal ni Tito sa kaniya

Kinarga ni Tyler si Erin at mabilis na umalis. Unti-unting nadudurog ang puso ko habang nakikita silang tumatakbo paalis.

"Tyler! Tyler! Bumalik ka rito!" sigaw ni Tito Oliver

Broken Man's Missing PieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon