👀

658 25 25
                                    

"Soonyoung's"

Nandito ako sa Shizi Cafe hinihintay si Mingyu dahil dadalhin nya ako sa dating apartment na inuupahan nya, umalis na kasi sya dun dahil mag lilive-in na daw sila ng Jowa nya sakto naman pinapa renovate ko yung unit ko kaya kailangan ko sya ngayon, sabi nung gumagawa ng unit ko baka abutin daw ng two months yung renovations kaya kailangan ko talaga ng matitiratahan sa loob ng two months.

"Hyung! Kanina kapa?" Tanong nya kaya napairap ako, usapan 10:30am tapos 11:15am na? Natural kanina pa ako.

"Wag kana bumulong dyan hyung maganda yung dati Kong apartment sigurado magugustuhan mo dun, kaso hyung medyo masungit yung roommate ko dun. Ayaw nun ng maingay tsaka ayaw nya ng makalat." Dirediretsong sabi nya.

"Okay lang ayaw ko rin naman ng ganun besides twing gabi lang naman kame mag kikita kasi may pasok ako ey " sagot ko.

"Ay baka di rin kayo mag kita kasi night ship yung trabaho nun ey " sabi nya.

"Edi okay lang, two months lang naman ako dun di ko na sya kailangan maging friend" sabi ko at ininum ang kape ko. Natawa lang sya at ininum din yung kanya.

"Kailan ka nga pala lilipat hyung? " tanong nya.

" siguro mamaya din pag napuntahan na natin mag babayad lang ako tapos kukunin ko na gamit ko " sabi ko sakanya. .

"Haha di ka naman masyadong nag mamadali nyan ? " tanong nya

"Hindi naman para rin maumpisahan na ung renovations sa unit ko at matapos din agad " sagot ko tumango naman sya.

--

Nang matapos kameng mag kape pinuntahan na namin agad ung apartment na sinasabi nya. Infairness maganda parang tenement style apat na floor sya pero kada floor apat yung kwarto malaki talaga sya.

.
"Jeonghan hyung sya si Soonyoung hyung yung sinasabi ko sayong papalit sakin ? " sabi ni gyu dun sa lalaking nakasalubong namin

"Oh hi Soonyoung ako si Jeonghan ako ang may ari netong apartment ' sabi nya at inilahad ang kamay nya, syempre inabot ko .

" Soonyoung po Kwon Soonyoung pero Hoshi nalang para Hindi masyadong pormal " sabi ko at ngitian sya.

"Waaaaah ang kyut nya bagay sila ni Uji " sabi ni Jeonghan hyung.

"Uji? " tanong ko.

"Sya yung room mate mo " sabi nya.

"Huh? Akala ko lalaki yung room mate ko? " tanong ko sa kanila.

"Oo nga " sabi nilang dalawa. Kaya napataas ang kilay ko..

"Pano kame naging bagay? " tanong ko ulit.

"bi sya " sabi ni gyu.

"Huh? Kapareho mo? " tanong ko.

"Oo kapareho natin " sabi ni Jeonghan hyung kaya natawa ako.

"I'm sorry but I'm not into men I'm straight here bruh " sabi ko sakanya

"Hahaha really? But I smell that you're one of us " tatawa tawang sabi nya.

"You smell it wrong ' sabi ko sakanya tapos natawa sya.

" gago anong you smell it wrong? " sabi nya pero inirapan ko nalang sya ang Dami nyang alam tsk!

"dito yung magiging kwarto mo " sabi ni jeonghan hyung at pinapasok kame sa loob. Maganda sya may mini sala pag pasok mo tapos may dalawang kama sya magkabilaan tapos nasa gitna yung dalawang durabox parang yun yung nag sisilbing harang. Tapos may sink at cr na rin maaliwalas at mabango sya.

"Hyung bakit wala si uji hyung? " tanong ni mingyu.

"May sumundo sakanya kanina ey " sabi ni jeonghan hyung.

"So pwede na ba ako makalipat Mamaya? Kailangan ko na kasi talaga ey " sabi ko.

"Oo naman 3k a month 1month advance 2months deposit " sabi nya.

"Okay sige pero baka two months lang naman ako dito yung iaadvance ko yun nalang ibabayad ko sa electricity at water expenses " sabi ko sakanya at iniaabot ang 9k.

"Okay sige ito na ang susi, pero bago nga pala ang lahat may rules ang regulation ako dito sa apartment ko. " sabi nya.

"Una bawal mag dala ng kung sino sinong Babae o lalaki dito you know? Bawal mag dala ng ka-1nightstand " sabi nya.

"Luh? Grabe naman " pag mamaktol ko ! Like duh? Lalaki ako may pangngailangan din ako.

"Ayako ko lang maiskandalo singkit kung gusto mo isogo mo nalang 200 lang naman ey may manok kapa " sabi nya tapos natawa si gyu

"Gagsti hyung 1500 pag may manok VIP na kasi yun " sabi ni gyu

"O diba ang mahal kaya kung ako sayo mag sarili ka nalang o kaya mag dala ka ng sarili mong bf. Pag bf okay lang kasi karelasyon mo naman talaga yun pero kung kalandian lang wag mo dadalhin dito " sabi nya. WHAAAAAAAT BOYFRIEND DAW? AS IF MAG BOBOYFRIEND AKO? STRAIGHT AKO STRAIGHT MAS STRAIGHT PA SA TOTOONG STRAIGHT!

"Pwede ba hyung Hindi nga ako kagaya nyo ' sabi ko nalang sakanya.

" Ewan ko sayo, tignan mo ilang araw ka palang dito mag babago pananaw mo sa buhay , diba gyu? " sabi ni jeonghan hyung.

"Oo hyung dati din pinagpipilitan Kong lalaki ako hanggang sa nakilala ko si wonu hyung hihi " sabi nya at parang nag heart shape pa ang mata pwe!

"Wag nyo ako itulad sainyo mga bayot- " Oh hyung, gyu anong ginagawa nyo dito? "Napatigil ako sa sinasabi ko ng may pumasok na isang maliit na nilalang sa kwarto.

" Uji nandito kana pala, sya si soonyoung ang bagong roommate mo dito " sabi ni jeonghan hyung.

"Hello ako si Lee Jihoon " naka ngiting sabi nya at inilahad ang kamay saakin. Shet lalaki ba to? Bakit sobrang puti nya? Luh? Ang lambot ng kamay nya.

"huy soonyoung hyung binatawan mo na yung kamay nya " nabalik ako sa ulirat ng alugin ako ni gyu.

"Ay sorry, Soonyoung' Kwon Soonyoung nice to meet you " sabi ko at umaktong okay lang ang lahat pero Hindi talaga! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko Hindi ko alam kung bakeeeeeeet.

"So pano ba yan soonyoung parang ngayon palang di mo na mapapanindigan yung sinasabi mong straight ka kanina? " bulong sakin ni jeonghan hyung at natatawa tawa pa tsk!

"Pinag sasabi mo dyan hyung, sige na mauuna na ako kukunin ko na mga gamut ko babalik nalang ulit ako mamaya " sabi ko at nag paalam na tumango naman sila at hinatid ako pababa.

Haaaaaaaayts bakit ang kyut ni Lee Jihooon ?






-----💜💜💜------

Hi :) sa mga nakakakilala Kay inFiresSuweg ako rin yun mga beh hahaha 😹 di ko na kasi mabuksan yung account na yun kaya dito na ako huehue su4rt nyu ulit ako hihi salamat 💜💜💜

ROOMMATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon