* Kiara POV *
Taas noo akong naglalakad sa may hallway papunta sa may principal office. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan nila ako. Lalo nat may mga talsik ako ng dugo sa damit ko at yung kamay ko ay may bahid pa ng dugo dahil sa mga tarantadong lalake na sinuntok ko kanina.
Sanay na din ako sa mga ugali ng mga tao. Kunting mali mo lang, huhusgahan kana agad. Kaya sanay na ako... Sanay na sanay!
Pagkarating ko sa office ng principal. Bumungad sa akin ang galit na galit na mukha nito. Agad akong umupo sa harapan niya kahit hindi niya pa sinasabi. Sabihin ng bastos ako. Pero wala akong pakialam!
" Pinatawag kita dahil sa nangyari, Ms. Lopez. " sabi nito.
Tahimik lang ako kahit na alam ko na ang sasabihin niya.
" Nangako ka sa akin, Ms. Lopez na hindi ka gagawa ng gulo dito sa school namin. " galit nitong sabi.
" Naniwala ka naman? " nakataas ang kilay ko pagkasabi ko sa kanya.
At nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat. Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na maniwala siya sa akin? Wala diba!
" Nagsumbong kanina sa akin ang isa sa mga prof mo, Ms. Lopez. At hindi ko nagustuhan ang pagsasagot at pamimilosopo mo sa kanya. Kung sa dati mong school nagagawang mong mangloko? Dito hindi! " galit parin nitong sabi.
" Huwag kasi kayong maghire ng mga prof na tanga, Principal. Kung ang iba pinagmumukha nilang tanga? Ako hindi! " sabi ko na mas lalong ikinagalit niya.
Magsasalita pa sana siya ng tumayo ako sa harapan niya at inilapit ang mukha ko sa kanya dahilan para mapaatras siya. Masama ko siyang tinitigan, dahilan para lumunok siya ng sunod-sunod.
" Kung pinapapunta mo ako dito dahil sa nangyari kanina sa feild? Yun lang ang pag-uusapan natin. Wala ng iba. Nagkakaintindihan ba tayo? " seryuso kung sabi sa kanya.
" Wala ka talagang manners Ms. Lopez. Kabago-bago mo- "
" NAGKAKAINTINDIHAN BA TAYO!? " galit kung sigaw sa kanya.
Hihirit pa kasi. Hindi nalang pumayag? Dahan-dahan naman siyang tumango sa harapan ko.
" Good! " sabi ko sa kanya at bumalik sa pag-kakaupo.
" D-dahil nga mga estudyante ang binugbog mo kanina. At bilang parusa mo? I-isang linggo kang maglinis ng school. Pero ngayon, sa detention room muna ang punta mo. " nanginginig nitong sabi sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya na walang reaksyon ang mga mukha. Inaasahan ko naman talaga na yun ang sasabihin niya. Wala naman talaga akong pakialam kung ano ang parusang ibibigay nila sa akin.
Walang sabing-sabing tumayo ako sa harapan niya at lumabas ng office niya. Pero bago pa ako tuluyang makalabas, narinig kung nagsalita pa siya.
" Hindi kita papaalisin dito sa school, Ms. Lopez. Pero sana naman tigilan muna yung mga pinagagawa mo. Dahil hindi naman yan makakatulong sa problema mo. " sabi nito sa akin. At dama ko yung kaseryusuhan sa boses niya.
" Kung yan ang gusto mo? Pabibigyam kita, Principal. Pero huwag kang mag-assume ng malaki! Dahil hindi ako yung tipo ng tao na tatayo nalang habang sinasaktan ng iba. " sabi ko sa kanya at lumabas na ng office niya.
Pagkalabas ko, napataas ang kilay ko ng makita ko si Nerd sa tabi ng pintuan. Kahit na nakayuko siya, nakikilala ko siya. Siya yung babae na dinala namin ni Chris sa may clinic.
" What are you doing here? " tanong ko sa kanya.
Napaangat naman siya ng tingin at mukhang nagulat pa siya ng makita ako.
" K-Kiara. " nauutal nitong sabi sa pangalan ko.
Umayos naman siya ng tayo at humarap sa akin.
" Bakit ka nandito? " ulit kung tanong sa kanya.
" K-kasi, h-hinihintay kita. " sabi nito.
Talaga bang nauutal ito sa tuwing magsasalita siya? O sadyang kinakabahan lang siya? At bakit niya naman ako hihintayin? Wala naman akong sinabi sa kanya na hihintayin niya ako ha.
Tiningnan ko lang siya para magpatuloy siyang magsalita.
" N-nabalitaan ko kasi yung nangyari kanina. N-nag-alala lang ako sayo. " kinakabahan nitong sabi sa akin.
Nag-alala? Kaibigan ko ba siya para mag-alala sa akin. At may nangyari bang masama sa akin para mag-alala siya? Wala diba!
" D-dinalhan rin kita ng damit, kasi nakita ko kanina na may mga dugo ang damit mo. " pagpatuloy pa nito.
" I dont need your help. " diin at malamig kung sabi dahilan para mapaatras at matakot siya.
Tinalikuran ko na siya at iniwan siya doon na may takot sa mukha. Pero hindi pa man ako nakakalayo ng marinig ko siya nagsalita.
" P-pero, Kiara. Nag-alala lang- "
" Hindi kaba nakakaintindi na hindi ko kailangan ang tulong mo? At mas lalong hindi ko kailangan ang mga damit mo. At wala akong pakialam kung nag-alala ka sa akin. Kaya pwede ba! Lumayo-layo ka sa akin dahil hindi tayo close! " galit kung sigaw sa kanya.
Nakita ko sa mukha niya na nabigla siya sa pagsigaw ko sa kanya. Nakikita ko rin sa mukha niya na natatakot siya at napapansin ko rin yung panginginig ng katawan niya. Lalo na yung mata niya na parang iiyak na. Pero bakit? Bakit parang nakaramdam ako ng guilt sa ginawa ko sa kanya. Alam kung nagmamagandang loob lang siya sa akin. Pero hindi ko naman kailangan yun eh. At wala akong sinabing gawin niya yun sa akin. Kung iniisip niya lang na gusto niyang makabawi sa pagtulong namin sa kanya ni Chris nong isang araw. Hindi ko kailangan yun! Hindi ako naghihingi ng kapalit.
Gusto kung maging masama sa paningin nila. Gusto kung magalit sila sa akin. At gusto kung layuan ako ng mga tao. Pero bakit itong nerdy na toh? Na mahina, walang kayang gawin kundi magbasa at mag-aral lang! Ay laging sumusunod sa akin? At hindi ko rin maintindihan kung bakit nakakaramdam ako ng awa sa isang toh. Para bang ayaw ko siyang makitang malungkot at nasasaktan. Parang gusto ko lagi lang siya nakangiti at masaya?
Dahil ba, katulad niya rin ako noon? Dahil ba hindi naman talaga ako masama? O dahil, nakikita ko ang sarili ko sa kanya noon?
Napabuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata, saka dumilat ulit at tumingin kay Nerd.
" Fine! I take that. " sabi ko saka kinuha sa kamay niya yung paper bag na hawak niya.
Bigla naman nawala ang lungkot at takot sa mukha niya at napalitan ito ng saya. Nakangiti pa siyang nakatingin sa akin.
Sa totoo lang, maganda naman talaga siya eh. Kahit na nakasalamin pa siya.
" Hihiramin ko lang tong damit mo. Pero huwag kang mag-isip na close na tayo. " sabi ko sa kanya, saka tumalikod. At narinig ko nagsalita pa siya ulit.
" Hayaan mo. Hindi ako titigil sa pagsusunod at pangungulit sayo, hanggang sa maging kaibigan tayong dalawa. " rinig kung sigaw nito.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na sa paglakad. Wala akong pakialam kung ano man ang gagawin niya? Dahil hindi ako intiresado.
BINABASA MO ANG
The Life of a Cold Princess
ActionAng gusto ko lang naman ay makaramdam ng pagmamahal. Pero bakit hindi yun maibigay-bigay sa akin? Bakit pa ako binuhay sa mundong ito na kahit yung nanay ko ay hindi ako magawang mahalin! Bakit kailangan pang mawala yung kaisa-isang taong nagparamda...