* Kiara POV *
Nandito kami ngayon sa bahay namin nina Nick at kasama ko si Peterson na kanina pa nag-iingay dito.
" Bakit hindi ko alam nasa iisang bahay lang pala kayo nakatira? At worst, ikaw lang ang nag-iisang babae dito! At kasama mo pa silang apat na nakatira dito? " ireta nitong sabi
" Wala naman problema doon, Kiel. Simula palang nong bata kami ay talagang magkakasama na kaming tumira dito. " sabi naman ni Kyle sa kanya.
Masama naman siyang tumingin kay Kyle dahilan para tumahimik ito. Sa totoo lang nakakatakot yung tingin niya ngayon. At talagang nararamdaman ko yung masamang aura niya... At hindi ko alam kung bakit?
" Wala ba kayong mga bahay at talagang dito niyo pang isipang tumira sa bahay ni Mae? "
Agad akong napatingin sa kanya ng muli niyang banggitin ang second name ko. Kahit sina Nick ay nagulat din.
" What? May mali ba akong sinabi? " nagtataka pero galit nitong tanong sa akin.
" D-dont mention that name. " sabi ko sabay iwas sa kanya.
Para kasing matutunaw ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin?
" And why? May mali bang tawagin kitang Mae? O baka gusto mong tawaging kitang Mrs. Peterson. "
Kahit hindi ako nakatingin sa kanya? Alam kung nakangisi siya ngayon.
Bigla akong napahawak sa dibdib ko ng tumibok ito ng mabilis. Para bang may mga kabayong nagkakarera dito ng banggitin niya ang Mrs. Peterson. Hindi ko alam pero iba ang naging dating non sa akin. Naramdaman ko din na parang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Napatingin ako kina Nick na nagtatakang nakatingin sa akin. Yung mga tingin nila. Alam kung nagtataka sila ngayon dahil sa reaksyon na nakikita nila sa mukha ko na kahit ako ay hindi ko alam.
At nagpapasalamat nalang ako ng dumating ang kanina ko pang hinihintay.. bago pa magkaroon ng tensyon dito sa loob ng bahay.
" Your late. " sabi ko sa kanya.
" Sorry Ms. " sabi nito sa akin.
Napatingin ako kina Nick na pabalik-balik ang tingin sa akin at kay Alfred na nakatayo sa harapan namin.
" Who is he? " nagtatakang tanong sa akin ni Peterson.
Tumayo ako at tumabi kay Alfred na kanina pa nakatayo, habang nakatingin sa amin.
" By the way guys. This is Alfred. Kaibigan ko. " sabi ko sa kanila.
Ngumiti naman sa kanila si Alfred at isa-isa na silang nagpapakilala. Maliban nalang kay Peterson na masama ang tingin kay Alfred na akala mo gusto niya itong patayin?
" Siya ba yung sinasabi mo sa amin, Kiara? " tanong sa akin ni Nick na ikinatango ko lang.
Kilala lang nila sa pangalan si Alfred at nitong nakaraang araw ko lang sinabi sa kanila nong pinaayos ko sa kanila ang mga kailangan ni Alfred sa pagpasok nito sa school... Pati narin ang dahilan kung bakit ko pinapunta dito si Alfred ay sinabi ko rin sa kanila.
Hindi pa sila nagkikita noon.. ngayon palang. At ganun rin si Alfred sa kanila.
" And by the way, Nick. Kung okay lang sa inyo na dito muna titira si Alfred? " sabi ko sa kanila.
Sasagot na sana siya kung hindi lang inunahan nitong bwesit na kasama ko.
" Wala ba siyang bahay? At kailangan dito pa siya tumira kasama niyo? " inis nitong sabi.
" Wala namang problema doon, Kiel. At sanay narin si Kiara na kasama kami sa iisang bahay. " sabi ni Tyler sa kanya.
" Hindi pwede yun sa akin. Babae parin si Mae. At hindi maganda tingnan na may mga kasama siyang mga lalake sa isang bahay. " sabi pa nito..
Dahil naiinis na rin ako sa kanya kanina pa. Nakisali na ako sa usapan nila.
" Ano ba ang problema mo Peterson? Wala namang masama don, dahil matagal ko na silang kilala. At isa pa, hindi na ako nakatira dito! Baka nakalimutan mo na sa mansyon niyo ako nakatira ngayon? " inis kung sabi sa kanya.
Natahimik naman ito at parang nakuha niya naman ang sinabi ko. Parang nag-iisip pa ito sa sinabi ko. Maya-maya, parang bigla akong kinalibutan ng nakangisi itong tumingin sa akin.
Bakit parang bigla akong kinabahan sa lalakeng toh? At parang may pakiramdam ako na hindi ko gusto kung ano man ang iniisip niya ngayon?
" EHEM! Parang may nagpaparamdam dito ha. " sabi ni Clay.
Tumingin naman sa kanya si Peterson na nakangisi. Habang ako ay nagtatakang nakatingin lang sa kanila.
" Ano na, Nick. Payag ba kayong dito muna tumira si Alfred? " tanong ko ulit sa kanya.
" Okay lang sa amin, Kiara. May bakante pa namang isang kwarto dito. " sabi nito.
" Kaibigan mo siya, Kiara. Kaya dapat lang na kaibiganin din namin siya. " nakangiting sabi ni Kyle.
Napatango nalang ako sa sinabi nila. Hindi naman sila mabibigo sa pagpayag nila sa pagtira dito kay Alfred. Dahil mabait naman si Alfred at sanay na ito sa gawaing bahay.
" Okay ka lang ba dito, Alfred? " tanong ko sa kanya.
" Okay na okay Ms. Mukhang hindi na rin ako mahihirapan sa pinapagawa mo sa akin. " nakangiting sabi nito sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi parin siya nagbabago. Lagi parin siyang nakangiti.
" Siguro tapos na kayong mag-usap.. baka pwede na kaming umuwi? " masungit na sabi ni Peterson.
" Wait! Gusto ko mung makausap si Kiara. " nagtataka naman akong tumingin kay Nick.
Kahit nagtataka man. Sumunod nalang ako sa kanya papasok sa loob ng kusina para doon mag-usap.
" What is it, Nick? " agad kung tanong sa kanya.
" May magaganap na party sa susunod na linggo. At lahat ng kinikilalang tao ay pupunta don. Lalong-lalo sa pinakatamaas na tungkulin dito sa bansa. Kaya malamang nandon din si Evilton. " sabi nito.
Bigla akong sumeryo dahil sa sinabi niya.
" Saan mo ito nalaman? " seryusong tanong ko sa kanya.
" Sa isa sa mga source ko. Nasabi niya rin sa akin na dadalo din don sina Mr. and Mrs. Lopez. At maaring magkita sila doon. "
Kapag nagkataong mangyari yun? Baka may gagawin na namang masama sa kanila si Evilton. Pero kapag pumunta ako? Hindi magkakaila na magkita kaming muli.
" Pupunta kaba? " tanong sa akin ni Nick.
Matagal bago ako tumango sa kanya. Wala na akong pakialam kung magkita kami ni Mrs. Lopez. Ang importante ngayon sa akin ay si Evilton. Kailangan ko siyang makaharap para matukoy ko kung saan niya tinatago ang Kuya ko.
Panahon na siguro para magkita kaming muli ni Mrs. Lopez.
" Lets go. "
Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Peterson palabas ko ng kusina, saka niya ako kiladkad papalabas ng bahay.
Bastos talaga ang lalakeng toh. Hindi tuloy ako nakapagpaalam sa kanila.
BINABASA MO ANG
The Life of a Cold Princess
ActionAng gusto ko lang naman ay makaramdam ng pagmamahal. Pero bakit hindi yun maibigay-bigay sa akin? Bakit pa ako binuhay sa mundong ito na kahit yung nanay ko ay hindi ako magawang mahalin! Bakit kailangan pang mawala yung kaisa-isang taong nagparamda...