Chapter 40

6.7K 172 2
                                    

Isang linggo! Isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon, hindi parin nagpapakita sa amin si Mae. Maging sa mga kaibigan niya.. kina daddy at kay Drake ay hindi rin siya nagpaparamdam. Nababalitaan lang namin na nakikipaglaban siya sa mga Street figthers. Pero kapag pumupunta kami sa lugar kung saan siya nakikipaglaban? Ay hindi na namin siya naabutan. Ang naaabutan nalang namin doon ay yung mga taong pinapatay niya.. na siyang alagad ni Evilton.

Nagsimula narin kaming naghanap sa pinagtataguan ni Evilton kina Trexie.. kahit wala pa si Mae. Dahil si Daddy na mismo ang nagbigay ng utos sa amin na maghanap. At nong malaman ni Daddy kung ano ang naging kapalit ni Evilton para pakawalan ang dalawang anak ni Mrs. Lopez? Nagalit talaga siya ng sobra kay Evilton. Dahil ayaw niyang mawala si Mae na tinuring niya na ring parang anak niya.

"Hindi din ba nagpapakita sayo si Kiara, Drake? " rinig kung tanong sa kanya ni Marvin.

" Hindi. Nag-alala na nga ako sa kanya. Dahil baka sumuko na yun kay Eviton. " sabi nito.

" Imposible! Imposibleng mangyari yun. Hanggat hindi nakakasigurado si Kiara na ligtas ang nakapaligid sa kanya? Hindi siya susuko. "  seryusong sabi ni Chris.

Marahil nga ay kilala na nila si Mae, at alam nila kung ano ang tumatakbo sa isip nito. At kaya siguro hindi sila masyadong nag-alala na hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik.

Pero ako itong asawa niya at matagal ng kaming nagsasama sa iisang bahay? Ni kahit isa hindi ko man lang alam kung ano ang nasa isip niya at hindi ko man lang alam kung ano ang ginagawa nito kapag late na siyang umuwi ng bahay... Parang wala akong kwentang asawa sa kanya. Dahil hindi ko man lang ito matulongan kapag kailangan niya ng tulong. Nangako pa naman akong protektahan ko siya. Pero hindi ko yun nagawa sa kanya.

" Kiel! Bumalik na siya. " sigaw nong isang student na inutusan namin na ipaalam sa amin kapag bumalik siya.

Nagkatinginan naman kaming apat at  sabay-sabay na tumayo sa upuan namin saka pinuntahan kung nasaan ang babaeng yun. Nakarating kami sa may harap ng building at bumungad sa amin ang mga estudyanteng nagkukumpulan. Nakisiksik kami para malaman kung ano ang nangyayari sa gitna. At nagulat kami ng makita namin si Mae na nakikipaglaban sa apat na lalake na nasa harapan niya na halatang bugbog sarado nah.

" Kakarating niya lang may gulo na agad? " sabi ni Marko.

" Kailangan mo na yata siyang pigilan, Kiel. Dahil kulang nalang patayin niya yung apat. "  sabi naman ni Drake sa akin.

Hindi niya na kailangan pang sabihin dahil gagawin ko talaga yun. Pumunta ako sa gitna at pinigilan yung kamay ni Mae na papasuntok doon sa lalakeng kaharap niya.

" Ezekiel. "  sabi nito ng mapatingin sa akin.

Tulad parin ng dati. Ang sarap parin pakinggan kapag siya mismo ang tumawag sa totoong pangalan ko. Naalala ko pa nong unang beses na tinawag niya ako sa pangalan ko. At yun din ang unang beses na may nangyari sa akin.

Napangiti ako ng maalala ko na ako yung nakauna sa kanya. Hindi ako nagsisi na may nangyari sa amin dahil ginusto ko yun. At alam ko din na ginusto niya rin yun.

" What kind of smile is that? "  kunot noo nitong tanong sa akin.

Ngumisi lang ako sa kanya saka siya hinila para ilayo sa lugar yun. Sa may rooftop ko siya dinala para narin makapag-usap kami ng maayos.

" Bakit ngayon ka lang nagpakita, Mae? Alam mo bang maraming taong nag-alala sayo, dahil sa bigla mong pagkawala? " sabi ko.

Hindi ako galit. Naiinis lang ako dahil sa ginawa niya.

" Ikaw.. nag-alala ka rin ba sa akin? "

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Saan ba nanggaling ang babaeng toh at parang nag-iba ang pag-iisip nito?

" Of course! Natural lang na mag-alala ako sayo, Mae. Dahil asawa mo ako! "  sabi ko.

Kung dati wala kang makikitang emosyon sa mga mata niya. Ngayon ay meron nah. Emosyon na ayaw kung makita sa kanya.

Sakit at lungkot.

Yan ang dalawang emosyon na makikita ko sa kanya. At hindi ko alam kung bakit nakikita kung nasasaktan siya.

" Iisipin ko nalang na totoo yang sinabi mo. "  sabi nito at umalis na sa harapan ko.

Naiwan naman akong naguguluhan dahil sa sinabi niya. Ano ba ang mali sa sinabi ko? Sinabi ko lang naman na nag-alala ako sa kanya dahil asawa ko siya! May mali ba doon?

* Kiara POV *

" Mae "

Napatingin ako sa taong tumawag sa akin pagkalabas ko ng rooftoop. At doon nakita ko si Kuya Sef na mukhang hinihintay talaga ako. Nang mapalapit ako sa kanya, nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin. Napangiti nalang ako ng maramdaman kung talagang nag-alala siya sa akin.

" I'm glad your safe. Hindi mo lang alam na pinag-alala mo ako ng sobra... Akala ko mawawala kana rin sa akin? " sabi nito.

Napangiti nalang ako dahil sa reaction na pinapakita niya sa akin ngayon.

" Amusement park tayo, Kuya Sef. " nakangiting sabi ko sa kanya.

Mukhang nakuha niya naman ang gusto ko.. dahil siya na yung humila sa akin papaalis sa lugar na yun.

Kahit ngayon lang gusto kung ipakita kay Kuya Sef yung dating ako. Yung dating Kiara Mae na kilala niya noon. Yung masiyahin at laging nakangiti? Yung batang Mae na walang inalalang problema. Kahit ngayong araw lang.

Tulad ng sabi ko kay Kuya. Pumunta nga kami ng amusement park. Kumuha kaagad kami ng ticket para makasakay kami sa ibat-ibang rides. Ang saya nga eh, lalo na yung nasa roller coaster kami? Ang rami ko talagang tawa non. Dahil si kuya Sef, parang babae kung tumili. At isa pa yung nasa Horror house kami, sa halip na sumigaw kami sa takot? Pinagsusuntok namin yung gumaganap na multo sa sikmura o di  kaya sa sikmura, sabay takbo at tumawa ng malakas.

Lahat ng rides at booth ay talagang sinubukan namin. Wala talaga kaming pinalagpas kahit isa sa kanila.  Nagpakuha narin kami ng litrato ni Kuya. Matagal-tagal na panahon din kasi kaming walang bagong picture.

Nang makaramdam kami ng pagod, saka lang kami nagpahinga at kumain.

" Mae. "

" Yes! Kuya Seph. "   nakangiti kung sabi.

" Sana makita ko ulit sa susunod na araw ang magaganda mong ngiti. " sabi nito.

Ngumiti lang ako sa kanya at inubos yung pagkain ko.

Sana nga... Sana nga may susunod pa.

The Life of a Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon