Dumeritso na ako sa bahay nila Boss. Dahil baka hindi ko na naman siya maabutan don kapag tinagalan ko pa ang pagpunta sa bahay nila. At isa pa gusto ko na talaga siyang makausap.
Pagdating ko sa bahay nila. Agad akong pumasok sa loob ng bahay nila pagkapark ko ng motor ko. At mukhang inaasahan talaga nila ang pagdating ko.
" Oh! Hi Kiara. Dumating kana pala. " nakangiting sabi ni Tita pagkakita niya sa akin.
" Good evening po, Tita. Si Boss po nasaan? " magalang kung tanong sa kanya.
Mabait talaga ako sa mga taong malalapit sa akin at nagpakita ng magandang loob sa akin. Pero ibang tao na hindi ko kilala? Nagiging masama ako.
" Nasa office niya. Kanina ka pa hinihintay non. " nakangiti nitong sabi sa akin.
Kung sana katulad niya lang ang mama ko? Edi sana masaya ako ngayon. At baka hindi ako naging ganito?
Nagpaalam na ako kay Tita. At saka pumunta sa office ni Boss. Pagkapapasok ko sa loob ng opisina niya? Agad akong napaiwas ng may matalim na bagay na papunta sa deriksyon ko.
" Gandang pagbungad, ha! " sabi ko sa kanya saka kinuha yung small knife na nakatusok sa pinto na syang itinapon niya sa akin.
" Wala ka paring kupas. " nakangiti nitong sabi sa akin. " Please sit down. " dagdag pa nito.
Umupo naman ako sa harap ng desk niya, saka inilapag yung small knife sa ibabaw ng mesa niya.
" Nabalitaan ko yung nangyari sa bar kanina. " sabi nito.
Lahat naman nangyayari alam niya. Kaya hindi na ako nagulat na pati yun ay alam niya.
" I dont need to say sorry? Ginawa ko lang yung trabaho ko, Boss. " sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang ito na parang walang pakialam sa nangyari sa bar?
Napatingin ako sa mukha niya. Hindi mo talaga aakalain na isa syang Boss ng mafia. Wala kasi sa mukha ang pagiging maotoridad niya at yung aura niya na hindi naman katakot-takot.
Nawala ang ngiti nito sa mukha saka bigla sumeryuso.
" I know... you know who I am. " sabi nito.
" Yeah! Pero parang hindi ako lubusang naniniwala na isa ka talagang mafia. Dahil hindi halata sa mukha mo. " sabi ko sa kanya.
Ngumiti lang ito sa akin. Totoo naman kasi ang sinabi ko. Sobrang inosente kasi ng mukha ni Boss. At wala sa mukha niya ang pagiging masama. Hindi ko din alam na kilala pala ito sa buong bansa. Ang alam ko lang ay ang pagiging mayaman nito. At hindi ko alam na leader pala ito ng isang mafia.
" So! Ano ang kailangan mo sa akin? " tanong nito.
" I need your help. " seryusong sabi ko sa kanya.
Sumalin ito ng wine sa basong hawak niya, saka tumingin ulit sa akin.
" Alam mong may kapalit ang hinihingi mong tulong sa akin. " nakangisi nitong sabi.
" Lahat naman may kapalit! " inis kung sabi sa kanya.
Tumawa lang ito sa akin na ikinasama ng tingin ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Life of a Cold Princess
AksiAng gusto ko lang naman ay makaramdam ng pagmamahal. Pero bakit hindi yun maibigay-bigay sa akin? Bakit pa ako binuhay sa mundong ito na kahit yung nanay ko ay hindi ako magawang mahalin! Bakit kailangan pang mawala yung kaisa-isang taong nagparamda...