Chapter 11

7.1K 166 0
                                    

Umalis na ako matapos akong magpark. At naglakad papunta sa room. Pagkapasok ko sa loob ng room, napakunot naman ang noo ko ng makitang nagkagulo ang lahat? Lalo na yung mga babae na todo paganda. Kulang nalang maging clown sila dahil sa kapal ng make-up nila.

Umupo nalang ako sa upuan ko at hindi pinansin ang mga ginagawa nila.

" Excited na akong makita siya. "

" Me too! Sabi nila lalo daw siyang gumwapo. " kinikilig na sabi nila.

Kung ano-ano pang usapan ang naririnig ko sa kanila. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nila. At wala akong pakialam doon!

Inilagay ko yung headset sa tenga ko saka nagpamusic. Kanina pa ako naiireta sa boses nila. Sumasakit talaga ang ulo kapag naiingayan ako. Lalo na kapag walang kwentang bagay ang pinag-uusapan nila.

Sumandal ako sa upuan at inilagay ang dalawang kamay sa likuran ng ulo ko. Ipinatong ko yung dalawang paa ko sa upuan na nasa unahan ko dahil wala namang may nakaupo doon saka ko ipinikit ang mga mata ko. Hindi pa naman dumadating yung prof namin kaya iidlip muna ako saglit.

Makakatulog na sana ako ng may biglang umalis ng isa kung headset sa tenga ko. Iminulat ko yung mata ko at bumungad sa akin ang hindi pamilyar na mukha sa harapan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakataas ang isang kilay ko. At napapansin ko rin na ang talim ng pagkatitig niya sa akin. At ang kaninang maingay na paligid? Ngayon ay naging tahimik na at nasa amin na lahat ng tingin ng mga taong nasa loob ng room.

" Lagot talaga ang babaeng yan. Sabi ng huwag umupo dyan e... "

" Siguradong patay siya kay Ezekeil ngayon. Nakakatakot pa naman magalit ang isang yan. "

Bakit ba ang hilig nilang magbulong-bulongan na rinig ko naman! Kung pwede lang hilain ko ang dila nila at putulin toh para hindi na sila makapagsalita, kanina ko pa ginawa! Isa pa tong lalakeng nasa harapan ko. Kung makatingin akala mo may masama akong ginawa sa kanya?

Napahikab ako dahil sa tagal ng pagkatitig niya sa akin. Sana nalang sumunod nalang ako sa sinabi nina Nick. Hindi nalang sana ako pumasok.

" Kung may problema ka.. pwede bang sabihin muna? Dahil nakakaistorbo ka sa pagtulog ko. " bagot kung sabi sa kanya.

Nakita ko kung paano kumuyom yung kamao niya. Hindi ko alam kung nagagalit ba ito o naiinis? Nanginginig kasi yung katawan niya. At ang talim ng pagkakatingin niya sa akin.

" Kiara. "  napalingon naman ako kay Chris na nasa likod lang ni Drake.

Sa tono ng pananalita niya? Parang may mali sa sinabi ko? At parang nagbabanta ito sa akin?

Nakakainis na sila ha. Parang ako pa yata ang may mali ngayon?

" What! May mali ba sa sinabi ko? Wala naman diba? Kaya kung pwede ba! Kung wala namang problema? Umalis na kayo sa harapan ko. " inis kung sabi sa kanila.

At mas lalong uminit ang ulo ko ng marinig ko naman ang mga bulong-bulongan nila.

" Hala! Grabe sya! Hindi man lang siya natakot sa kanila? "

" Ang lakas ng loob magsalita. "

" Siguradong patay na siya ngayon. "

Napahilot ako sa sisintibo ko at tiningnan ng masama yung mga chismosa.

" Pwede ba tumahimik kayo!? Kung magbubulongan lang kayo, pwede ba yung hindi ko naririnig? Nakakasakit sa tenga yung boses niyo! " galit kung sigaw sa kanila.

The Life of a Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon