Chapter 29

6.9K 173 1
                                    

* Kiara POV *

Tumayo na ako matapos kung mag-almusal, at saka lumabas na ng bahay. Hindi ko kailangan hintayin si Peterson, dahil hindi naman kailangan na sabay kaming pumasok sa school. At may kanya-kanya kaming sasakyan na ginagamit sa pagpasok.

Pagkarating ko may garahe. Halos mapamura ako ng makita ko kung ano ang kalagayan ng motor ko.

" May problema ba? "

Napatingin naman ako sa likuran ko. At parang gusto ko siyang sugurin ng suntok ng makita ko ang laki ng ngiti niya, habang nakatingin sa akin.

" Anong ginawa mo sa motor ko? " diin kung tanong sa kanya.

Nakangiti naman siyang lumapit sa akin saka ako inakbayan.

" Naisip ko kasi na mag-asawa naman tayong dalawa.. Why not.. na iisang sasakyan nalang ang gagamitin natin? " sabi nito.

" What? " nagtataka kung tanong sa kanya.

Inalis ko yung pagkakaakbay niya sa akin at tinulak siya papalayo. Pero ang gago, talagang ngumingiti pa.

" Alam mo! Alam na ng lahat na mag-asawa tayo ngayon. Kaya dapat lang na magkasama tayong dalawa. " nakangisi nitong sabi.

Pinaglalaruan ba ako nito?

" In your dreams. " inis kung sabi sa kanya, dahilan para tumawa siya ng malakas.

Dahil sa inis ko sa kanya, itinapon ko yung dagger ko na lagi kung dala na mabilis niya namang nasalo.

" Ayaw mo? Sige ka.. baka isipin ni Evilton na nagpapanggap lang tayong dalawa? At kapag nangyari yun, baka hindi na yun magpakita sayo. At hindi muna makikita ang kuya mo? " nakangiti nitong sabi sa akin.

Nangbablackmail na toh? Pumasok naman siya sa loob ng kotse niya, pero hindi pa siya umaalis.

Bwesit! Kung hindi ko lang talaga kailangan ang lalakeng toh? At kung hindi lang ito anak ni Boss? Talagang papatayin ko ito.

Inis akong pumasok sa loob ng kotse niya. At ang gago ang laki ng ngiti pagkapasok ko.

" Galit ka na nyan? " nakangisi nitong sabi.

" Shut-up. Will you? "  inis kung sabi.

Tumawa lang ito ng malakas na mas lalong kinainis ko, bago nagfocus sa pagdadrive. Pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan, hanggang sa makarating kami sa school.

" Stay here. " sabi nito.

Aangal pa sana ako ng mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Napatingin nalang ako sa kanya ng umikot siya para pagbuksan ako ng pinto.

" Shall we go? " nakangiti nitong sabi. At nakalahad pa yung kamay niya sa harapan ko.

" Bwesit! " inis kung sabi saka lumabas ng sasakyan na hindi tinatanggap yung kamay niya.

Nauna na akong lumakad sa kanya. Pero nagulat nalang ako ng hawakan nito ang kamay ko.

" W-what are you doing? " nagtataka kung tanong sa kanya.

" Ang lambot ng kamay mo. " sabi nito na hindi pinansin ang tanong ko.

Pinilit ko itong hilain. Pero ang gago, wala yatang balak na pakawalan ang kamay ko?

Hinahayaan ko nalang siya na hawakan ang kamay ko dahil mukhang nag-eenjoy naman ang gago niya. Hindi pa man ako nakakarating sa room namin ng marinig ko yung usap-usapan ng mga estudyante na mas lalong nagpapainit ng ulo ko.

The Life of a Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon