Chapter 52

6.6K 148 0
                                    

* Authors POV *

Talagang nagulat si Kiara ng makita niya ngayon sina Ezekiel na nasa harapan nila ngayon. Masaya siyang makita siyang dumating sila para iligtas sila. Pero ang pinagtataka niya, kung paano nalaman ng mga ito kung saan nagtatago si Evilton. Dahil siya lang at si Alfred ang nakakaalam sa lugar na toh. At ni kahit isa sa mga kaibigan niya ay wala siyang sinabihan. Dahil plano niya talagang  tapusin mag-isa ang laban na toh.

Ang kaninang gulat na mukha ni Kiara ay napalitang ng isang mapaklang ngiti ng makita niya si Ezekiel na nakatingin kay Trexie. At kita mo talaga sa mukha nito ang takot at pag-alala para sa taong mahal nito. Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Kiara ng una nitong nilapitan si Trexie at nagmamadaling inalis yung mga nakatali sa kamay at sa paa nito. Ni hindi man lang siyang binalingan ng tingin ni Ezekiel, kahit saglit lang.

Masakit man, pero kailangan niyang tanggapin na wala talaga siyang halaga kay Ezekiel. At yung mga pinapakita nito sa resort.. alam niyang panandalian lang yun. At kahit papaano naging masaya na siya, kahit saglit lang. Kailangan niya lang talaga tanggapin na walang may magmamahal sa kanya bilang isang babae. Dahil kahit sarili niyang ina ay hindi siya magawang mahalin.

" Kailanga na nating lumabas dito, Heaven. " doon lang siya nakabalik sa sarili ng marinig niya ang boses ni Nick. At naalis na din nito ang mga kadenang nakakabit sa kanya.

Bago pa man siya makasagot ay may bumaril na sa kanila, dahilan para mabilis silang makatago sa likod ng malalaking bakal malapit sa kanila.

Inilapag muna ni Ezekiel si Trexie at nakikipagpalitan na din ng putok katulad ni Nick. Habang si Kiara ay itinali muna ang buhok niya, dahil humaharang ito sa mukha niya. Saka nito kinuha ang baril na nasa ligod ni Nick at sumali na rin siya sa pagbaril ng mga kalaban niya, na parang hindi ubos-ubos.

" Paano niyo nalaman ang lugar na toh? " tanong ni Kiara kina Nick habang nakikipagpalitan ng putok sa mga kalaban.

" Sa relo mo. "  sagot ni Nick na ikinataka niya.

Nong time kasi na may pinagawa si Kiara sa mga kasama niya. Siya rin ang nag-utos kina Kyle at Clay na lagyan ng bawat bomba ang company ni Evilton. Habang si Tyler naman ang nagkoconnect at naglagay ng parang remote control sa relo ni Kiara. At si Mandy naman ang nagpalagay ng tracking device sa relo nito ng hindi nalalaman. Malakas kasi ang hinala ni Mandy noon na alam na ni Kiara kung saan nagtatago si Evilton. At wala itong balak na sabihin sa kanila. Kaya nong time na pinindot ni Trexie ang button nito sa relo ni Kiara. Doon lang nila nalaman kung saan ito. Gagana lang kasi ang traking device, kung pipindutin yung button. Kaya agad na kumilos sina Mandy para tulongan sila.

" How? " nagtataka niya paring tanong kay Nick.

" Ayaw kasi namin na mawala ka? Kaya ayun, pinalagyan ni Mandy ng tracking device ang relo mo. " sabi nito sa kanya na hindi naman siya tinitingnan dahil patuloy parin silang nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Evilton.

Napailing nalang siya sa kalukuhan ng kaibigan niya. Talagang wala siyang kawala dito.

" Nasaan ang iba? "  tanong niya.

" Nandon sa labas nakikipaglaban din. At hinihintay tayong makalabas dito para makaalis nah. "  sabi ni Nick sa kanya.

Napatingin siya sa kabilang side. Bigla siyang nakaramdam ng awa para kay Trexie dahil sa kalagayan nito. Nakikita niya din ito na kanina pa umiiyak dahil sa nangyayari. At alam niya din na kailangan na itong madala sa hospital dahilan para magamot ang sugat nito at para magpakapagpahinga narin. Kanina niya pa din kasi napapansin na nanghihina na din ito.

Napatingin siya kay Ezekiel na kanina pa nakikipagbarilan at napansin niya din na kanina pa ito nagmumura. Kita niya rin kung paano nito pinuprotektahan si Trexie sa mga putok ng baril. Nasasaktan man, pero kailangan niyang tanggapin ang nangyayari.

" Umalis na kayo. " mabilis na utos niya dahilan para mapatingin sa kanya ang dalawa.

Agad naman silang nagpayuko ng may bumaril na naman sa kanila.

" Are you crazy? Walang maiiwan dito sa loob. "  galit na sabi ni Ezekiel.

" Oo nga, Heaven. Hindi ka pwe- "

" Ikacover ko kayo palabas dito. Kapag hindi kayo sumunod sa akin? Ako mismo ang tatapos sa inyo. "

Bigla naman nanigas ang dalawa sa biglang pag-iba ng boses nito. Kahit si Trexie ay nakaramdam din ng takot ng marinig nito ang boses ni Kiara. Narinig niya itong klasesng tono ng boses ni Kiara, pero hanggang ngayon ay natatakot pa din siya. Kahit sina Nick at Ezekiel naman at nakaramdam din ng takot, dahil akala nila ay hindi na gagamitin ni Kiara yung boses niya na siguradong matatakbo ka sa takot. Boses na kahit kailan ay ayaw nilang marinig mula kay Kiara.

Bago pa man makareact ang dalawa sa pagkagulat. Umalis na si Kiara sa  pinagtataguan nila at agad na binaril ang mga nagbabaril sa kanila.

Napamura nalang si Ezekiel sa ginawa nito. Pero saglit siyang natigilan na ngayon lang napansin ang mga sugat nito sa katawan. Hindi niya ito napansin kanina, dahil nakatuon ang pansin niya kay Trexie kanina. Lalo na nong bigla silang pinagbabaril kanina. Hindi niya man lang ito binalingan ng tingin si Kiara. Gusto niya itong sundan at hilain papalabas sa lugar at dalhin sa hospital para magamot ang mga sugat nito.

Nagagalit siya! Nagagalit siya hindi para kay Kiara. Nagagalit siya para sa sarili niya.

Kung sana binantayan niya si Kiara ng gabing yun. Wala sana siya dito. Kung sana napaaga ang dating nila, hindi sana masasaktan ngayon si Kiara. Nagagalit siya sa sarili niya, dahil nangako siya protektahan ito. Pero hindi niya natupad ang pangakong yun. Nasasaktan siya, dahil nakikita niyang nahihirapan ngayon ang babaeng mahal niya. Nasasaktan siya dahil wala siyang magawa para tulongan ito.

" Eze, kailangan na nating umalis dito. "

Doon lang siya nakabalik sa sarili niya ng marinig niya ang boses ni Trexie.

" Balisan na natin, Kiel. Dahil pareho tayong malalagot kay Heaven kapag hindi pa tayo nakalabas dito. " sabi naman ni Nick sa kanya.

Gustohin niya man o hindi. Kailangan na nilang makaalis sa lugar na yun, dahil paparami ng paparami ang kalaban nila. Ayaw niya pa sanang iwan doon si Kiara, kaya lang nakita niya si Trexie na nahihirapan din ito at kailangan ng madala sa hospital.

Binuhat ni Ezekiel si Trexie at nagmamadaling lumabas doon, habang si Kiara ang nakikipagbarilan sa mga taong humabol sa kanila palabas ng lugar na yun.

Alam ni Ezekiel sa sarili niya na hindi niya na mahal si Trexie. Pero may pinagsamahan din sila ng babae. Kaya hindi niya ito pababayaan na masaktan at kailangan niya ito mailabas ng  maayos sa lugar na yun. Dahil bago sila makalabas ng tuluyan sa lugar na yun, nangako siya sa sarili niya na babalikan niya ang taong mahal niya, at tutuparin ang pangako na proprotektahan ito. At hindi na hayaang masaktan pa muli.

The Life of a Cold PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon