* Kiara POV *
Mabilis akong umiwas ng sinugod niya ako ng suntok. Ng hindi niya ako natamaan, galit naman siyang napatingin sa akin. At susugurin niya sana ulit ako ng suntok niya ng may biglang pumigil sa kanya.
Tsh! Akala ko tatayo lang sila dyan at panuorin na lang kami?
Alam kung kanina pa sila nandyan at kanina pa kami tinitingnan. Kaya hindi na ako nagulat ng makita ko sila harapan ko, habang hawak nila yung gagong lalake na yun.
" Pucha! Bitawan niyo ako! Papatayin ko ang babaeng yan! " galit nitong sigaw habang sobrang sama naman ang tingin sa akin.
.
" Shut-up! Kung gusto niyong magrambulan? Huwag dito! Doon kayo sa labas. " sigaw ni Ezekiel.Bawal ang gumawa ng gulo dito sa loob ng bar. At bawal din ang mangharass ng babae dito sa bar lalot nat kapag hindi niya gusto. Okay lang kung yung mga waitress dito ang binabastos niya... Dahil yun sila ay game na game sa mga kalukuhan nila. At wala yung problema sa akin. Pero kapag yung mga babaeng ang pumupunta dito na gusto lang gumimik at uminom? Ay yun ang hindi pwede. Lalo nat hindi nito nagugustuhan ang ginagawa nila.
Napatingin ako sa lalakeng hawak-hawak nina Ezekiel at Drake na talagang ang sama ng tingin sa akin na akala mo mapapatay nila ako sa mga titig nila?
Tumingin ako sa lalakeng hawak nila. At isa pa ito. Sobrang sama din ang tingin sa akin.
" Gusto mo akong patayin? Bakit hindi tayo lumabas.. at ng masubukan natin yang galing mo. " nakangisi kung sabi sa kanya.
Mukhang nakuha niya naman ang ibig kung sabihin, dahil biglang ngumisi ang gago. Malakas niya namang hinila yung kamay niya sa pagkakahawak ng dalawang lalakeng yun.. saka lumapit sa akin. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko saka sinalubong yung mga tingin niya.
" Hintayin kita sa labas. " sabi nito saka tumalikod na at lumabas na ng bar.
Susunod na sana ako sa kanya ng marinig kung magsalita si Drake naikinatigil ko.
" Talagang bang ipinanganak kang malas? Dahil sa tuwing nandyan ka, may roong napapahamak. " sabi nito na ikinasikip ng dibdib ko.
Talaga bang ganyan sila? Sa tuwing may roong gulong nangyayari.. sa akin kaagad sinisisi? Bakit? Kasalanan ko ba kung binabastos siya ng lalakeng yun? Kasalanan ko din ba kung bakit gago ang lalakeng yun? Hindi naman diba!
Talagang hanggang ngayon, ayaw niya parin sa akin..
Huminga ako ng malalim at saka tumingin sa kanya na para bang hindi naapektohan sa sinabi niya.
" And who are you Mr. Para pagsalitaan ako ng ganyan? Kilala ba kita? Sa pagkakaalam ko, wala akong nakakasalamuhang taong.. tulad mo? Kaya huwag kang magsalita ng kung ano-ano dyan, na parang kilala mo ako. " seryusong sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Life of a Cold Princess
AcciónAng gusto ko lang naman ay makaramdam ng pagmamahal. Pero bakit hindi yun maibigay-bigay sa akin? Bakit pa ako binuhay sa mundong ito na kahit yung nanay ko ay hindi ako magawang mahalin! Bakit kailangan pang mawala yung kaisa-isang taong nagparamda...