Napagising ako ng makaramdam ako ng gutom. Kinuha ko yung phone ko para matingnan kung anong oras na. Pero bumungad sa akin ang 108 missed calls at 56 messages na nanggaling lahat sa mga kaibigan ko. Nong nawala ako ng isang linggo, hindi naman sila ganito ha!
Tinawagan ko yung number ni Mandy. At nakakaisang ring palang ng sinagot niya ito. Inalayo ko naman yung phone ko sa tenga ko ng marinig ko ng sumigaw siya.
" Kiara Mae! Nasaan kabang babae ka? At bakit umalis ka na naman ng walang paalam? Alam mo bang pinag-alala mo kaming lahat? "
Bakit siya pa ang sumagot? Kahit kailan talaga ang ingay ng Nerding toh. Naturingan pa namang leader.
" Tapos kana bang sumigaw? " tanong ko.
Nang walang may sumagot sa kabilang linya? Itinapat ko muli yung phone sa tenga ko.
" Nasaan ka ba talaga kasi, Kiara? Pinag-alala mo kami nina Nick. Dahil pagising namin, wala ka at hindi ka namin makita sa kabuuan ng bahay. " mahinahon namang sabi ni Clay.
Kasalanan kasi ng Peterson na yun. Bigla-bigla nalang kasi ako hinila kanina papalabas ng bahay at dinala dito. Kaya hindi tuloy ako nakapagpaalam sa kanila.
" Okay lang ako. Nagpapahinga lang muna ako ngayon. " sabi ko.
" Mabuti naman at naisipan mo ang bagay na yan. Dahil akala ko magpapakamatay kana mailigtas lang ang kuya mo? " sarcastic na sabi ni Mandy.
Narinig ko pa sa kabilang linya na sinaway siya nina Nick. Alam kung concerned lang si Mandy sa kaligtasan ko.
" Huwag munang intindihin yung sinabi ni Mandy, Kiara. Nag-alala lang siya sayo. " sabi ni Kyle.
" I'm sorry, Kiara. Mainit lang ang ulo ng asawa ko. Kahit hindi niya pinapakita sa atin? Alam kung natatakot siya na mawala ka.. ang bestfriend niya. " sabi ni Jaysen na asawa ni Mandy.
Huminga ako ng malalim, dahil ang sikip ng dibdib ko. Noon palang magkasama na kami ni Mandy... Mas matagal kaming nagkasama kaysa kay Annika.
Tinuring naming magkapatid ang isat-isa. At laging nangangako na poporotektahan ang bawat isa sa amin.. kahit ano mang mangyari. At alam kung natatakot rin siya sa maaring mangyari sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit, ganyan ang ugali niya ngayon.
" Its okay. I understand. " sabi ko.
" Nasaan kaba talaga, Kiara.. baka pwede naming malaman? " sabi ni Clay.
" Nandito ako sa resort na pagmamay-ari ni Peterson. "
" Mabuti naman at naisipan ng asawa mo na dalhin ka dyan? Akala ko magpapakamatay din ito sa paghahanap sa Trexie niya. " galit paring sabi ni Mandy.
Kung alam niya lang kung ano ang naging sagutan namin ni Ezekiel... Baka sugurin niya ito sa bahay at pagtatadtaran ng mga bala niya. Kapag nalaman niya ito.
" By the way. Yung pinapagawa ko sa inyo.. na simulan niyo na ba? " tanong ko sa kanila.
" Yeah! Inuumpisahan na namin. "
" Good! Tatawag nalang ako ulit sa inyo kapag kikilos na. " sabi ko.
Nagpaalam na ako sa kanila at pinatay yung phone ko. Sakto naman ang pagbukas ng pinto ng kwarto.
" How's you sleep? " tanong nito ng mapatingin sa akin.
" Fine. " sabi ko saka tumayo at pumunta sa may banyo para makapagligo.
Gabi na kasi at hindi pa ako nakapagpalit ng damit simula pa kanina... Matapos kung maligo, lumabas ako ng banyo na nakatapis lang na tuwalya ang buo kung katawan. Wala naman kasi akong dalang damit para doon magbihis diba? Pero lintek lang! Akala ko lumabas ulit ang gago? Pero ito siya ngayon, prenteng nakaupo sa may kama habang nakatingin sa akin?
" W-what? " hindi ko alam kung bakit nauutal ako ngayon.
Napangisi naman ito saka tumayo at lumakad papalapit sa akin. Ako naman ay napaatras dahil sa ginawa niya.
" Ang hilig mo talagang lumabas ng nakatuwalya lang noh? " sabi nito habang papalapit ng papalapit sa akin.
Ako naman ay atras lang ng atras sa ginagawa niya at hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayon?
" Ano naman sayo? " sabi ko at pilit na pinapatapang yung boses ko.
Naramdaman kung pader na yung naatrasan ko, kaya hahakbang na sana ako ng pakanan ng biglang iharang ni Ezekiel yung kamay niya sa may pader, dahilan para hindi ako makadaan at macorner niya ako... Napalayo ko naman ang mukha ko ng ilapit niya sa akin yung mukha niya.
" Hindi kaba nagtaka na parang naulit na ito nong unang may nangyari sa atin? At alam mo ba kung ano ang nasaisip ko ngayon? nakangisi nitong tanong sa akin.
" A-ano? " tanong ko sa kanya.
Nagulat ako ng idinikit niya yung ilong niya sa ilong ko dahilan para mas mapalapit pa ang mukha naming dalawa.
" Ang angkinin ka... At maulit yung nangyari noon. " sabi nito.
Bago pa man ako makareact sa sinabi niya, ay nahalikan na ako nito. Nong una ay nagpumiglas ako sa ginawa niya, dahil alam kung hindi tama na gawin namin ito. Pero sa huli, bumigay rin ako at nakisabay sa mga halik na binibigay niya sa akin.
Ramdam ko yung pagngiti niya ng sabayan ko yung halik niya, dahilan para mas lalo niya itong palalimin. Napahawak ako sa balikat niya ng hapitin niya ako sa bewang. At napasinghap ako ng bigla ako nitong buhatin pamunta sa kama, habang patuloy paring naghahalikan.
Hanggang sa pamunta yung labi niya sa leeg ko, at malakas akong napasinghap ng sipsipin niya ito. Naramdaman ko din yung kamay niya na naglalakbay sa buong kabuunan ko. Hanggang sa maalis nito ang tuwalyang nakalagay sa katawan ko at itinapon nalang ito sa kung saan.
Napamura ako ng dumapo ang kamay nito sa dibdib ko at hinihimas ito dahilan para mas lalong nagpapainit sa katawan ko.
" You're so sexy and hot, wife. " rinig kung sabi nito at hinalikan ako ulit sa labi.
Sa pangalawang pagkakataon? May nangyari na naman sa amin.
BINABASA MO ANG
The Life of a Cold Princess
ActionAng gusto ko lang naman ay makaramdam ng pagmamahal. Pero bakit hindi yun maibigay-bigay sa akin? Bakit pa ako binuhay sa mundong ito na kahit yung nanay ko ay hindi ako magawang mahalin! Bakit kailangan pang mawala yung kaisa-isang taong nagparamda...