"Mang Ester!"
Isang boses mula sa malayo ang narinig ni Mang Ester na noon ay abalang-abala sa pag papaligo ng kanyang alagang kalabaw.
"Oh,,, sir James kayo po pala teka, kailan pa po kayo dumating?"
Nakangiting bati naman ni mang Ester sa binata.
Si James ay ang nag iisang anak nina Don Joaquin at Donya Henley, na nag mamay-ari ng isang malaking hacienda na sya ring pinag tatrabahuhan ng mag asawang Mang Ester at Aling Linda, maging ang ilang kabaryo nila.
"Naku, kadarating ko lang po, dito nga po ako dumeretso sa inyo para makamusta kayo at para narin po matikman ang paborito kung biko." pabirong sabi ng binata.
"Ay, tamang tama, kaluluto lang ng aking mag ina ng biko, pumunta na po kayo sa loob Sir
James at tatapusin ko lang po ang pagpapaligo ko dito." Sabi ni Mang Ester."Mang Ester naman, wag nyo na po akong tawaging Sir... James nalang po, tutal parang pangalawang magulang ko narin po kayo ni nanay Linda" Paliwanag nito. Dahilan para mapangiti ang matanda.
"Sige na nga, oh siya pumasok kana sa loob at sigurado akong magugulat sila pag nakita ka."
"Sige po tay." At nagtungo na nga sya sa loob ng kubo.
Abalang-abala naman si Roxanne sa pag lalagay ng biko sa bilao habang kumakanta. Si Roxanne naman ang nag iisa ring anak nina Mang Ester at Aling Linda.
Dahang dahan lumapit si James sa dalaga, na kasalukuyang pakanta kanta pa.
Roxanne P. O. V
At bumalik na pala tong impaktong ito... Nakakainis ang aga aga nang iisturbo. Pero in fairness pumuti, tumangkad, at... at... sige na gumwapo na sya.
Pero nakakainis padin sya!
Grrrr...Sinalubong agad ni James si nanay, sabay yapos dito
"Sir James ikaw nga, kelan ka pa umuwi? Hindi ka manlang nagpa sabi na dadaan ka dito para naman nakapag handa kami ng makakain."
Tsskkk... Paimportante nanaman.
"Ay naku nay Linda, hindi nyo na po kailangan mag handa ng ibang pagkain dahil solve na po ako sa paborito kung biko." naka ngiting paliwanag nito.
"Oh siya kung ganon maupo kana dyan Sir James at ipaghahain kita ng masarap na biko, hehe"
Feeling sinyorito naman tong isang to!.
"Hay naku! nay Linda, wag nyo nanga po akong tawaging Sir... James nalang po."
"Oh siya James, kung yun ang gusto mo. Oh Roxanne... tutunganga ka nalang ba dyan? batiin mo naman si James, hindi mo ba siya na miss?" Pag bibiro ni nanay.
Na miss?! Kapal! Bat ko naman mamimiss yan!... Mabuti ngang dun nalang yan sa ibang bansa ehh...
"Natutulala yan kasi mas lalo akong gumuwapo ngayon."habang naka ngiting parang nakakaloko.
ABA! Ehh ang kapal naman pala talaga nito ehh gumwapo?! Lalo?! Nakakainis talaga! Totoo naman kasi...
"At sino naman may sabi sayong na gagwapuhan ako sayo! Kapal naman ng mukha nito." Sabay talikod.
"Oh siya, bago kayo magsimulang mag talo eh maghain kana muna Roxanne ng biko at ihain mo na din yang pananghalian natin, tatapusin ko lang ang ginagawa ko sa loob." Sabi ni nanay
" Ha??ako?bakit ako?" bulong ko. Nakakainis naman.
Naiwan na nga kaming dalawa ni James sa kainan.
Bigla akong natataranta dahil ngayon ko na lang nakasama tong mokong na to.
"Tagal naman ng biko ko." pabirong sabi nya pa.
"ma-mag hintay ka nga dyan,nagmamadali??" Pagalit na sabi ko
"Akala mo kung sino kung makapag madali."bulong ko sa sarili.
"anong sabi mo?"bulong nya sa tenga ko na ikinagulat ko naman!.
"Ay epppaall!!! Ano kaba naman! Ano ba kasing ginagawa mo dyan sa likod ko? Bumalik ka nga don sa upuan!!"
Nakakainis nasa likod ko pala sya! Bigla biglang sumusulpot.
Natatawa pa sya. EPAL talaga!
"Ano ba kasing binubulong bulong mo dyan?" Tanong nya.
"Wala akong binubulong! Atsaka wag ka ngang kung saan-saan sumusulpot"
Mataray na sabi ko."Hay naku....hanggang ngayon ba naman mainit parin ang ulo mo sakin,
Sinong di iinit ulo sayo! Tskk.
...pero yung totoo lalo kang gumanda."
Nakatingin sya sakin ng sabihin nya yun... teka., ano daw? Lalo akong gumaganda!?
Namula ako ng ma realize na yun nga ang sinabi nya..."...JOKE!!!! HAHAHAHA....." Tawang tawa sya ng sabihin nya yun. Nakakainis ka talaga!!!!!
"Siraulo ka!!! Bahala ka nga dyan!!"sabay alis.
"Oy...Roxanne... teka lang, ito naman hindi na mabiro."
Tsee! Hindi na ko lumingon pa sa kanya. Dumeretso ako sa kwarto ko.
James P. O. V
"Oh anong nangyare sa batang yun?" tanong ni Aling Linda.
"Hehe...biniro ko lang po, ayun napikon."
Ang cute nya kasi kapag napipikon... Namumula sya at parang umuusok ang ilong at tenga
"Hay naku pagpasensyahan mo na si Roxanne, noon pa mang maliliit pa kayo ganyan na kayong dalawa,parang mga aso't pusa." paliwanag ni Aling Linda.
"Hehe..oo nga poh e,parang walang nagbago." natatawang sabi ko...
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionMinsan sinasabi natin na di tayo maiinlove sa isang tao, kasi nga hanggang dito lang ang stage nyo, kasi nga natatakot ka na baka ma reject ka eh hanggang dito nga lang talaga yung tingin nya sayo pero ang totoo naiinlove ka na, in denial ka lang ta...