Roxanne P.O.V
Monday...
Maaga akong nagising kasi nga unang araw ng klase, at dahil na din excited ako sa unang araw sa school. Maaga ding nagising si nanay para magluto ng umagahan.
"Magandang umaga po nay😚" Bati ko kay nanay sabay halik sa pisngi nito.
"Naku mukhang excited sa unang araw ng klase ang dalaga namin ah." Biro ni nanay.
"Hehe😊... medyo po, buti nga po meron na agad akong naging kaibigan sa school, Kyla po pangalan nya, maganda at mabait siya nay." Kwento ko kay nanay.
"Ganon ba, mabuti naman kung ganon, may makakasama kana." Sabi ni nanay ng nakangiti.
Pagkatapos kong magbihis ay kumain na ako ng umagahan. At naligo.😁
James P.O.V
Tinatamad pa kong bumangon dahil napuyat ako kagabi dahil hindi agad ako nakatulog kakaisip sa nangyari kahapon.
"Sir James,. Sir James gising na po,nakahain na po ang umahan nyo." Pag gigising ng kung sino sakin.
Pagdilat ko ay nagulat ako bigla.
"Roxanne?" Gulat na sabi ko.
"Sir hindi po Roxanne ang pangalan ko." Nagtatakang sagot ng maid namin.
"Ah...ahm....sige lalabas na ako." nahihiyang sabi ko.
"Ano ba naman yan, akala ko si Roxanne ang gumigising sakin. Arrhh...ano bang nangyayare sakin." Bulong ko sa sarili.
Ang aga-aga sya na agad naiisip ko. Ano kaya kung sunduin ko nalang sya sa kanila?.
Huh?!!
Ehhh! Bahala sya sa buhay nya.
Galit ako sa kanya eh!😤
Roxanne P.O.V
Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kila nanay at tatay at nag-abang na ako ng masasakyan sa labas ng bahay namin.
Habang nakatingin ako sa dadaan ng tricycle ay nagulat ako bigla ng may bumusina ng malakas.
*Beeeeeppppp* Isang malakas na busina ang nadinig ko.
"Ay manok!!!" Gulat na sabi ko.
Isang sasakyan ang huminto sa tapat ko at kung hindi ako nagkakamali kilala ko kung kanino ito.
At... At.... Tama nga ang hinala ko. Kay Mokong ang sasakyang yun!😒
"Ano bang problema mo?!" Galit na sabi ko kay James.
"Sakay na!" Seryosong sabi nya.
"Ayoko! Kaya kung mag commute mag-isa!" Mataray na sagot ko.
"Sumakay ka na sabi, bakit ba ang tigas ng ulo mo." Nakasimangot na sabi nya.
"Ayoko nga sabi eh, ikaw ang makulit dyan." Nakasimangot na sagot ko.
"Bahala ka nga sa buhay mo! Wag mo akong sisisihin pagna late ka."
At humarurot na nga sya ng alis.😒😤
"Pakialam nya kung malate ako." Bulong ko pa.
Mukang nakiki ayun nga sa kanya ang sitwasyon, malapit ng mag time pero wala pang dumadaang tricycle, kaya napagpasyahan na akong maglakad lakad ng konte, baka sakaling may dumaan sa bandang kanto. Malayo layo na ang nalakad ko ng isang motor ang tumigil sa tapat ko. Hindi ko sya kilala dahil wala naman akong kilalang naka motor na malapot sakin.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionMinsan sinasabi natin na di tayo maiinlove sa isang tao, kasi nga hanggang dito lang ang stage nyo, kasi nga natatakot ka na baka ma reject ka eh hanggang dito nga lang talaga yung tingin nya sayo pero ang totoo naiinlove ka na, in denial ka lang ta...