Hanggang sa makaalis ako sakay ng aking kotse ay hindi na lumabas ng kwarto si Roxanne
Natatawa ako habang nag da drive
"Ang cute nya talagang magalit, pero totoo yung sinabi ko sa kanya na lalo siyang gumanda."bulong ko sa sarili,biglang napa tigil ang pag ngiti,
"Pero hindi ibig sabihin non nagkaka gusto na ako sa kanya. Hellow!! James De Ocampo hindi siya ang tipo ng babae na papasa sa standard mo noh!!" Bulong ko muli na parang kinakausap ang sarili.
Madami na ang mga naging nobya ko simula nung nag aral ako sa London, na lahat naman ay masasabi mong magaganda at galing sa mayayamang pamilya. Hindi rin naman maiiwasang may magka gusto sakin dahil mukhang nasa akin na ata lahat ng hahanapin mo sa isang lalaki.
Matangkad, katamtaman ang balat,matcho, guwapo at malakas ang sex appeal. Samantalang si Roxanne naman ay ang tipo ng babae na napakasimple lang pag dating sa sarili. Hindi siya pala ayos at basta na ang mga sinusuot na damit. Maganda rin naman siya lalo na kung mag aayos, may kataasan din, maamo ang mukha, mahaba ang buhok na kulot ng konte ang dulo, medyo may kaputian kahit na nasa bukid lang nakatira
Kinabukasan...
Habang kumakain kami ng umagahan nila mommy at daddy...
"Oh James kelan ka mag eenroll? Sa Monday na ang start ng klase nyo." Tanong ni mommy
"Ma, kailangan ko pa ba yun? Hindi po ba tayo naman ang may-ari ng eskwelahang papasukan ko." Sabay subo ko ng pagkain.
"James, hindi porket tayo ang may-ari hindi kana susunod sa mga patakaran, at saka nga pala isabay muna bukas sa pag eenroll yung anak nina Mang Ester, napagpasyahan kasi namin ng mommy mo na bigyan namin ng Scolarship si Roxanne. Masipag din naman na bata yun kaya nakakahinayang naman kung hindi siya makakapag aral." Sabi naman ni daddy...
Na nagpatigil sakin sa pagkain dahil nabulunan ako sa mga sinasabi nila. Nakakainis naman makakasama ko sya sa iisang school 😤
Bukod sa malawak na hacienda kasi ay marami ring kaming mga kompanya dito sa Pinas at maging sa ibang bansa. Isa narin sa naipatayo namin malapit sa aming lugar ay ang pribadong paaralan ng De Ocampo high school
"What??seryoso kayo dad?" Gulat na tanong ko.
"Oo bakit? may problema ba? Samahan mo siya sa school dahil hindi pa niya alam ang pasikot sikot sa paaralan at saka nakakahiya kina Mang Ester kung pababayaan mo siya. " Sagot naman ni daddy
"Dad, alam nyo naman po na hindi kame magkasundo nun, kahit noon pang mga bata kami, tapos ngayon gusto nyo pa kaming pagsamahin sa isang school?" Reklamo ko.
"James pwede ba, malalaki na kayo at hindi na kayo bata, wag mo ngang pairalin yang ka kulitan mo." Sagot naman ni mommy
Hindi na ako nakatanggi, wala naman akong magagawa dahil nahihiya rin naman ako kina Mang Ester at Aling Linda. Mula pa kasi pagkabata sila na ang nag alaga sa akin, habang nasa ibang bansa ang mga magulang ko para asikasuhin ang mga negosyo namin. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ang lagi kong kaaway mula pa nung mga bata kami ay makakasama ko sa iisang paaralan.
Ano rin kaya ang magiging reaksiyon nya pag nalamang niyang magkaka sama kami?Roxanne P. O. V
"Ano po nay??? Sa De Ocampo high school ako mag aaral?" Gulat na tanong ko, muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape.
"Oo anak. Binigyan ka kasi ng Scolarship nina Donya Henley,syempre hindi ko na tinanggihan. Diba gusto mong ipag patuloy ang pag aaral mo?" Paliwanag ni nanay habang nag luluto ng maaalmusal namin.
"Oo nga poh nay, pero di po ba mahal mag-aral don."
"Wala ka naman babayaran don anak,at tulong naman kami ng iyong nanay pag tatrabaho kayang-kaya na namin ang pang baon at pang bili ng iba mo pang mga kakailanganin." Sagot naman ni tatay.
"Oo nga pala anak, dadaanan ka raw ni James dito satin bukas para daw sa enrollment nyo." Halos masamid ako sa narinig ko.
"A....ano? Ano po?? paki ulit nga po." Nauutal na tanong ko.
"Ang sabi ng tatay mo, dadaanan ka dito bukas ni James para sabay na kayong mag enroll." Si nanay ang sumagot.
"Oh may gulay!!!kina James nga pala yun! oh hindi, hindi pwede, ayoko... ayokong makasama ang siraulong yun." Bulong ko.
" Nay sa iba nalang po ako mag aaral." Pag mamakaawa ko
Nakaka walang gana naman... Ang aga aga bad news agad yung narinig ko. Although hindi naman ganun ka bad news kasi may good news padin naman kasi nga makakapag-aral na ko ng wala pang bayad.
"Roxanne anak, malalayo ang ibang mga paaralan dito sa baryo natin at saka mas mapapalaki ang gastos natin kapag sa iba kapa papasok, doon wala na tayong babayaran malapit pa. Saka nakakahiya naman kina Don Joaquin at Donya Henley kung tatanggihan pa natin sila." Paliwanag muli ni nanay.
Wala na akong nagawa, ang inisip ko nalang, na para sa pamilya ko, kaya ako mag sisikap mag aral kahit na halos araw araw sasama ang araw ko dahil lagi kong makikita si James. 😤😤😶😫
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionMinsan sinasabi natin na di tayo maiinlove sa isang tao, kasi nga hanggang dito lang ang stage nyo, kasi nga natatakot ka na baka ma reject ka eh hanggang dito nga lang talaga yung tingin nya sayo pero ang totoo naiinlove ka na, in denial ka lang ta...