Kinabukasan
James P. O. V
Maaga akong gumising dahil ngayon na ang enrollment para sa school. At dahil na din susunduin ko pa yung babaeng yun (Roxanne)
Naka maong na short, V-neck na plain shirt black, naka rubber shoes din ako,walang babae ang hindi mapapa tingin sakin sobra gwapo ko talaga,maliban nalang ata kay Roxanne.
"Mom,alis na po ako." Paalam ko kay mommy na noon ay abala sa office nya.
"Ok,take care, si Roxanne wag mong kakalimutang daanan sa kanila ha." Paalala nito habang diretso parin sa ginagawa.
"Bahala siya." Mahinang sagot ko,pero nadinig parin ni mommy.
"What?" Muling tanong ni mommy na noon ay naka tingin na sa akin.
"Ahmmm...no, nothing. Sabi ko nga po dadaanan ko siya,gusto nyo sagasaan ko pa e," biro ko.
"James De Ocampo!" Galit na sabi ni mommy.
"Joke lang mom!kayo naman hindi na mabiro." Sabay alis.
Isinuot ko ang paborito kong salamin at sumbrero na lalo kong ikinagwapo.😅😂
"Haiz...kung hindi lang kina Mang Ester, hindi ko to gagawin." pabulong na sabi ko sabay paharurot ng sasakyan.
Medyo malapit lang naman ang mansiyon sa bahay nina Roxanne kaya maya-maya nga ay nakarating na ako sa bahay nila.
Pag hinto ay bumusina agad ako. "Oh anak andyan na si James,bilisan mo,nakakahiya namang paghintayin yung tao."sabi ni nanay Linda.
"Nay naman,makakapag hintay naman yan,kung ayaw nyang mag hintay umuna na siya. Makakapag-isa naman ako." Mataray nitong sagot.
Aba talagang may balak ka pang pag hintayin ako ahh!
"Talaga??di nga?" Nagulat si Roxanne
dahil hindi niya alam na nasa likod nya na ako, dahilan para magka untugan kaming dalawa."Arayyyy.....aaaa...ang sakit nun ah!!" Hawak ko sa noo ko! muntik nadin mabasag ang salamin kong suot.
"Arayy...ang sakit ng noo ko!! ano kaba? bakit kaba laging nang gugulat? bakit ba kasi basta kana lang sumusulpot dyan sa likuran ko? multo kaba?" galit na sabi nya.
"Ikaw na nga yang nang untog ikaw pa ang nagagalit. Muntik na tuloy mabasag tong salamin ko." Sabi ko habang pinupunasan ang salamin ko
Mukhang lalong nagalit si Roxanne sa sinabi ko.
"Talagang mas mahalaga pa yang salamin mo.!!basagin ko kaya yan. Eerrhh...kainis ka." Inis na sabi nya.
Maya-maya pumasok sa loob si Aling Linda.
"Oh ano bang nangyare?"
"Siya po kasi." Sabay naming sagot.
Habang nakaturo sa isa't isa"Haiz...sige po nay Linda mauna napo ako." at nauna na nga akong lumabas.
Roxanne P. O. V
"Ano bang nangyare dyan sa noo mo?bakit mapula?" Tanong ni nanay.
"Wala po ito, sige po nay alis napo kami, pakisabi nalang po kay tatay na umalis na kami." Paalam ko.
"Sige anak, mag iingat kayo ni James ha." Paalala ni nanay.
At naka simangot parin akong umalis hanggang sa makasakay sa sasakyan.
"Ano ba naman ang kotse ng taong to,walang bubong,hindi ba siya naiinitan." bulong ko habang papalapit sa sasakyan, sa likuran na sana ako uupo para hindi ko makatabi si James ng biglang syang nagsalita.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Ficção AdolescenteMinsan sinasabi natin na di tayo maiinlove sa isang tao, kasi nga hanggang dito lang ang stage nyo, kasi nga natatakot ka na baka ma reject ka eh hanggang dito nga lang talaga yung tingin nya sayo pero ang totoo naiinlove ka na, in denial ka lang ta...