Kinakabahan ako kung bakit kailangan pa akong kausapin ni Donya Henley at tungkol pa kay James.
"Ahm....hija, nandito ako ngayon para itanong sana kung bakit bigla nalang parang bumalik yung dati nyang ugali." Paliwanag ni Donya Henley,kita sa muka nya ang pag aalala.
"Bakit ano po ba ang dati nyang ugali?" Tanong ko dahil di ko naman na sya nakasamang lumaki. (As if naman kung gusto ko😤😑)
"Noon kasing nag-aral siya sa London may nagustuhan siyang babae, kaklase nya, pero hindi naman siya ang gusto nito, bata parin naman kasi sila, mga almost 10 years old palang sila nun. Tiffany ang pangalan nya.bumalik sila dito sa Pilipinas kaya mas lalong nalungkot si James. Gustong gusto narin nyang umuwi non dito sa Pinas, pero hindi kami pumayag, kaya ayun nagrebelde sya.Lagi kaming pinatatawag sa school dahil lagi siyang napapaaway,napabarkada siya sa may mga bisyo at napasali sa fraternity kaya nag desisyon kaming pabalikin na ulit siya dito." Pagkukwento ni Donya Henley.
"Kaya gusto ko sanang itanong sayo kung may nagugustuhan ba si James o may kilala kabang nagugustuhan nya sa campus?" Muling tanong ni Donya Henley.
"Ahm...iba't iba naman po ang nakikita kung kasama nyang babae,kaya hindi ko po alam kung sino sa kanila. Atsaka mukha naman pong may gusto din sila lahat sa anak nyo." Sagot ko.
"Kung ganon isa lang sila sa mga libangan ni James. Ahm....hija, may ipapakiusap sana ako sayo, sana tanggapin mo." Seryosong sabi ni Donya Henley.
"A--ano po yun?" Kabadong tanong ko. Dahil malamang hindi ako makakatanggi dito.
"Pwede bang kunin kita para mag bantay kay James? Tutal kababata ka naman nya at laging nakakasama sa school. Gusto kung ireport mo sakin lahat ng galaw nya, at alamin mo din kung sino ang babaing nagpabalik sa kanya sa ganitong buhay." Seryosong sabi ni Donya Henley.
Shocks! A--ano??! I maybe deaf pero hindi lang talaga mag sink in sa utak ko yung sinabi ni Donya Henley ehh.
Hindi agad ako nakasagot
"A...e kasi Donya-----" Nagaalangang sabi ko.
"Pakiusap Roxanne,ikaw nalang ang inaasahan kung makakatulong sa kanya para ayusin muli ang buhay nya. Pabalik na ulit kaming mag asawa sa London para sa negosyo namin don, kaya wala na lalong mag babantay sa kanya. Tulungan mo siya para samin. Nakikiusap ako sayo hija" pakiusap ni Donya Henley.
Wala na akong nagawa.
Tinanggap ko ang isang obligasyon kahit na alam kong mahihirapan ako dahil sa hindi naman kamj magkasundo."Sino naman kaya ang babaing nagugustuhan nya na ayaw sa kanya.eh lahat naman ng babaing nakakasama nya mukhang enjoy na enjoy pa ngang kasama siya." Bulong ko sa sarili.
Nagpaalam na nga si Donya Henley. Nangako itong sasagutin lahat ng gastusin ko sa pag-aaral at bibigyan nya din daw ako ng sahod sa pag seserbisyo ko sa mokong na yun.
"Sigurado kana ba talaga anak sa naging desisyon mo?" Seryosong tanong ni tatay.
"Naawa din naman poh ako kina Donya Henley e, mukhang kailangan na talaga nila ng tulong ko." Mahinang sagot ko.
Maagang akong natulog dahil bukas na ang start ng trabaho ko. Bukas Nadin ang alis nina Donya Henley at Don Joaquin. Nakaimpake nadin ako ng gamit dahil simula bukas ay sa mansiyon nadin daw ako titira kasama ang ibang katulong at ang mokong na yun.
Kinabukasan...
Hinatid ako nila nanay at tatay sa mansiyon.
"Nay Cora, kayo na po ang bahala sa anak namin ha, turuan nyo nalang po siya sa mga gawaing bahay," sabi ni nanay kay nanay Cora. Ang pinaka matandang mayordoma ng masiyon,mabait naman siya.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionMinsan sinasabi natin na di tayo maiinlove sa isang tao, kasi nga hanggang dito lang ang stage nyo, kasi nga natatakot ka na baka ma reject ka eh hanggang dito nga lang talaga yung tingin nya sayo pero ang totoo naiinlove ka na, in denial ka lang ta...