Chapter 7: Confession

28 1 4
                                    

Hindi nga ako nagkakamali, si Aldrin nga ang tumawag sakin.

At nilapitan nya ako.

"Hi Aldrin, andito ka pala." Naka ngiting bati ko pa sa kanya.

"Kanina pa kita pinagmamasdan. Ang ganda mo lalo sa suot mo." Naka ngiting sabi nya.

Nahiya naman akobbigla sa sinabi nya.

"Asus, nang bola pa." Bawi ko.

Inabutan nya ako ng isang baso ng juice.

"Cheers!" Maikling sabi ni Adrin,napa ngiti naman ako.

"Cheers!" Sagot ko.

Habang nakaupo naman kami ni Aldrin sa tabi ng counter, patuloy parin sa pakikipag kwentuhan sina James sa mga babaeng lumapit sa kanila.

"Ahm... Aldrin, hindi kaba naiinggit sa kanila.? " Sabi ko habang nakatingin kala James.

"Hahaha... gusto ko kasi pag nagka girlfriend ako, siya na forever." Mahinang sagot nya.

"Wow,ang swerte naman ng babaeng yun, alam nya na siya lang talaga ang mamahalin mo." Naka ngiting sagot ko.

"Oo naman, siya lang at walang iba...ikaw, ano bang katangian ang gusto mo sa lalaki?" Seryosong tanong nya rin sakin.

Lumagok muna ako ng isa bago sumagot.

"Ahm...ako? simple lang, mabait,mapagmahal, maalalahanin at higit sa lahat yung hindi mayabang." Sabay sulyap ko kay James.

"Sa tingin ko mas swerte ang magiging boy friend mo, kasi na sayo na ang lahat." Biro ko.

"Asus....nang bola ka nanaman."At sabay kaming natawa.

Maya-maya pa ay nagbago ang tugtog ng kanta, napalitan ito ng love song.

"Wow, ang ganda naman ng music." Sabi ko.

"Tara sayaw tayo." Yaya ni Aldrin.

Marami nadin ang sumasayaw sa gitna at ilan sa mga ito ay sina Michael at Tom na kasayaw ang girlfriend nila.

Habang si James naman ay kanina pang nakatingin sa amin ni Aldrin.

"Sige, kahit hindi naman ako masyadong marunong sumayaw." Nakangiting saad ko.

Nagtungo na nga sila sa gitna malapit kila Michael.

Biglang nagkatinginan ang dalawa.

"Aldrin ano ba tong ginagawa mo? Ginagalit mo ba talaga si James?" Bulong ni Michael.

Halos magusok naman si James sa galit sa nakikita niya.

Sa galit niya ay sunod-sunod niyang nainom ang alak na nasa harapan niya.

Para siyang timang na nakatingin saamin ni Aldrin habang umiinom.

Kasalukuyan akong nakatingin sa kanya ngayon. Nagseselos ba sya?❓

Natauhan nalang ako nang magsalita si Aldrin.

"Ahm...para ka palang angel lalo na sa malapitan." Bulong ni Aldrin sa tenga ko, malakas kasi ang tugtog kaya kailangan ibulong sa tenga ang sasabihin.

"Alam mo Aldrin, kunting-konti nalang at maniniwala na ako sayo." Nakangiting bulong ko din sa tenga nya.

James P.O.V

Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko. Dahil sa nakikita kong sweetness ng dalawang toh.

Kaya mabilis ko silang nilapitan at hinatak papalayo si Roxanne.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now