James P.O.VNasa private room kaming magkakaibigan ngayon. Anyway, itong private room na toh ay para lang saming apat, pinagawa ito para samin lang. Para na rin sa mga malalapit samin. Di kami basta basta nagpapatuloy dito.
"Sino nga pala yung kasama mo kanina James? Don't tell me nag bago kana ng taste sa babae." Pag bibiro ni Michael habang naglalaro ng billiard kasama si Tom.
"Hindi ko siya type." Maikling sagot ko.
"Eh bakit kayo magkasama?" Tanong naman ni Tom habang nakangiti at nakatingin na parang nanunukso.
"Anak siya ni Mang Ester at Aling Linda." Muling sagot ko.
"Ohh...siya pala yung lagi mong kinikwento samen non na lagi mong inaasar." Sabi muli ni Michael.
"Oo siya, yun pinakiusapan kasi ako ni mommy na samahan ko siya dito para mag enroll, binigyan siya ng scholarship nina mommy at daddy." Paliwanag ko sa mga ito habang abala sa panonood ng tv.
"Pero mukha namang mabait siya." Sabat ni Aldrin habang nakapikit at nakahiga sa sofa, napatingin naman ako sa kanya na nakasimangot.
"Hindi siya mabait." Seryosong sagot ko.
Hindi na muling umimik si Aldrin,habang nagkatinginan naman ang dalawa ( Michael at Tom)
"Ahmm...sa bahay na tayo kumain mamaya nagpaluto ako kay manang ng pagkain, at pulutan para mag celebration ng welcome party para sa ating bagong dating na kaibigang si James." Sabi ni Michael.
Woohooo...." Sabi nina Michael at Tom.
Iniba nalang nila ang usapan dahil nahahalata na nilang badtrip ako at mukhang makakasapak nanaman ako.
"Party!party!" Sigaw ni Tom.
Tskkk... Ang iingay talaga.😏
Roxanne P.O.V
Tanghali na at sabay kaming kumain ni Kyla, nilibre ako ni Kyla ng pagkain.
"Rox akala ko talaga mag jowa kayo ni James, kasi ba naman magkasama kayo sa sasakyan niya, buti ikinwento mo ang story nyong dalawa." Biro ni Kyla.
"Magkasama lang mag jowa na... Buti nga hindi ako kinuyog ng mga babaing nag lapitan sa kanya e," sagot ko.
"Naku oo, alam mo bang sikat na sikat ang magkakaibigan na yan dito sa campus, lalong lalo na si James De Ocampo, kaya maraming babae ang nagpapantasya sa kanya." Paliwanag ni Kyla.
"Ano naman nagustuhan nila sa lalaking yun, bukod sa hindi naman gwapo, masama pa ang ugali." Naka simangot na sabi ko, sabay subo ng spaghetti.
"Palibhasa nga hindi mo siya kasundo kaya nasasabi mo yan." Sabi ni Kyla
"Pero alam mo Kyla, yung isa nyang kaibigan mukhang mabait, yung naka jacket na black." Nakangiting sabi ko kay Kyla.
"Ah..si Aldrin, Oo iba yun sa kanila,simple,
hindi playboy, hindi mayabang at gwapo pa." Kilig na pagkukwento ni Kyla."Ah... Aldrin pala ang pangalan nya." Mahinang sagot ko.
Tama si Kyla... Mabait, gwapo at Di mayabang si Aldrin kumpara naman sa James na yun. Gwapo nga, ang sama naman ng ugali. Grrrrr...
James P.O.V
Maya maya pa nga ay umalis na kami sa hide out. Pupunta na kami sa bahay nila Michael para mag celebrate. Sa sasakyan ko sasabay si Michael at kay Aldrin naman sumakay si Tom.
Tahimik lang akong nagdadrive.
"James, pano nga pala si Roxanne,hindi ka na nagpaalam sa kanya." sabi ni Michael.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionMinsan sinasabi natin na di tayo maiinlove sa isang tao, kasi nga hanggang dito lang ang stage nyo, kasi nga natatakot ka na baka ma reject ka eh hanggang dito nga lang talaga yung tingin nya sayo pero ang totoo naiinlove ka na, in denial ka lang ta...