"Oh Roxanne, bakit si Aldrin ang kasama mo? asan na si James my love mo?"Biro ni Kyla."James my love ka dyan! Tumigil ka nga Kyla baka may makarinig pa sayo dyan." Reklamo ko.
"Aysus kunwari pa sya oh, halata namang nagseselos kay babaitang si Kim"Muling biro niya.
"Sinong may sabi sayong nagseselos ako? At saka masaya na ngayon si James kasi bumalik na ang FIRST LOVE nya" pagdidiin ko.
"Aysus e saan nga ba nagpunta yung gwapo mong alaga?"Tanong ni Kyla.
"Hindi ko nga alam kung san pumunta eh, dinaanan daw kanina si Kim hindi naman tumatawag kung san sila nagdate." Nakasimangot na sagot ko.
James P.O.V
"Kim, san ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho sya ng kotse nya
"James, relax kalang okay?" Nakangiting sagot nya pa.
Maya maya ay tumigil kami sa tapat ng isang resort sa Tagaytay.
"Lets go" yaya nya na unang bumaba.
"Bakit tayo nandito? tyaka kaninong resort to?" Tanong ko.
"Binili to nila mama last year, pinabibisita nya lang sakin." sagot niya.
Malamig at maganda ang tanawin mula dito kaya napakasarap pagmasdan nun.
"Good morning mam." Salubong ng isang caretaker.
"Manong pwede nyo po ba kaming ipag handa ng pagkain?" nakangiting utos ni Kim.
"Sige po mam." Mabilis namang sumunod ang matanda.
Lalong lumamig ang klima roon dahil sa makulimlim na panahon mukhang may paparating na ulan.
"Asan ang bathroom dito?" Seryosong tanong ko kay Kim.
"Pasok ka sa loob then right side." Turo ni Kim.
Kim P.O.V
Habang nagpapahangin ako bigalang tumunog ang cellphone ni James, tinignan ko agad kung sino ang tumatawag.
"Si Roxanne" bulong ko habang nakasimangot dahil nakita ko ang mukha nila ni James sa screen na nasa contact.
Tinignan ko muna kinaroroonan ni James atsaka sinagot ang tawag ni Roxanne habang napapangiti.
"Hello James? Asan kana?" Tanong ni Roxanne habang nasa kabilang linya.
"A-ahmmm Roxanne, pwede ba wag kana munang tumatawag? busy kasi kami ni James eh, date kasi namin ngayon, sweet nya noh?" nakangiting sabi ko habang parang biglang nainis si Roxanne sa kabilang linya.
"A-aahm ganun ba? sige, sorry kung naistorbo ko kayo. Sige bye, e-enjoy! hehehe" Mahinang sagot nya atsaka ako binabaan ng linya.
Napapangisi ako habang iniisip ang itsura nya sa kabilang linya kanina.
Roxanne P.O.V
"Kaya naman pala hindi nagpaparamdam, may date naman pala sila. Edi sila na nga ang may date! impaktang babae yun!" Nakasimangot na bulong ko sa sarili.
"Bakit hindi maipinta yang mukha mo?" Tanong ni Ka habang nagaayos ng gamit sa bag.
"Wala! naiinis lang ako." Nakangusong sabi ko habang nakasimangot.
"Kanino naman? Sakin?" Seryosong tanong ni Kyla.
"Ano kaba hindi sayo noh!"
" Eh kanino nga?"
"Wala!" Maikling sagot ko
"Hay naku! kaya ayaw kung mainlove eh, nagkakaganyan ang mukha." Biro ni Kyla.
YOU ARE READING
Unexpected Love
Teen FictionMinsan sinasabi natin na di tayo maiinlove sa isang tao, kasi nga hanggang dito lang ang stage nyo, kasi nga natatakot ka na baka ma reject ka eh hanggang dito nga lang talaga yung tingin nya sayo pero ang totoo naiinlove ka na, in denial ka lang ta...