Chapter 8: Welcome Back?

34 0 0
                                    

Monday...

Maaga akong gumising para gisingin si James. Nakaligo na din ako.

"Ahm..nay Cora good morning po,gisingin ko na po si James." Naka ngiting bati ko kay nanay Cora.

"Sige hija, at mag almusal kana din pagkababa mo dahil may pasok ka pa din sa skuwela" Mahinahong sagot ni nanay Cora.

Habang papasok ako sa loob ng kwarto ay naalala ko nanaman ang nangyare kagabi.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto, tulog na takip pa ng unan ang mokong, lalapitan ko na sana siya ng biglang...

"Bulaga!!" Ginulat nya ako!.

"Ay mokong!!" Gulat na nasabi ko.

"Hahaha...inom ka kasi ng inom ng kape kaya ka nagiging magugulatin." Biro nya.

Hinampas ko siya  ng unan sa mukha.

"Aray!!" Sigaw nya.

Nahampas ko kasi ang pasa niya sa pisngi.

"Naku sorry😁ikaw naman kasi ginugulat mo ako. Saan ba dyan ang masakit?" nilapitan ko ang mukha ko at tinignan ang pasa nya.

"San pa ba dyan ang masakit?" Naka tutok ang mukha ko sa muka nya.

"Dito oh.." turo nya sa pisngi nya, sabay tumawa na tila may binabalak.

"San? Dito?" Nagaalalang tanong ko.

"Oo dyan." Sabi nya ng biglang...

Lokong lalaki yun ahh.. Halikan daw ba ko sa pisngi?!. Kagigil talaga!. Lagot ka saki.

*Pak!*

Binatukan ko sya ng bahagya.

"Hoy! James De Ocampo! Kagabi ka pa ha! sumusobra kana!" Pagalit na sabi ko, pero tinawanan lang nya ako.

"Bakit ano bang ginawa ko kagabi?" Kunwaring hindi alam ang nangyaring tanong nya.

"Hindi mo na tanda?" Takang tanong ko pa.

"Itatanong ko ba sayo kung natatandaan ko?" Biro nya.

Hindi ko alam kung pano ko ikukwento sa kanya.

"A--ahm... kasi ikaw! nalasing ka kagabi, tas binihisan kita." Kwento ko.

"Binihisan mo ako? Pati yung pants ko ikaw ang nag hubad?" gulat na tanong nya.

Kaya naman bigla akong nahiya.

"Ano ka!? syempre hindi no! Ikaw ang nagsuot nyan. Tas bigla mo akong hinila! ta--tapos..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko dahil, hindi ko alam kung sasabihin ko pa.

"Tapos?" Muling tanong nya.

Natatawa sya dahil alam naman talaga niya na hinalikan niya ako kagabi!

"Na--naku ewan ko sayo! bumangon kana nga dyan at baka malate pa tayo!" Mabilis akong umalis sa kwarto ni James. Habang dinig kong natatawa padin sya.

Sabay kaming papasok ni James sa school, habang nagdadrive sya ay halata kong napapatingin sya sakin habang nakangiti.

Habang ako naman ay tahimik na nakaupo at nakasimangot.

"Ano ba James? kanina kapa ah! ano bang nginingiti-ngiti mo dyan? baliw!" Mahinang sabi ko.

"Baliw na talaga ako sayo!" Naka ngiting sagot niya.

Pagdating namin sa school ay mabilis bumaba si James at pinagbuksan ako ng pinto.

Nagtataka ako sa mga ginagawa nya.

Unexpected LoveWhere stories live. Discover now