(Unexpected 16)

36 1 0
                                    

(Unexpected 16)

Pagkatapos nung tawag, nakarating na din kami agad sa Manila. Dumeretso na kami sa bahay at nadatnan sina Coleen sa harap ng bahay. Pumasok kami sa bahay at nagbihis nalang kami dahil nakaligo naman kami nung nasa Batangas pa kami. At dumeretso ng school. Maraming teachers na pa-labas-pasok sa kwarto. At mabilis lumipas ang oras, kaya eto, Recess na.

"Ellie!" Kilalang-kilala nyo na kung sino yan. At nung lumingon ako, tama nga siya nga.

"Oh, Coleen? Sabay na tayo?"

"Yup! Tara na!" Pagkasabi nya nun, hinatak na nya ako. Yes. Hinatak.

"Woi. Kalma ka lang! Maawa ka naman sa akin oh. "

"Ahihih. Sorry Ellie! Dalian mo nalang!" Dumating kami sa Cafeteria ng hingal na hingal. Nung tumigil kami, hinatak ako ulit ni Coleen papunta sa counter. Seriously? Bat nagmamadali to'? At ang daming tao tas nakipagsiksikan pa kami.

"Ui Coleen, anong meron at nakikipagsiksikan pa tayo dito?" Bulong ko sakanya.

"Ah sorry, meron kasing stall dito na nagbebenta ng tinapay. At di lang tinapay!"

"Ano pang meron?"

"May chance ka pang makasama sa Otaku Expo! Omagash! Gusto ko magcosplay!" Sabi ni Coleen na may... Sparkling aura?

"Eh?" Sabi kong medyo nalilito. Naintindihan ko naman pero, nagtataka ako, bakit sa tinapay pa?

"Saglit lang. Pero 4 lang ang may chance. As in apat lang para dito sa school na ito. Tara na baka maubusan tayo!"

At ayun. Nakipagsiksikan kami. Halu-halo ang mga estudyante dito. Grabe. At nakaabot kami doon sa may stall mismo at kumuha ng.... 10 si Coleen. Opo. 10 talaga! At ako, 1 lang kasi ako lang naman kakain.

"Aray ko Coleen. Nakakapagod ka naman! Ang dami mong binili tapos ikaw lang kakain nyan? Pero totoo? Gusto mo magcosplay?"

"Oo! Pangarap ko yun! Kaya ako bumili ng 10 para malay mo, isa pala dito yung may ticket. Tara na sa tambayan ko!"

Huh? Tamabayan? Hinatak nanaman ako ni Coleen sa mapunong part ng school. Ang hilig nya sa hatakan ano? Isali ko nga to sa 'tug-of-war' pagdating ng foundation day. Wew. At nakarating na kami sa so called 'tambayan' nya. And ang ganda! Maraming puno tapos may mga bulaklak! Ang fresh ng air! At ang ganda ng horizon! Blue skies that looks like cottonballs. The sun that that shines beautifully. The soft, green grass. The chirping of the birds and the swishing of the wind sounds so refreshing. Hala. Napa-english na ako! Tapos, umupo na kami sa malaking bato at ibinaba yung mga dala namin.

"Wow. Ang ganda naman dito. Paano mo nahanap to'?" Sabi ko. Sana nandito ka din, Ate Vie.

"Wala lang. Nahanap ko lang. Ah! Eto oh, yung mga dinala kong Manga." Wow. Medyo marami-rami din etong dala ni Coleen ah.

"Tara, kain na tayo!" Sabi ni Coleen ulit. Binuksan na namin yung tinapay namin at kumain na.

"Coleen, peram etong One Piece mo ah! Coleen? Coleen!"

"Ellie.."

"Oi Coleen!"

"Ellie.."

"Coleen!"

"Ellie... Bakit? Bakit!"

"Ha? Anong ginawa ko?"

"Ellie-cha...n. ANG SWERTE SWERTE MO!"

"Ha? Anong pinagsasabi mo dyan? Swer---" Natigilan ako nung tinaas nya yung papel at..

"NAKUHA MO YUNG TICKET ISA KA DUN SA 4 NA YUN!/ AKO NAKAKUHA NG TICKET.." Sabay naming sabi.

Unexpected (Editing and Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon