(Unexpected 3)
June, medyo pa-easy easy lang kami dahil simula palang nga school year pero nagpaplamo kami ng mga events ngayon. Nutrition month at ang Student Council Election.Mabilis na lumipad ang mga araw. July na. Ilang weeks na din kami naghahanda para sa Election. Nag-sign up ako ng form para maging candidate na tatakbo bilang 'Auditor'.
Gabang nagmumuni-muni, binalikan ko yung mga dating nangyari sa buhay ko. Tapos, naalala ko si Kevin. Paano ba naman, ang sakit lang. Kasi nakalimutan ka na talaga ng bestfriend mo. Ikaw, kung kalimutan ka ng bestfriend mo, ano mararamdaman mo? Masasaktan ka diba? Yung iiwan ka ng bestfriend mo? Mas masakit yun. Para kang may sariwang sugat tapos binuhusan ng alcohol. Ganun. Mali. Mas matindi pa ang sakit nun. Wth? Bat ba ako nagdrama ng umagang-umaga?!
"Aiish!" Tumayo ako sa inuupuan ko. What?! 5:25 palang ng umaga eh! Magddrawing muna ako. Doodle lang kumbaga. Di ko namalayan na, 6:20 na. At naligo na ako. Nagluto at nagayos ng mga baon namin. Nanood muna ako habang naghihintay.
*creek*
"Ate Vie, Good morning. Kanina ka pa?" Ellie, kagigising lang.
"Nope. Di halata diba?" Sarcastic na sabi ko.
Naka-uniform na kasi ako eh. Ang ikli ng skirt! Naka-casual lang kami the past few days tapos ngayon, required na kaming mag-uniform.
"Okay. Maliligo na ako. Nood ka pa ah? Haha!"
"Okay! Shoo! Shoo! Chupiii!"
School Council Election nga pala after 5 days. Hay. Stress. As I said, tatakbo ako bilang S.C. Auditor. But I need to be responsible enough to serve my fellow students. Haish. Good luck sa akin. Mamaya-maya, lumabas na nakauniform si Ellie.
"Tara na? :)"
"Taraaaa!"
Ayy. Di ko pa naikwento kay Ellie na nandyan sa school namin si Kevin. Ang sama ko talaga. Ayan. Ni-lock na namin ang pinto. Walking distance lang naman kami sa school eh.
"Ellie. Naalala mo pa ba si Kevin?" Pagsisimula ko ng kwento.
"Oo ate. Bakit? Anong meron?"
"Nandyan sya sa school natin. Kaklase ko. Kaso di na nya talaga ako kilala."
"Oh?! Paano?"
"Ewan ko nga eh. Pero totoo sya. Sya si Kevin Montenegro! Nagpakilala sya sa akin. And parang totoo nga. Kamukha nya si Kevin-taba. Kaso ngayon, payat na sya."
"Mga Ate! Pumasok na kayo. Bawal po tumambay sa labas." Ayy. Si Manong Guard.
"Sorry po Kuya." At pumasok na kami.
"Sige ate, una na ako. Maghahanap na ako ng magiging friend ko."
"Sige, bye! Good luck!"
"Good luck rin sayo. Sana manalo ka bilang Auditor ng S.C. "
"Byeeee! Thank you na rin!"
Naglakad na rin ako papuntang clasroom ng...
"Good Morning Janaley. Remember me? Kevin. I wanna be friends with you. Can we walk together? " Kevin.
"Good morning Kevin. Sure. Let's have a walk. :)"
Hayaan nyo na ako guys~ Malandi na kung malandi, pero ex-bestfriend ko naman at isa pa, miss ko na sya eh.
"Thank you. You know what, ang gaan ng pakiramdam ko sayo. Since the first day we met which was like, 2 weeks ago. " Sabi niya ng nakangiti. Feeling ko namumula ako. Ang init naman dito!
"Oh. That's... Good to hear. Hihih."
"Are you okay? Your face is red and... Are you sick? Samahan na kita papuntang Clinic?" Nagaalalang sabi nya. Mukhang walang alam 'to sa babae ah.
"H-h-hind-di. O-o-okay lang a-ako." Ano ba yan. Ngayon pa ako nautal.
"You sure? I insist. *opens door*" Kevin.
"No. Really. I'm fine."
"Wow. Second month palang eh, may loveteam na! AYIIIE!" Mga kaklase ko.
Grabe naman 'tong mga 'to. Sabay lang pumasok ng school eh, loveteam agad? Di ako breezy, jusko.
"Hmm. The VieVin loveteam! VIEVIN LOVETEAM!" Mga kaklase ko ulit.
Second month palang eh..
***
Hello! Musta na ang third chappy? This is One Long chapter! Hope you liked it. :) Please Vote, Comment, Share and Be A Fan! Thankiies!
Edit: VieVin❤
-Ree♥︎

BINABASA MO ANG
Unexpected (Editing and Revising)
Novela JuvenilUnexpected (adj.): is being sudden and not expected to happen. Unexpected Love. Ano nga ba ang ibig sabihin nyan? Nandyaan na. Ito ang Love na di mo talaga inaasahan. Yung di mo naisip na mangyari. Yung di mo akalain na nahulog ka na pala ng pagka-l...