(Unexpected 1)

113 4 0
                                    

*edited*

Janaley's POV:

Hello! Ako nga pala si Janaley Vienne Santiago Reyes. Vie nalang for short. Eh sa yan yung gusto kong tawag sa akin eh. Masisisi mo ba ako? Haler!

May kaya ang pamilya ko. Naks. Yabang. What I meant is hindi kami mayaman o mahirap. Blessed lang.

Simple na walang arte sa katawan, kung tutuusin, para akong lalaki kung umasta. Halos di marunong magayos. Suklay at pulbo, solve na! Taas ng boy confidence. Sino mga relate sa akin? Apir!

Minsan Cheerful. Bubbly. Friendly.

Mahilig ako mag-drawing. At tumugtog ng piano. Magbake din. Best in Eating and in Sleeping. Nako, Ako ang top 1 sa kabaliwan. Baliw na kakalabas lang sa mental. Joke~

-----

-Flashback-

(The day of the incident)

"Taba! Laro tayo sa may swing!" Ako [5 years old]

"Pangit! Dalian mo! Ang bagal mo maglakad!"  Taba [5 years old]

"Oo na Taba!"

Pumunta kami doon sa may swing. Nakikipaglaro ako kay Kevin. Kung tutuusin, inseparable kaming dalawa. Minsan, para kaming si Tom at si Jerry. Minsan naman parang ewan lang.

Adventurous kaming dalawa. Mamaya-maya habang naglalaro kami sa may buhanginan at nagoobserve ng plants, may naamoy kaming sunog. Tulog ang mga magulang namin sa loob. Ang mga magulang ko, kauuwi lang galing Japan dahil sa Family and Company matters. At habang natutulog sila Mommy doon, mabilis kumalat ang apoy. Maiitim na usok ang lumalabas. At ang amoy ng abo at sunog na kahoy ay talagang maamoy mo sa lakas ng amoy.

Tumakbo kami ni Kevin sa loob ng bahay para magising namin ang mga matutuloy naming mga magulang.

"Mommy! Daddy! Nasusunog ang bahay!"

"Dad! Mom! Janaley! Janaley, Watch out!"

May pabagsak na kahoy na papunta sa akin pero hinatak ako ni Kevin. Buti nalang kung hindi, nasunog na yung paa ko. Pero, habang tumatakbo kami, nakakaramdam na ako ng pagod at matinding sakit sa mga paa ko. Yung init na galing sa apoy ay nararamdaman ko. Di na nagtagal, bumagsak na ako sa sahig.

"Tulooon- *cough* *cough*" Sigaw ko.

"Janaley! *cough*"

May naramdaman akong may bumuhat sa akin at nawalan na ako ng malay.

Hanggang paggising ko,

-Hospital-

Puting ceiling ang bumungad sa akin at ang mga karayom na nakatusok sa akin ay biglang humapdi. Pero bigla kong tinawag sina Mommy at Daddy. Walang sumagot. Pero sa pangalawang tawag ko,

"Mommy? Daddy? Nasaan po ako?"

Si Mommy lang ang nasa tabi ko. Medyo kita na ang eyebags nya. Halatang wala syang tulog. Namamaga ang mga mata nya, halatang magdamag umiiyak sa Diyos. May mga band-aid sya sa mukha at sa katawan nya.

"Anak! Akala ko mawawala ka rin sa tabi ko. Tatlong araw ka nang walang malay. Salamat sa Diyos at di ka nya pinabayaan. Mahal kita anak." Biglang umiyak si Mommy.

"Mommy, mahal ko din po kayo." At niyakap ko si Mommy.

"Mommy, si Daddy?" Natahimik si Mommy at humikbi ng malakas.

Ngayon ko lang nakita na umiyak ng ganito si Mommy. Yung damdam ko yung lungkot at sisi sa puso nya. Bigla akong naluha. Kayo ba, pag nakikita nyo yung mommy nyo na umiiyak, di ba kayo maiiyak? Hinug ko ulit si Mommy para tumahan sya. Para kahit papaano, mawala yung sakit na naramdaman nya ngayon. Na maramdaman nya na nandito pa ako sa tabi nya.

"Anak... N-namatay s-si P-papa mo.. Niligtas nya tayong lahat. Niligtas nya kami kahit mawalan pa sya ng buhay. Di nya tayo pinabayaan. Anak.. sorry dahil di ko manlang nailigtas ang Papa mo. Anak. Alam mong mahal na mahal ko ang Papa mo. Pasensya na anak." Halos pabulong na sabi ni Mommy sa akin. Natahimik ako. At bigla na din ako umiyak.

Naiyak ako ng sobra-sobra. Dahil si Daddy ang nagpoprotekta sa amin ni Mommy. Gagawin nya ang lahat para maligtas kami at magkaroon ng magandang buhay. Noong tumahan na ako, umalis si mommy para kumuha ng pagkain ko at ng maiinom ko. Bumalik si Mommy na hawak-hawak ang pagkain ko.

"Mommy.. Si Kevin? Nasaan po sya? Magoobserve pa po kami kung paano lumaki ang isang halaman. Nasaan po sya? Okay lang po na sya?" Tulalang sabi ko.

Mommy paused for a minute. And bigla syang nagseryoso at pinunasan nya ang mga luha niya.

"The Montenegro family went back to America. And Kevin, had amnesia. I'm sorry. Di mo na yata sya makikita kahit kailan. Pero kung oo man, wag na wag mo na ipaalala sa kanya ang lahat ng ito. Masaya na sya. Okay? Please, try to understand "

"Why? *sobs*"

"Anak, malaki ang galit sa atin ng mga Montenegro. Si Kevin ay natamaan sa ulo ng kahoy. Nadaganan at nagkaroon sya ng 3rd degree burn sa hita. Sapat na rason yun para magalit sila sa atin."

"Pero mommy, wala naman pong tayong kasalanan diba? Bakit po ba ganun Mommy? May masama po kung hahanapin ko po sya dito sa Pilipinas? Di naman po kayo magagalit diba po?"

"Okay lang yan anak. Nandito pa naman ako. Susuportahan kita. Dito lang ako para sayo. Di kita iiwan. Okay?"

"Yes mommy."

---End of Flashback---

[7 years later]

First day of school nanaman. Grade 12 na ako! Yes! Nasa may hallway na ako. Ang daming pintuan! Saan kaya classroom ko? Hinahanap ko yung section ko.

"Ayun! Uhmm.. Hah, finally!" Sabi ko.

Dami namang pinto dito. Grabe. Sakit sa Head. Halos isang oras na ako naghahanap dito. Ay OA ko talaga. Mga 30 minutes pa lang.

"Uhmm, excuse me. Dito rin ba yung room mo?" A boy na matangkad, pogi at maputi yung nagtanong sa akin. Swerte! Joke. Ew.

"Yes. Are you one of my classmates?"

His face somehow, parang familiar talaga. I just can't pinpoint it. Di ko maano ehh. Mabaliw na ako kaiisip dito! Aish.

"Yes. I'm Kevin, Kevin J-ohn Montenegro . And you are?"

Kevin John Montenegro?! Sya yung...

"Ke--" halos maiyak na ako sa saya. Hinanap ko sya dito sa Pilipinas pero wala. Matagal na naming hinanap si Kevin at yung family nya. Pero nandito sya ngayon. Nasa harapan ko. Tuwang-tuwa ako. But, when I was about to say his name and hug him... I remembered what mommy said before. "He had amnesia." And even if we meet, must not bring any memories of his past again. It will just cause major trouble.

"Oh. Janaley Vienne S. Reyes. Vie for short. Nice meeting you." Sabi ko habang nilabas ko ang kamay ko para makipag shake-hands at pinipigilan ang tuwa at saya na nararamdaman ko.

"Let's go inside. Shall we?" Tumango ako. Parang bumait yata sya at basta. Ang laki ng difference nya ngayon at dati.

Here goes nothing.

***

Yan. First chapter. Nagustuhan nyo ba? Sorry kung hindi. :( First time ko lang po talaga. Please Vote, Comment, Share, And Be A Fan! :) Thankiies!

-Ree♥︎

Unexpected (Editing and Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon