(Unexpected 13)
"Ako si..."
Naputol yung sinabi nila nung bigla akong nagising. May tumatawag sa akin. Nagulat ako nung si Kevin na katabi ko, ginigising ako.
"Oh my! Hometime na ba?" Nagaalalang sabi ko.
"Kanina pa. Stick. Una na ako. Yung mga pinapabigay ko, nasa locker mo. Kuha mo?" Tumango nalang ako dahil wala na din akong gana makipag-usap pa. Inayos ka na rin yung gamit ko at lumabas na. Mamaya, nakita ko si David na halatang naghihintay sa akin.
"Oh! David! Si Coleen? Kasama mo?"
"Hindi eh. Nauna na sya. Tara? Hatid na kita?" Bago ako magsabi ng oo, may nagsalita, at galing sa likod ko yung boses.
"Di pwede! Ako maghahatid sa kanya. Tara na!" Sabi ni Kevin na halatang naaasar. Lumingon ako at, bakit nandito si Kevin?! Parang ang sigla nya? Pero... Bago pa ako tumanggi, hinatak na nya ako palabas.
"Kevin! Anong ginagawa mo?! At bakit mo ba ako ihahatid? Akala ko ba, nauna ka na? Anong ginagawa mo dito? Si David walang kasama!" Sunud-sunod na tanong ko.
"Oy. Kalma! Ihahatid kita kasi gusto ko. Okay? Ako? Nauna? Nope." Nakakapag-taka lang kasi, hindi pa daw sya umuwi pero, iba na yung damit nya. Ayy, baka nagpractice tapos nagpalit. Basketball player nga pala sya. Pero, bakit ang sigla nya? Madalas, masungit sa akin yun ah!
"Okay. Eto nalang. Bakit ang sigla mo? Anyare sa masungit na mood mo kanina?" Nanlaki yung mata nya. At umiwas ng tingin.
"Wala lang. Vsyshskssha." Di ko na narinig yung huling sinabi nya. Binulong lang nya eh.
"Ano yun? Pakiulit nga."
"Wala! Sabi ko, ihahatid na kita. Okay? Tara na!" Sabi ko, maghintay sya at may kukunin ako sa locker ko. Yung bulaklak at yung mga letters. Sumunod naman sya. Nung nakuha ko na, kinuha nya sa akin yung mga bulaklak at hinatak nya ako. Habang naglalakad kami, may nakasalubong kaming nagtitinda ng icecream. Etong si Kevin, paarang bata.
"Icecream oh! Anong gusto mong flavor?" Kelan naging mahilig sa sweets to'? Pagkakaalam ko, ayaw neto sa sweets. Weird.
"Vanilla akin." Sabi ko.
"Kuya! Pabili ng 2 icecream! Vanilla ah?" Mamaya-maya lang, binigay na sa akin yung Icecream. Sa sobrang curious ko, tinanong ko.
"Kevin! Iba ka ngayon? Nagbagong buhay ka na? Himala yatang mahilig ka sa sweets ah!"
"Di himala yan! Mahilig naman talaga ako-o." Sabi nya at nag-stutter sya sa dulo. Oh? Mahilig pala sya? Di ko alam. Bipolar na sya ngayon. Nandito na kami sa Bahay. At nag-thank you ako. Inabot na din nya yung bulaklak. Umalis na sya. Pero bago ako pumasok, nagulat ako nung sa isang kanto, lumiko sya. Sinundan ko sya. Eh sa gusto ko malaman eh. Pumasok sya sa isang bahay at nag-doorbell lang. Pinagbuksan naman sya. Sabay sabi nya...
"Tadaima! (I'm home)" Sabay pumasok sa bahay. At sinarado yung gate na puti.
Tadaima. Edi, bahay nya yun. Hinayaan ko nalang at, Bumalik na ako sa Bahay at nag-impake. Luluwas na akong Batangas. Kaya ayun.
Dinala ko na din si Happy. Yung stuffed toy ko. Pusang blue at may pakpak. Exceed ni Natsu Dragneel. Nagdamit ako ng maayos at yung mga susi ko, dinala ko na din. Ni-lock ko na ang pinto at yung gate. At nag-tricycle papuntang stasyon. Sumakay na ako sa bus na may label na "Batangas" sa windshield. Nung sumakay ako, nag-pray na ako. Mga ilang oras lang at nandun na ako. Pagkatapos ko mag-pray, natulog nalang ako. Nagising nung naramdaman kong tumigil na yung bus. Tumayo na ako at lumabas na ng bus. Naghanap ako ng masasakyan kong tricycle. Nakakita naman ako agad. At tinext ko na si Ellie. Pumunta daw ako sa specific na address na yun. Dun yata yung bagong nilipatan na bahay. Nagdoorbell ako at sumalubong sa akin si mama.
"Konnichiwa Anak! Vienne!" At niyakap ako ng mahigpit.
"Mommy! Kamusta na po kayo? "
"Ayos lang naman ako anak. Nandito nga pala si Ellie. Pasok ka."
"Mommy? Nandito nga po si Ellie?"
"Oo nga! Pasaway."
"Okay! Kalma ka mommy! Este, Okaa-san." Pumasok na ako sa bahay at nakita ko si Ellie. Mukhang okay na sya.
"Ate Vie! Buti naman at naisip mo akong dalawin! "
"Yo Ellie! Kamusta ka na?"
"Ayos lang ako ate."
"May ibibigay nga pala ako sayo. Galing sa manliligaw mo. Hah!"
Binigay ko kay Ellie yung mga bulaklak pati na rin yung chocolates. Buti naman at di natunaw yung chocolates.
"Musta na yang paa mo?" Medyo nag-leap pa sya eh. Wawang bata.
"Ayos naman. Ako pa! Malakas yata to' eh!" Sabay turo sa sarili nya. Yung parang pag mag-salute ang Recon corps. XD Anime nanaman?! Pfffft.
"Baliw."
"Mas baliw ka naman!"
"Parehas lang kayong baliw." Nagulat kami nung may nagsalita sa likuran namin.
"Kuya Jake! Kararating mo lang?"
"Ayy hindi. Kaalis ko nga lang eh. Malamang nandito na nga eh!" Sarcastic na sabi ni Kuya Jake. Hayy nako. Nagpaalam muna ako kela Mommy na magiikot-ikot ako sa bayan. Kaya ayun, ganun nga ginawa ko. Nabobored kasi ako. Si Ellie, matutulog na magpapahiga daw. Si Kuya Jake naman, may pinuntahan. Ako? Wala. Kaya ayun! Nagiikot ako dito sa amin, ang FA ko nga eh. Kinuha ko yung phone ko at nagpatugtog. Feel ko mag-emo eh. Yuck! Drama!
(Playing: Little Traveler by Hatsune Miku)
Naglalakad ako, magisa. Pumunta ako doon kay kuya na nagbebenta ng ice cream. Nung lumapit ako, bigla akong binigyan ng ice cream ni kuya. Ehh, di pa ako nagsasabi na kung anong flavor ang kukunin ko.
"Miss, magisa ka lang diba? Sayo na oh. Libre na yan. Wag ka magaalala, bago yan at wala ding lason yan, Hija." Kuyang nagbebenta ng ice cream.
"Talaga kuya? Nako, ang bait nyo naman po. Magbabayad po ako. "
"Hija, Ayos lang. Kunin mo na yan. Wag ka na magbayad."
"Ahh.. Salamat po." Sabi ko at ngumiti kay kuyang nagbebenta ng ice cream. Kinakain ko yung icecream habang naglalakad. Napunta ako sa park na may maraming ilaw. Or, baka naman di park yun. Circus yata. Pumasok ako. At, wow. Ang ganda. Makulay.
***
Hello! Okay ba to' Chapter na to'? Mga silent readers ko dyan, Wala lang. Comment kayo pleeeeeease? Thank you aylabyu! Nga pala, Every week ako maguupdate. Pero this week, maguupdate ako ng 2 Chapters kasi may Exams kami next week. Bale, ito na yung First chapter this week! Vote, Comment, Share and Be A Fan! ♥︎
-Ree♥︎

BINABASA MO ANG
Unexpected (Editing and Revising)
Fiksi RemajaUnexpected (adj.): is being sudden and not expected to happen. Unexpected Love. Ano nga ba ang ibig sabihin nyan? Nandyaan na. Ito ang Love na di mo talaga inaasahan. Yung di mo naisip na mangyari. Yung di mo akalain na nahulog ka na pala ng pagka-l...