Chapter 34: Troy
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Para sabihin ko sa inyo. Wala akong kinalaman sa pagkawala ni SS, teka warrant of arrest at ebidensya. Nakakasiguro ba kayo na tama ang lahat ng mga ebidensyang meron kayo?"
"Lena Lopez sa office ko na lamang ikaw magpaliwanag."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wyte's POV
Napatingin ako sa labas ng may tumigil na isang pick up car sa harapan ng office. Nagsisiksikan ang mga reporters na gustong makakuha o makakalap ng impormasyon.
Lumabas mula sa pick up car si Tita at Officer Jacob, kasama si Lena na nakapusas at nakasuot pa ng sunglass.
Nagsilapitan kay Lena ang mga reporters.
"Ms. Lena totoo po ba ang mga bintang at mga paratang sayo ni Officer Jacob?" tanong ng isang reporter.
"I think those evidence they have is fake. At bakit ko naman ipapakidnap si SS eh alam naman nating lahat na best friend ako ng mommy niya noong nabubuhay pa siya."
"Ms. Lena sa tingin niyo po ba sino ang dumukot kay SS?" sunod naman na tanong ng isa pang reporter.
"I have no idea about that, I'm still busy right now."
"At anu naman po ang pinagkaka abalahan ninyo sa ngayon?"
"No comment about that."
Pumasok na sila kaya agad akong napatayo.
"Wyte sumunod ka." sumunod na ako kina Officer Jacob at Tita kasama si Lena.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dea's POV
Bakit ba ayaw niya akong pagbuksan?
Paulit ulit ko ng pinindot ang doorbell sa labas ng bahay, pero wala yatang tao dahil walang tumutugon sa paulit ulit kong pagdoorbell.
Isang may edad na babae ang papalapit sa akin, kaya naisipan kong magtanong.
"Uhm excuse po, may tao po ba dito?"
"Ay wala po ma'am, sa pagkakaalam ko po ang umalis siya kagabi, anu nga ang pangalan niya?"
"Leanna."
"Oo si Leanna, nakita ko siya kahapon may naghatid sa kanya."
"Babae po ba?" tanong ko sa babaeng kausap ko.
" Oo babae siya, ilang oras pa lamang ang nakakaraan umalis na yung naghatid sa kanya."
"Then."
"Mag aalas nuebe yata iyon ng gabi, lumabas siya at nakasuot ng jacket. Sumakay siya ng taxi."
"Then after that?"
"Hindi ko na po alam ang kasunod dahil mabilis na humarurot ang taxi palayo sa bahay niya eh."
"Teka natatandaan niyo po ba ang plate number ng taxi?"
"Sorry ineng, hindi eh."
"Sige salamat na lang po."
Anu ba yan? Saan ba siya pumunta?
Napatingin ako sa kalawakan ng biglang kumulog, dumidilim na ang kalangitan kaya naisipan ko na lang na bumalik sa loob ng kotse at naghintay kung may lalabas ba sa bahay ni Leanna, pero magkakalahating minuto na ako sa paghihintay wala pa rin.
Lalabas ulit sana ako ng kotse ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Kaya napabalik ako sa loob, wala akong dala kahit isang payong o kahit sombrelo kaya hindi ako makalabas.
BINABASA MO ANG
Pay Mo' SS (FAMOUS)
Misteri / ThrillerKilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na babae. Ngunit mag-isa na siya sa buhay dahil maagang namatay ang magulang niya matapos niyang makagraduate sa kolehiyo. Ang pagiging ulila niya...
