EPILOGUE

13.4K 173 46
                                        

A final section after the main part of a book, play or musical composition. The final scene of a story that comments on or summarizes the main action.

.
.
.
.
.
.

Wyte's POV

Sa tinagal tagal ng paghihintay ko, ngayon ko na makakamtan ang hustisya para sa aking ama. Kasalanan ng Daddy mo SS kung bakit nagpakamatay ang aking ama. Kung hindi lamang naging madamot ang kapalaran hindi ko ito gagawin sa iyo. Hindi lamang pera ang habol ko kung bakit gusto kitang patayin, kundi hustisya. Pangarap ng aking ama na maging sikat na artista, pero hindi niya pinangarap na lagi na lamang extra. Oo magaling ang ama mo, pero kung hindi dahil sa ama ko hindi siya sisikat. Pagbabayaran mo ito SS, magbabayad ka sa lahat ng kasalanan ng ama mo. Ikaw ang kabayaran sa lahat lahat.

Mamatay ka na, walang hiya ang ama mo. Pare pareho lang kayo.

"Hawak ko na si SS Wyte, saan ko siya dadalhin?" Napalingon ako sa isang building ng marinig ko ang boses ni RJ sa kabilang linya at kung saan tanaw ko ang kumakaway na si RJ, habang bitbit si SS.

"Alam mo na ang sunod na gagawin," malamig kong sagot sa kanya.

"Okay."
Lumakad na si RJ at pinagmasdan ko lang siya, pero may napansin akong sumusunod sa kanya kaya sinipat ko iyon sa hawak kong baril. Hindi na ako nagdalawang isip pa, kinalabit ko agad ang gatilyo ng baril ng masipat ko ang taong iyon na humahabol kay RJ.

.
.
.
.
.
.

Zekiell's POV

"Ahhhhh!" Napaluhod ako ng may biglang tumama sa aking kanang binti. Tiningnan ko iyon, may dugo at sugat kaya napaupo ako sa tabi.
Hinahabol ko kasi ang lalaking nakaputi kanina, at nakita ko siyang kasama niya si SS. Kaya sinundan ko.
Pero ito ang kinahinatnan ko sa paghabol sa kanya. Hindi na ako nakinig pa sa usapan nina Tita Charee at Laxy , kaya pumunta muna ako sa banyo. Pero ng mapansin ko ang lalaking iyon sinundan ko na siya hanggang 3rd floor.
May kutob kasi ako sa lalaking iyon.

Pumunit ako ng kaunting tela sa aking damit para ipangtali sa aking sugat. Napasilip ako sa bintana para hanapin kung nasasaan ang bumaril sa akin. Pero hindi ko maaninag ang rooftop dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa bubong na diretso sa bintanang kinatatayuan ko. Nasa limang palapag ang kabilang building na iyon, pero hindi ko sure kung nasaan mismo ang sniper.

Pinilit kong tumayo at maglakad pabalik sa 2nd floor pero sobrang sakit talaga ng aking binti at ang hirap ihakbang dahil sa sugat na natamo ko.

.
.
.
.
.
.

Sandro's POV

"Zekiell!" Sigaw kong sambit ng makita si Zekiell na nakaupo at naliligo na sa dugo. May narinig kasi akong putok ng baril kaya napaakyat agad ako para siguraduhin kung ano ang meron.

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon