.
.
.
Chapter 30: Warrant of arrest
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wyte's POV
After maibigay ni RJ ang mga ebidensya ay agad na kaming pumasok sa loob ng tent. Medyo may kalakihan ang tent kaya maaari kami ditong matulog. Pero dahil hapon pa lamang inasikaso na namin ang lahat lahat.
After a couple minutes dumating na sina Laxy at Zekiell, tumungo na agad sila sa kanilang ginagawa kanina.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Leanna's POV
"Leanna! Leanna!" napabalikwas ako sa aking kinahihigaan ng may sumigaw sa labas ng bahay. Kinusot kusot ko muna ang aking mata bago sumilip sa bintana ng kwarto ko. Hinawi ko ang kurtinang violet na nakaharang sa bintana, sabay bukas ng mirror window na pa slide ang bukas.
Agad na bumungad sa akin ang nakaputi at nakajeans na si Dea, may dala siyang maliit na paper bag na kulay pula at nakasuot pa siya ng high heels na kulay black.
Anu naman ang ginagawa niya dito sa bahay? Kaaga naman. Hayyy...
Bumaba ako sa kama at nagsuot ng slipper, dahan dahan akong bumaba ng hagdan upang tumungo sa main door ng bahay.
Pagkabukas ko ng pinto sakto namang sumigaw ulit si Dea.
"Leanna!"
"Shhhsss.." nakanguso kong sabi sa kanya.
"Ay sorry kung naabala ba kita ha." mahina niyang pabulong sa akin.
"Halika nga." pabulong kong sabi sa kanya. Pinindot ko ang keypad sa tabi ng pinto sa loob ng bahay upang bumukas ang gate. Pumasok naman agad siya mula sa gate papasok sa loob ng bahay.
Dahan dahan kaming tumungo sa sala, pinaupo ko muna siya sa sofa.
"Anu ba ang ginagawa mo dito? Ang aga aga mo naman mangbulabog." naiinis kong sabi sa kanyang.
"Ahh sorry naman. Wait maiba tayo, yun nga kaya ako maaga dahil para dito?" iniabot niya sa akin ang hawak hawak niyang paper bag na pula.
"Anu naman ang laman nito?" tanong ko sa kanya.
"Buksan mo na, dali nakakaexcite naman." pabebe niyang sabi habang pumapalakpak na parang bata. Hayyy agang agang nasa harap ko ang isang babaeng walang ginawa kundi maggala ng maggala, hindi niya man lang inaasikaso ang kanyang restaurant.
Binuksan ko na ang paper bag, hindi masyadong nakakaexcite dahil na kay Dea ang excitement na dapat nasa akin. Hayyy mabuksan na nga lang.
"Tada!" napatingin ako bigla kay Dea ng sabihin niya iyon.
"Anu ba ito?" tanong ko sa kanya.
"Leanna, diba ang sabi mo kagabi tulungan natin sina Wyte na mahanap yung suspek na dumukot kay SS." nakangiti niyang sabi.
"Oo nga, eh anu naman ang kinalaman nito?" muli kong tanong sa kanya.
"Hindi mo ba natatandaan?" balik niyang tanong.
"Ang alin?"
"Hayy naku Dea. Ipapaalala ko na nga lang sayo." sabay kamot niya sa ulo.
"Ito yung huling tawag ko kay SS. Tingnan mo." ipinakita niya sa akin ang kanyang cellphone kung saan nakarecord pa rin ang oras at araw na tinawagan niya si SS. Nasagot ni SS ang tawag na iyon pero biglang namatay at sigurado kaming may pumatay. So ibig sabihin may another evidence na naman kaming may maibibigay kina Wyte.
"Oh tanda mo na?" tanong sa akin ni Dea, napatunghay ako ng ulo ng magsalita siya.
"Wala bang makakain dito sa bahay mo?" tanong niya habang nakahawak sa tiyan na tila nagpapapansin na gutom na siya.
"Tsss pupunta punta ka dito tapos di ka pa pala kumakain. Hayy sige po ma'am kukuha na ng makakain." padabog kong pagtayo, tinungo ko na ang kusina sabay bukas ng ref.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Wyte's POV
Maaga akong nagising ng marinig ang malakas na alarm, bumangon ako at naghilamos ng mukha.
After nun naligo na agad ako at nagtungo sa tent.
Pagpasok na pagpasok ko agad ko ng inasikaso ang mga files at evidences na meron kami.
After several hours dumating na rin sina Tita, sumunod naman si Zekiell then after niya si Laxy. Sinimulan nanamin ang pagiimbestiga sa lahat lahat ng ibinigay ni RJ at Leanna.
.
.
.
.
.
.
"Wyte tingnan mo, base sa research ni RJ about sa suot nung lalaking dumukot kay SS,babae ang bumili niyon at ito pa malapit na kaibigan nung girl yung suspek."
"Talaga Tita."
"Yes, wait there's more. Ang sabi dito ang name nung girl ay Lena Lopez. Isang professional photographer na nagmula sa school niyo before."
Sinabi na nga ba at si Lena ang nasa likod ng lahat ng ito.
"Okay Wyte ito pa. Naging karelasyon niya ang lalaking nasa likod ng black leather jacket na dumukot kay SS, but this time friend na lang sila. Nga pala ito yung ibinigay ni RJ isang litrato ni Lena na nag abot ng white envelope long na medyo may kakapalan. Then naizoom ko na, and ang laman nun ay pera dahil sa sinag ng kulay blue 1000.00 peso. Look closer." iniabot niya sa akin ang litratong ibinigay ni RJ kahapon.
"Tita nadedetect na po look." napalingon kami ni Tita kina Laxy at Zekiell.
Pababa ng pababa ang mga mukha at pangalan ng taong nag mamay ari ng boses.
"Look, babae nga." sabi ni Zekiell ng lumabas ang female na may check. Then patuloy pa rin sa pagbaba ang mga mukha at pangalan ng tinutukoy ng voice meter.
Pabagal na pabagal ang pagbaba ng larawan at pangalan.
.
.
.
.
.
Hanggang sa...
"Gotcha! Her name was Lena Lopez the professional photographer who was the best friend of Sheeria's mother." nakangiting sabi ni Zekiell.
"Todo detect tayo then si Lena lang pala!" galit na sabi ni Laxy.
"Okay lang yun Laxy dahil finally the voice meter tell that Lena was the owner of this kind of voice." nakangiting sambit ni Zekiell.
"Okay Wyte, ito na yung araw na gustong gusto mong gumawa ng warrant of arrest." napangiti ako sa sinabi ni Tita pero tila parang may mali eh. Ewan hindi ko alam, noong nakaraang araw atat na atat akong gunawa ng warrant of arrest para hulihin na si Lena pero ngayong marami na kaming ebidensya at napatunayan na si Lena nga ang nasa likod tsaka naman ako nag aalinlangan. Hayyy di ko na magets ang mga iniisip ko. Napakagat labi ako habang nakatingin sa mga ebidensyang nakalatag sa malaking lamesa. Bawat isa sa mga ito ay tila may mali na parang ewan na parang hindi ko maintindihan, nakakaloko na talaga.
"Oh Wyte bakit malungkot ka?" agad akong napalingon kay Tita na parang alam niya kung anu ang iniisip ko.
Lumabas ako sandali ng tent.
.
.
.
.
.
.
After 2 days
"Excuse me." napatungay ako habang nagsusulat sa mini table sa labas ng tent ng may magsalita.
"Oh officer, anu po ang kailangan niyo?" tanong ko sa lalaking kaharap ko na nagsabi ng 'excuse me'.
"Charee Cantos called me about the warrant of arrest. And she sent me a lot of evidences that can prove about SS case. Lena Lopez was the suspect of this kind of case right?" napanganga lang ako sa mga sinabi niya, natawagan agad ni Tita ang mga police about dito.
"Oh officer nandito na pala kayo. Dali niyo po ba?" napalingon ako kay Tita na galing sa loob.
BINABASA MO ANG
Pay Mo' SS (FAMOUS)
Misterio / SuspensoKilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na babae. Ngunit mag-isa na siya sa buhay dahil maagang namatay ang magulang niya matapos niyang makagraduate sa kolehiyo. Ang pagiging ulila niya...
