Zekiell's POV
"No hindi yun mangyayari Wyte!" sigaw ko sa kanya. Nag e imagine na naman kasi si Wyte ng kung anu ano na bawat mangyayari para mamaya, iniisip niya kasi na magkakasagutan ng ganoon sina Laxy at SS, pero para sa akin hindi iyon magagawa ni SS specially Laxy.
"Oo na hindi yun mangyayari, pero maiba tayo nasaan na ba sina SS?" tanong ni Wyte sa akin.
"Wyte sa labas nandoon sila." sambit ko kay Wyte sa headphone. Agad na siyang lumabas at sinundan sina SS.
"Zekiell naiyak si SS." kabadong sabi ni Wyte.
"Lapitan mo siya Wyte bilis." agad kong sabi sa kanya. Lumabas na si Wyte at kinausap si SS, parang katulad ng inimagine ni Wyte kanina na lalabas siya kasama sina Reeyah At Sheekk then iiyak then papasok muli sa loob. Lumapit na si Wyte sa table namin at pinaupo si SS sabay bigay ng tubig.
"Okay ka lang ba?" tanong ni Wyte kay SS.
By the way I'm Zekiell Gamboa 21 years old.
Ganito ang lagay namin, si Wyte at SS nasa table, si Laxy kausap si Lena while me nasa rooftop alam niyo na.
Okay maiba tayo, pinuntahan ni Laxy sina Wyte at SS. Medyo naiyak pa rin si SS pero napapatawa na ni Wyte dahil sa mga jokes.
"Oh bakit SS?" tanong ni Laxy kay SS.
"She's fine." agad na sagot ni Wyte.
"Laxy, Lena is leaving sundan mo." sambit ko.
"No Zekiell, walang information ngayon sa kanyang mga galaw. How about Reeyah? SS may nakuha ka ba?" tanong ni Laxy na naririnig ko sa headset.
"Wala siyang nababanggit ng kahit anu? Except one." napatigil ako sa pagmomonitor sa camera ng marinig ko ang mga sinabi ni SS. Agad akong bumaba at hindi nagpahalata sa mga nakakasalubong ko palabas ng Comfort Room.
Tumakbo ako papalapit sa table namin agad akong kumuha ng glass ng wine.
"Anu ba ang sinabi niya?" agad na tanong ni Laxy.
"Masyadong personal then girls talk iyon not allowed sa boys." napatahimik kami ng sabihin iyon ni SS.
"Don't worry walang kinalaman ang pag e investigate natin dun, trust me." SS added.
Nakampante naman kami kaya hindi na namin tinanong pa si SS.
"SS." napalingon kami sa boses na iyon si Dea at Leana lang pala. Lumapit sila at umupo sa table namin, sa kabilang table naman sina Sheekk at Reeyah kasama ang dati nilang kaibigan.
Kumain na kami at nakiparty pero nakaantabay pa rin kami sa isa't isa, ngunit napabaling ang aking atensyon sa mga kilos ni Reeyah.
Lumabas siya ng party dahilan para sundan ko siya. Patago kong sinundan si Reeyah pero di ko na siya inabot, hinanap ko siya ng hinanap and lucky me dahil nakita ko siya na may kausap sa cellphone. Nakatayo sa tabi ng fountain kung saan matatanaw ang napakagandang sky light.
Lumapit ako ng kaunti upang marinig kung sino ang kausap niya, dahan dahan akong lumakad at nagtago sa likod ng makakapal na halaman na malapit sa kinatatayuan niya.
"Don't worry mom makakahanap din ako ng solution trust me. Love you, bye." iyon na lamang ang huli kong narinig sa mga sinabi ni Reeyah. Sumilip ako ng kaunti at tiningnan kung anu ang ginagawa niya, nakatayo pa rin siya na nakatingin sa tila kawalan.
"Hayy kailan kaya ito matatapos." muling sambit ni Reeyah while looking at sky light. Malungkot na mga mata ang nakikita ko sa kanya, tila may bumabagabag sa kanyang isipan na ang makakatulong lamang ay ang kanyang sarili. Parang hindi siya ang Reeyah na nasa documents namin na matapang, masayahin, masekreto at hindi nakabusangot ang mukha kapag may problema.
Aalis na sana ako...
"I'm sorry Mom, hu. Hindi sana ito nangyayari kung hindi namatay si Dad. It's all my fault, kasalanan ko ito kaya dapat kong pagbayaran." umiiyak si Reeyah ng sabihin ang mga iyon.
"Reeyah." she immediately wiped her tears when Sheekk approached her.
"Why?" Sheekk ask.
"Nothing I got something in my eye that's all." sabay iwas sa mga tingin ni Sheekk.
Sumandal ako sandali at napaisip sa mga nakita at narinig ko ngayon, then I think something was wrong with our investigation and documents.
Feeling ko walang kinalaman si Reeyah sa mga nangyari sa aksidenteng naganap, feeling ko lang naman hehehe mema lang. But I'm not kidding I feel something wrong with the documents na ibinigay ni RJ.
Sumilip ulit ako pero wala na silang dalawa doon. Kaya lumabas na ako, napapa imagine tuloy ako kung anu ang gagawin. Bumalik na ako sa loob at nakiparty pero patuloy pa rin ako sa pag iisip ng kung anu ano pati pag e imagine naisalin na agad sa akin ni Wyte.
Natapos ang gabi na walang nadagdag sa aming investigation, except sa mga narinig ko mula kay Reeyah. Maybe she is innocent but maybe she just acting those things just to cover her bad side. Pero nangungunsensya ako sa mga sinabi niya kanina.
I feel something terrible sa mga sinabi niya promise.
"Zekiell sabay ka na sa amin." sigaw ni Wyte sa di kalayuan.
Lumapit na ako sa kanila at sumakay sa kotse. Nakauwi na kaming lahat, pati na rin sina Laxy at SS.
Sheeria's POV
I did not expect sa lahat ng sinabi sa akin nina Reeyah at Sheekk before. Seriously kinabahan ako sa lahat ng iyon, tila totoo na hindi na ewan.
"Are you okay?" Laxy ask while driving. Pauwi na kami theb wala pa kaming nakuhang information na pepwede naming idagdag sa mga evidence kay Reeyah.
Tumigil ang sasakyan sa tapat ng madilim na lugar kung saan kakaunti lamang ang mga tao siguro mga nasa lima. Bumaba si Laxy kaya napababa rin ako.
Agad na hinawakan ni Laxy ang kamay ko sabay takbo, pilit ko siyang pinipigilan dahil padilim ng padilim ang lugar na aming tinatahak.
"Wait where are we going." I ask.
"Sumama ka na lamang." seryoso niyang tanong. So sumunod na lamang ako but I feel something na may balak si Laxy.
"Close your eyes." utos niya sa akin sumunod naman ako.
"Okay na." muling utos ni Laxy sa akin. Iminulat ko na ang aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Pay Mo' SS (FAMOUS)
Mister / ThrillerKilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na babae. Ngunit mag-isa na siya sa buhay dahil maagang namatay ang magulang niya matapos niyang makagraduate sa kolehiyo. Ang pagiging ulila niya...
