Chapter 29: Another Evidence

7.2K 53 0
                                    



Chapter 29: Another Evidence

~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Zekiell's POV

Napatingin ako sa aking relo na nasa kaliwang pulso ko, hanggang ngayon kasi hindi pa namin nadedetect ang boses sa recorder na iniabot sa amin ni Tita, na iniabot ni Wyte kay Tita at iniabot ni Leanna kay Wyte. Hayyy magdadalawang oras na kami dito ni Laxy pero di pa rin kami tapos.

Tinanggal ko ang headphone sabay pause sa record.
"Tita nagmer yen daaaa.." napatigil ako sa pagsasalita ng makitang wala sina Tita sa kanilang kinauupuan. Kinulbit ko si Laxy, napatingin agad siya sa akin.

"Na pan sin mo ba si lang lu ma bas?" dahan dahan kong tanong kay Laxy sabay turo sa kinauupuan nina Wyte at Tita kanina.

"Huh! Nasaan sila?" balik na tanong ni Laxy.

"Kaya kita tinanong kung napansin mo silang lumabas?" sagot ko sa kanya.

"Diba parehas tayong busy sa pagdedetect, paano ko naman mapapansin pati eh may suot tayong headphone." napaisip ako sa sinabi ni Laxy.

Oo nga naman, pareho kaming busy. Paano nga naman niya mapapansin hayyy di talaga ako nag iisip kahit kailan.

"Nagugutom na ako Zekiell, magmeryenda muna tayo." pagyayaya sa akin ni Laxy, nagugutom na rin ako kaya sasama na nga lang ako.

"Gutom na rin ako, tara na nga." lumabas na kami ng tent at bumili ng makakain.

~~~~~~~~~~~~~

Wyte's POV

"Tita what if hundred percent na si Lena nga ang nagpautos dun sa lalaking huling nakitang nasa main office noong araw na nawala si SS?" tanong ko kay Tita habang kumakain ng burger at french fries.

"Sa ngayon hindi pa iyon 100%, pero once na may mahanap muli tayong footage na talagang makakapagbigay linaw at sagot sa kasong ito doon ko mo na masasabi na hundred percent na may kinalaman nga si Lena. Medyo hindi clear kasi ang mga ebidensya natin sa ngayon eh." napaisip ako bigla sa sinabi ni Tita, sabay subo sa french fries.

Hayyy SS sino ba kasi ang dumukot sa iyo. Hindi naman pwede na agad hulihin si Lena dahil kailangan pa ng ebidensya. Hayyyy kainis naman.

"Oh tita nandito pala kayo, hayy akala namin bigla kayong umalis eh." napalingon kami ni Tita sa likuran kung saan narinig ko ang boses ni Zekiell.

"Tapos na ba kayo?" tanong ni Tita.

"Ah hindi pa po, medyo mahirap madetect ang boses dahil nagfefeedback ang signal mula sa kausap niya sa cellphone at ng signal naman sa recorder." mababang boses na sagot ni Laxy.

"Ah ganun ba. Kaya pala napakaseryoso niyo kanina, di kasi kayo makausap eh." nakangiti kong sabi sa dalawa.

"Pabili nga po ng isang burger at isang soda."

"Ako din Laxy."

"Dalawa na po palang burger at soda." pagkatanggap na pagkatanggap ng burget at soda ay agad na silang kumain.

"Uhm Ngu pulo, tupos nu run bu kuyo so bugong ubodunsyo nu ubunogoy nu Luono." sabi ni Zekiell habang puno ang bibig ng burger.

"Lunukin at nguyain mo nga muna yan Zekiell bago ka magsalita."
Napatakip ng bibig si Zekiell sa sinabi ni Tita kaya agad na niyang nginuya ang burger na subo subo.

"Ay sorry po Tita."

"Okay lang yun, basta sa susunod tandaan mo na kapag may iba kang kasabay kumain maging magalang sa pagkain kahit gutom ka na."

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon