Chapter 44: Sorry

5.9K 44 0
                                    


Guys sorry sa super late UpDate ko, sobrang busy sa school eh. Katatapos lang din ng Prelim namin, then sinabayan
pa ng major ko. Kaya guys sorry talaga, hope you all guys understand my schedule. Bawi na lang po ako, nga pala yung isa ko pong book na The Magical World 2: The History of The Six Kingdom, uhm matatagalan muna ang pag UD ko, dahil tatapusin ko na po ang book na ito within this ber months.

Enjoy guys:)
Love ya:)

Chapter 44: Sorry

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sandro's POV

After two days nakalap na rin namin ang bawat tanong sa bawat ebidensyang hawak namin.
Pero tila may kulang pa rin sa mga ginagawa namin.

"Sandro, kailan natin ito sasabihin kina Tita Charee?"

"Huwag muna sa ngayon Wyte. Masyado pang maaga, marami pa tayong aasikasuhin, okay?"

Tumango tango lang si Wyte ng sabihin ko iyon.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Leanna's POV

After two days bahay at office lang ako, wala na rin naman na akong trabaho eh. Kaya tinanggap ko na ang offer ni Wyte na mag imbestiga sa kaso ni SS.

Two days ko ring hindi pinapansin si Troy kahit araw araw kaming nagkikita, mapabahay mapa opisina at mapamall. Hayy nakakasawa na ang paulit ulit na pangyayaring iyon.

Kringggggggg
Kringggggggg

Agad kong sinagot ang tawag.

"Papunta na ako, sige bye."
Ibinaba ko na ang cellphone at lumabas ng bahay, napatingin agad ako sa kalangitan dahil nagbabadya ng umulan. Inilock ko na ang bahay, napansin ko na sarado ang buong bahay ni Troy, sumilip ako ng kaunti pero agad na rin akong lumapit sa kotse ko.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ng biglang humangin ng malakas, napakusot ako ng mata dahil sa alikabok na dala ng hangin. Pagyungo ko may napansin akong isang papel na may nakasulat. Agad ko iyong pinulot habang kinukusot pa rin ang aking mata.

"Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang."

Basa ko sa nakasulat sa papel, napalingon lingon ako sa buong paligid pero tanging mga bata ang nandodoon, naglalaro kasama ang kaibigan nila, gayundin ang mga kasambahay na nagsisilong ng sinampay dahil nagbabadya na ang kalangitan sa pagpatak ng ulan. Napansin ko rin ang grupo ng mga kababaihan sa kabilang bahay, alam niyo yung tsismosa, yung lahat ng galaw may sinasabi sila,yun ganun sila.

Napaisip ako kung kaninong sulat iyon at para kanino iyon, pero may kutob ako na para sa akin ang sulat. Si Troy ang unang pumasok sa isipan ko. Pero hindi ko na lamang iyon pinansin, itinapon ko na lang sa trash can na malapit sa kinatitigilan ng kotse ko, sumakay na ako at agad na pinaandar ang sasakyan. Tumingin ako sa side mirror para makita ang likod ng sasakyan, nagsisiguro lang baka kasi may masagasaan pa ako.

Napansin kong walang ibang tao o kahit ano kaya pinaatras ko na ang sasakyan.
Habang umaatras ang kotseng gamit ko ay paulit ulit pa ring sumasagi sa aking isipan ang bawat salitang nabasa ko sa papel na iyon.

"Araayyyy!"

"Naku po!"

Agad kong inapakan ang preno ng marinig ko ang malakas na sigaw mula sa likuran.
Bumaba ako ng kotse at agad na pumunta sa likuran ng sasakyan.

Napalaki ang mata ko ng makita ang isang lalaki na nasa ilalim ng sasakyan. Puro grasa siya.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pay Mo' SS (FAMOUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon