Chapter 39: News~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Sheeria Sammontah Sy, how are you my dear?"
"Who are you?" Sheeria shouted.
"Hahaha, calm down SS. Makikilala mo rin kung sino ako, nga pala ngayong araw na ang unang shooting mo with Director Garcia. Am I right?" tanong nito kay SS na nakaupo at nakatali.
"Please sino ka ba talaga?" muling sigaw niya.
"Huwag ka ngang sumigaw diyan, hoy wala ka sa bundok and huwag ka ngang magpabebe diyan!" sigaw ng isang babaeng kadarating pa lamang na nakasuot ng maskara na kulay puti.
"Shhh, calm down. Hindi niya naman ako, wait I mean tayo. Hindi naman niya tayo kailangang kilalanin."
"Anu ba ang kailangan niyo sa akin? May ginawa ba akong masama? May kasalanan ba ako sa inyo? May kinuha ba ako sa inyo? Anu?"
"Sa apat na hula mong tanong isa lang ang tama." napalaki ang mata si SS ng makita ang isang lalaki na nakasandal sa pinto. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang dahan dahan lumalapit sa kanya ang lalaking iyon. Maraming katanungan ang sumasagi sa kanya habang tinitingnan niya ang lalaking iyon.
"Laxy?" gulat na tanong ni SS.
"Did you miss me?" walang emosyong tanong ni Laxy.
"Ba bakit? Huh!" naiiyak na sambit ni SS. Nagsimula ng mamula ang magkabila niyang pisngi at mata.
"Huwag ka ngang magpaawa diyan! Tsss!" sigaw ng babaeng nakasuot ng maskara. Yung isa namang babae ay tumabi kay SS at binulungan siya.
"Don't you worry we will not kill you. We just want your presence and your coordination." tuluyan ng dumaloy ang luha ni SS ng marinig ang mga salitang iyon mula sa babaeng tumabi sa kanya na nakamaskara din. Nakatingin lang ng diretso si Laxy kay SS na nakatungo habang patuloy na dumadaloy ang pagpatak ng mga luha nito. Biglang itinunghay ni SS ang kanyang ulo kaya nagtagpo ang kanilang mga tingin, ng mangyari iyon agad at una ng umiwas ng tingin si Laxy.
Kakaibang tingin iyon, tila gusto niyang lapitan si SS ngunit may pumipigil sa kanyang sarili.
"Sige una na ako, kayo na ang bahala sa kanya." pagpapaalam ni Laxy. Humakbang na siya palabas ng pinto ng.....
"Ba bakit? Huh!" bago pa niya marating ang pinto ay agad na namang inulit ni SS ang salitang iyon. Napatigil siya, ilang segundo lamang ay lumingon siya ng kaunti pero yung tila mata lang yung kanyang iginalaw. Kita niya si SS sa gilid ng kanyang mga mata na nakatungo umiiyak at patuloy na inuulit ang tanong na iyon. Pero lumipas ang sampung segundo ibinalik na niya muli ang atensyon sa may pinto, ipinagpatuloy niya ang paglalakad palabas. Iniwan niya ang tatlo sa loob ng kwarto.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hayyy di ko siya matitigan ng ayos, gusto ko siyang lapitan kanina pero tila may pumipigil sa akin. Bakit ba naman kasi kailangan ko pang makipagclose sa kanya? Kung pepwede nga lamang na hindi siya, hayyyy.
Hayyy sa dinami dami ng babae sa mundo bakit siya pa?
Laxy listen Sheeria is your great grear enemy and she is the reason why your life was ruin, it is all because of her. She is not your dream girl, she's not totally for you.
Come on Laxy, do this for your future, just for you.
Nakatungong naglalakad palabas si Laxy habang nag iisip ng napakalalim.
"Ba bakit? Huh!"
"Ba bakit? Huh!"
"Ba bakit? Huh!"Paulit ulit na sumasagi sa kanyang isipan ang sinabi ni SS ng tanungin siya nito.
Hayyy anu ba naman yan? Kailangan kong magconcentrate ngayon kaya please lang tigilan mo na akong tanong ka. Please!
Sabay batok sa sarili.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Thanks for the cooperation Jacob, thanks dahil ipinagkatiwala mo ito sa akin." iniabot ni Sandro ang kanyang kamay kay Jacob para makipag handshake habang ang lahat ay maayos matapos mapalaya si Lena Lopez mula sa maling akusasyon.
"Sandro basta pagdating sa ganitong pagkakataon alam mo naman na ikaw palagi ang nilalapitan ko. Nga pala I forgot to say this, it's about Lena's stepbrother I just want to say sorry, sorry sa inasal ko noong nasa office ko siya eh hindi ko naman kasi siya kilala then bigla bigla siyang sumusulpot kaya nasigawan ko ng wala sa oras. Uhm Troy nga ang pangalan niya anu?"
"Okay na Jacob, mahaba ang pasensya nung taong yun kaya huwag ka ng mag-alala."
"Uhm excuse me lang ha."
"Ah sige sige okay lang." umalis na si Sandro ng sandaling iyon.
Nakatingin lang siya ng diretso sa pag alis ni Sandro habang ang iba ay nandidito pa sa loob ng hall."Uhm Officer nagpaalam po ba sa inyo si Laxy?" napalingon ako mula sa aking tabi, si Zekiell iyon na nagtatanong kay Laxy.
"Sorry Zekiell wala siyang sinabi sa akin eh. Teka tawagan mo na lang kaya, diba may aasikasuhin pa kayo about those remaining evidence?"
"Oo nga po eh. Okay I will call him."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hayyy anung oras na ba? Bakit hindi pa ako nagugutom? Teka anu kaya ang magawa? Makanood na nga lang ng T.V. Binuksan ni Leanna ang T.V.
"Live na live po tayo dito sa hall kung saan napawalang sala na ang Professional Photographer na si Lena Lopez kung saan dinakip siya noong mga nakaraang araw. Pansamantala muna siyang magpapahinga matapos mangyari ang mga ito sa kanya, ayon sa aking nakalap mismong ang grupo nina Charee ang nakatuklas na hindi si Lena ang suspek habang lumalabas din na sila ang nagbigay warrant noong mga nakaraang araw. Ayon kay Detective Sandro ang kasalukuyang humahawak ngayon ng kaso, na halos lahat ng ebidensya ay frame up kay Lena and they have no idea right now kung sino ba talaga ang nasa sa likod ng lahat ng ito."
Anu frame up? So where's SS? How can they find her? Sunod sunod na tanong ni Leanna sa sarili.
"Sa ngayon ay under observation pa ang bawat ebidensya, bali ilalabas na lamang namin if totally maayos na ang lahat." sagot ni Jacob habang iniinterview.
"Officer Jacob, may idea po ba kayo sa sinasabi ng iba na isa sa mga kasamahan niyo ang suspek?"
"I think so but right now I'm not hundred percent sure of that. Siguro kapag natapos na lamang ang investigation para mas clear at mas maipapaliwanag ng ayos."
"Last question na lang po. Sa tingin niyo po ba tama lang na si Detective Sandro ang kinuha niyong detective para humawak sa ganitong kaso?"
"Oo naman tama ang napili naming detective specially he still part of our group. That's all and I have to go." Jacob answered.
"Patuloy pa ring pinag aaralan ng grupo kung sino ba talaga ang dumukot sa sikat na modelo na si Sheeria Sy o mas kilala nating SS, patuloy po kayong sumubaybay at tumangkilik sa kasong ito, Jian Santos Patrol News."
Agad ding pinatay ni Leanna ang T.V. matapos mapanood ang balita. Agad siyang tumakbo palabas ng bahay at sumakay ng kotse.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Huh bakit nagmamadali si Leanna? Saan naman yun pupunta? Teka may problema ba?
Patuloy na tanong ni Troy sa kanyang sarili habang nakatingin sa papaalis na si Leanna.
![](https://img.wattpad.com/cover/163826250-288-k874014.jpg)
BINABASA MO ANG
Pay Mo' SS (FAMOUS)
Mystère / ThrillerKilalanin si Sheeria Sammontah Sy o mas kilala sa pangalang SS, isang famous model, marikit at mabait na babae. Ngunit mag-isa na siya sa buhay dahil maagang namatay ang magulang niya matapos niyang makagraduate sa kolehiyo. Ang pagiging ulila niya...